HANGGANG sa nakauwi na kami,ay nanatiling wala akong imik. Nakabusangot lang ang aking mukha.
Nakayuko lamang ako,dahil wala na akong mukhang maipaharap sakanila."Don't worry darling,malilimutan mo rin si Felix."Sabi ni mom,habang mapanuri niya akong tignan.
Malilimutan? imposible na yata iyon.
Ang hirap kayang gawin iyon,at hindi ko naman siya kayang makalimutan.
Mamahalin ko parin siya,kahit bawal man.Mas lalo namang hindi ako papayag na maging sila ni Kelly,no freaking way.I just looked at her.At tumalikod na,alam ko namang nakakabastos itong inasal ko ngayon pero wala talaga akong gana makipag usap sakanila.
Nagmamadali akong lumakad patungo saking kwarto.Nagulantang ako saking nakita,halos lahat ay binago ng ayos.Naging mas colorful na ang silid ko ngayon,pero may bakal na ang mga bintana.
Bakit may ganito pa? hindi naman ako tatakas eh.Parang nasa presinto naman ako nito.Hindi na tuloy ako komportableng matulog dito.
Iniisip kaya niya ako ngayon? sana naman talaga.Sa tingin niya ba,basta nalang ako susuko? pwes nagkakamali siya ng inaakala.Para sakanya ang dali niya lang ako isinuko sa magulang ko,pero alam ko namang may rason siya na kung bakit niya iyon ginawa.
Ngayon paba ako susuko sakanya?
isusugal ko lahat ng aking makakaya.
Pero sa ngayon,maging sunodsunoran na ulit ako sakanila.Iisipin ko muna ang kaligtasan ko.Napaupo ako saking kama.Wala akong ibang gagawin ngayon,at wala naman akong planong lumabas.
Agad akong napalingon sa pinto ng bigla itong bumukas, pumasok si manang celing habang may dalang mga gamot."Huwag mo itong iinomin hija,natutukoy akong hindi ito ang gamot para sa sakit mo.Natuklasan ko lang ito noong nakaraang araw, pasensya na ngayon kolang nasabi sayo."Saad nito sakin.
Paanong mali ang gamot nayon? sinasadya ba iyon nila? pero anak nila ako,bakit naman gagawin nila iyon sakin? para ano,para mas maging tuluyan na akong maging isang baliw? ano naman kaya ang binabalak nila?
"Paano mo nalamang mali ang gamot na ibinigay mo sakin manang?"
Napabuntong hininga ito.
"Ang laging bilin ng daddy mo sakin,ay parati kang ipa inom ng mga gamot at siya narin mismo ang nagbibigay sakin ng mga iyon.Ilang beses na talaga ako naghihinala, dahil kada araw iba-iba ang mga gamot.Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, pumunta ako sa pharmacy para magtanong."Pansin kong parang iiyak na si manang."A-Anong nalaman mo manang?para saan po raw iyong mga gamot?"I asked nervously.
"Gamot iyon para sa nasiraan ng bait.
Jaine,sana hindi kana bumalik pa rito.
Baka tutuluyan kana nilang gawing isang baliw."Nanginginig ang boses niya,at ramdam kong may halong takot dahil halata sa boses nito.Gulat akong napatingin kang manang.
Mariin akong napapikit ng mata, ganon na ba talaga sila kasama? hindi ba nila iniisip na anak nila ako, bakit?
Malaki ba ang naging kasalanan ko sakanila?Agad akong napayakap kay manang,
nanginginig ang aking katawan,sa subrang nerbyos.Ano ng gagawin ko ngayon? malabo pa akong maka takas,dahil mas madami na ang mga tauhan ni daddy sa labas naka bantay.
Hindi pa ngayon ang tamang oras, kaya hahanap nalang ako ng paraan."Tatakas ako manang at isasama kita, baka ano pang gawin nila sayo dito.At hindi naman ako makakampante pag iniwan kita rito.Sa ngayon,manatili na muna tayo dito.Hahanap po ako ng ibang paraan."
"Oh sige hija,itatapon ko na itong mga gamot.Dapat hindi nila malaman na, hindi kana umiinom nito.Tandaan mo Jaine,mahal kita kaya huwag mong pabayaan ang sarili mo."Seryosong sambit ni manang, nag-alalang tumingin siya sakin.