Chapter 28 - part II
Erudite Acts| Daixon's POV |
[ Continuation... ]
Hindi ko inaakalang mate-trace ako ni Sean. Para bang natapakan ang pride ko bilang isang miyembro ng Erudite House dahil doon. Bigla ko ring naalala na matagal nang nililigawan ng Erudite House si Sean, pero loyal ito sa Beleaguer House. Madaming nagsasabi na isang alas si Sean kaya madami siyang magagawa dito sa House namin kapag nagkataon.
Akala ko ako ang magko-corner kay Sean, pero kita mo nga naman, bumaliktad ang tadhana. Ako na ngayon ang kailangang manalangin.
"Tell me Daixon, what did you do?" tanong nito habang nakaupo sa kanyang study chair.
Confident siya kahit na alam ko ang tinatago nitong sikreto. "Natrace ko ang IP address ng kachat---"
"No not that," seryosong sabi niya kaya nagtaka ako.
Kung hindi ito tungkol sa pag-trace ko ng IP address, edi ano?
Tumayo si Sean at humarap sa akin bago nagsalita. "What did you do to get the information you needed about the Blue Web?"
Napakunot-noo ako sa tanong niya. Teka, may alam ba siya sa ginawa ko?
"Illegal things like that will be your downfall," nakangising sabi ni Sean. Doon ko nakumpirma na alam nga niya ang illegal na pagbili ko ng impormasyon. Pero paano niya nalaman?
"You can be kicked out from Erudite House, or you can also be blacklisted. So, be careful," babala nito.
Thanks sa concern pero nagtataka pa rin ako.
"How did you know?" tanong ko.
"Simple," napasinghap siya bago ituloy iyon. "Beleaguer House gave me the information keeping job, or whatever it is, for the meantime. That's how I detected your illegal purchase of information, it was kept in Erudite House files so I saw it using my codes. Heard enough?"
"How did you detect something so anonymous? I'm using an onion browser for Pete's sake," mariing sabi ko.
Never in my life na nabreach ang blue web firewall ko. Paano niya nagawa 'yon? Gumamit naman ako ng proteksyon ha!
"Have you heard about the Spy Program?" tanong nito. Sa sobrang gulat ko ay nahinto ako ng ilang segundo. Parang hindi ko alam kung paano ako magpaprocess.
Ang Spy Program ay isa sa mga invention ng Erudite House noon. Ang purpose niya ay makapang-detect ng virus, cyber attacks, at kung ano-ano pang illegal shits online na nagbibigay ng threat sa pinoprotektahan nito. Exclusive 'yon kasi ayaw itong ibenta sa public. Sabi nila, nagka-crash daw kasi ang program. Pero ang sabi rin ng ilan, ay binayaran ng mga dark blue web gangs ang mga estudyanteng naka-imbento non para hindi masira ang illegal business nila.
"How? How can you use something so exclusive?" halos hindi ko pa rin maprocess ang lahat.
"Connections," tipid niyang sagot.
Tumango ako kahit na hirap kong tanggapin ang lahat. Bumalik tuloy sa isip ko noong sinabihan ako na hindi ko bagay maging Erudite House leader dahil hindi ako sociable. Pero ganoon din naman si Sean ah? Ang pagkakaiba lang ay mas angat siya sa buhay, kaya siguro marami siyang resources, at connections.
"Anong gusto mong gawin ko para hindi mo ipagsabi ang ginawa ko?" pagsuko ko.
Isa lang nasa isip ko ngayon, iyon ay ayaw kong matanggal sa Erudite House kaya kailangan kong itago ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
School Life With You (Book 2)
Roman pour AdolescentsEmpyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the Red Dragons, the Grade 10 students, the 7 Houses, and everyone else will fight for their rights. Joi...