THIRD PERSON POINT OF VIEW :
NANGINGINIG ang katawan ng isang matanda,habang siya'y nakatayo sa hamba ng pinto.Maigi itong nakikinig sa usapan ng kanyang amo.
“What we gonna do now?umatras na siya sa kasal.”Boses iyon ng Ina ni Jaine.
Mas lalo pang idiniin ang ulo nito sa pinto,nais pa niyang malaman ang ibang sekretong nababalot ng misteryo ang mag-asawa.Natitiyak niyang may tinatago pa itong mga lihim.
“We still need to continue the wedding.I will force her,to cooperate with our plan.So,what her condition right now?is anything good?” Lintayang saad ni Mr.Celeste na ama ng dalaga.
“I think there is something going on,
As I observed, hindi pa tumatalab ang gamot para sakanya.She still acted like a normal one.”
Dinig niya ang pagkairitang sabi nito.Mas lalo pa siyang naawa sa sitwasyon ni Jaine,matagal na niyang kilala ang mag-pamilyang Celeste.Pero ngayon lang niya natuklasan ang mga bagay na ito.Ang ipinagtataka lang niya ay tunay naman nilang anak si Jaine,pero bakit parin nila ginagawa iyon sa dalaga?
“Well....where is she now? bakit hindi pa iyon umuuwi?”Tanong ng Ama ni Jaine sa Ina nito.
“I don't know,excuse me hon tatawagan ko nalang siya.”
Narinig niya ang mga yapak,na tila parang lalabas ito kaya kaagad kumilos si manang celing at mabilis itong lumakad palayo.Tumago siya sa kabilang pasilyo,masyado itong malayo pero sapat na iyon para matanaw niya ang Ina ni Jaine.
Rinig niya ang pagsigaw nito sa inis,dahil hindi parin sinasagot ni Jaine ang tawag ng kaniyang Ina.
“Hija,sana huwag kanang bumalik pa rito.”Mahinang bulong nito sa sarili.
Kaagad siyang napaalerto ng bigla itong napatingin sa dereksyon niya.
Dahang-dahan itong pumunta sa kinatatayuan ng matanda.Pero pagdating niya doon,ay wala siyang inabutang tao,ang tanging nasa isip lang ni Mrs.Celeste ay natitiyak niyang may tao roon.
Napabikit nalamang ito ng balikat,at bumalik sa loob ng silid.Luminga ang matanda kung may tao bang nasa paligid ngunit wala, ang tahimik ng lugar.Wala siyang balak na sumuko, gusto pa niyang malaman ang ibang sekreto ng mag-asawa. Gagawin niya ito para sa pinakamamahal niyang si Jaine,nais niyang tulungan ito sa pamamagitan ng pag espiya,para mabunyag ang mga misteryosong lihim.
Bumalik siya sa hamba ng pinto,at seryosong nakikinig.
“I think we should proceed to plan B,
which is to kill her.Para naman ibigay na satin ni grandpa ang mana.”
Mrs.Celeste spoked while giggling happily.Literal na nanlaki ang mata ng matanda,hindi niya inasahan iyon.
Magagawa ba talaga nila iyon para lang sa mana? inis na saad ni Manang celing sakanyang isipan.“Yeah,that's good idea.So,did you already called her? where is she now?”Boses iyon ng daddy ni Jaine.
Kaagad ng umalis ang matanda,at nagtungo sa maid's quarter room.
Tila parang nawalan siya ng gana, dahil sa narinig niya.Kailangan niyang sabihin ito kay Jaine,hindi niya bibiguin ito.Parang hindi siya makapaniwala, akala panaman niya ay mabait ito ngunit hindi pala.Sa buong buhay niya ay nagkunwa-warian lang pala sila na parang santa at santo,may tinatago pala itong masamang ugali.
Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone,nagtipa ito ng numero ni Jaine para tawagan.Nag ring lang ito sandali dahil agad namang sinagot ni Jaine ang kanyang tawag.
“Hello,manang?”
“Hija,huwag ka ng babalik pa rito pinapahanap kana nila.Teka nasaan ka ba ngayon?”Alalang saad ni Manang celing.
“Kasalukuyan po kaming nagbabyahe ngayon patungo sa Batangas.Manang, may susundo po sainyo mamaya.Hindi ko na kayang ipatagal ito,kailangan mo ng umalis dyan. Itetext ko nalang ang address manang, kung saan ka susunduin.”
Mahabang lintayang saad ni Jaine sa kabilang linya.“Oh sige hija,salamat.”Tanging nasabi nalang ng matanda.
Kaagad naman natapos ang kanilang tawagan.Labis ang kanyang pagtataka kung sino ang kasama ni Jaine ngayon pero kampante naman siya sa kaligtasan nito.
Kumilos agad ang matanda,kaunti lang ang kanyang na impake ngunit sapat na iyon para sakanya.
Pagkatapos,ay palihim siyang lumabas sakanyang silid.Naka kilos siya ng maayos dahil tahimik ang paligid.Maingat siyang luminga-linga at nagmamasid sa buong paligid.
Pansin niyang mas dumami ngayon ang mga tauhang naka bantay sa labas.Kabisado niya ang lahat ng sulok sa buong bahay,kaya tagumpay naman siyang nakalabas ng walang nakakaalam.
Kaagad niya namang pinuntahan ang
lugar na sinabi ni Jaine sakanya.
Pagdating niya roon,ay may sumundo na sakanya.Humigit ng ilang mga oras ang byahe.
Kaya naka tulog ang matanda, pagkagising niya ay nasa bandang terminal na sila ng mga bus.Patuloy parin ang byahe hanggang nasa Batangas na sila.Hinatid siya sa isang rest house,malapit ito sa dagat.
Pagkapasok niya sa loob ay bumungad sakanya ang nag-alalang mukha ni Jaine.Nagyakapan silang dalawa.
“Kamusta manang?okay lang ba kayo?”Tanong ni Jaine.Huminga ito ng malalim bago nagsalita.
“May panibagong plano nanaman sila, at iyon ay patayin ka.Dahil,nais nilang makuha ang mana ng Lolo mo.”
Walang paligoy-ligoy na sabi ni Manang.Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Jaine,hindi niya akalaing ganon talaga kasama ang magulang niya.Sa hindi malamang dahilan ay biglang tumulo ang luha niya,takot at galit siya nito sakanila.
Kaya pala ganon lang ang trato sakanya,wala silang pakealam kung anak man nila si Jaine.Ang mas mahalaga lang sa mag-asawa ay ang kayamanan na para talaga kay Jaine.
Inggit,selos at puot ang kanilang nararamdaman dahil,kay Jaine napunta ang mana.Kaya plinano nilang patayin nalamang ito,para mapasakanila na ang mana.
“I—can't believe it.Anak nila ako,pero bakit? hindi ba ako naging mabuting anak para sakanila? all these times,ang tanga ko pala.”Nanghihinang sabi ni Jaine,napaupo nalamang siya.
Parang hindi niya kakayanin ang sakit na dulot nito,masyado siyang nasaktan.Hindi niya talaga inaakala na umabot pa sa ganitong sitwasyon,ang hirap ngalang isipin dahil nanggaling pa talaga ito mismo sa magulang niya.
Kaagad lumapit si Felix para daluhan si Jaine.Tahimik lamang na umiiyak ang dalaga,panay parin ang paghikbi nito.
“Hmmm,I knew it from the very start.
Sana hindi nalang kita hinayaang manatili sakanila.”Napaangat ang ulo ni Jaine,nais pa niyang malaman ang ibang lihim.Para mapanatag na siya ngayon.
“Do you remember anything in your past?”Felix asked her.
Mariin na napapikit ng mata si Jaine,at pilit na inaalala ang mga nangyari sa nakaraan.Biglang kumirot ang kanyang ulo,sa tuwing pinilit niyang makaalala ganito ang mangyayari sakanya.
“I—don't even know.I still can't remember anything.But I've always had a nightmares.”Jaine answered.
“Maybe,because of the medicine. Posibleng iyong mga napaginipan mo ay iyon na ang nakaraan mo.”
Nalilitong napatitig siya kay Fj, sumasakit nanaman ang ulo niya dahil pinipilit niya paring matandaan ang mga pangyayari sa kanyang nakaraan.
Hindi siya makasagot,nanatiling wala siyang imik.Nanginginig na ang kanyang katawan sa subrang takot.
Hindi parin nagsink-in lahat sa utak niya ang mga nangyayari ngayon, literal na lutang siya.KINDLY VOTE AND COMMENT.