Chapter 14 : Stupid Love

60 7 0
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW :

HINIHINGAL na napabalikwas si Jaine sakanyang higaan.Dismayado sya dahil akala niya ay totoo iyon pero isang panaginip lang pala.

Napasarap ang tulog niya kaya inabutan sya ng gabi.Nabawasan ang bigat ng kanyang nararamdaman. Labis na niyang gustong mahalikan at mayakap si Fj.Nais niyang makita ang binata,kaya napagpasyahan niyang puntahan nalang ito ngayon.

She ate her dinner, before she leaves.
Hindi na sya nag abalang bumihis pa,pinatungan niya lang ito ng satin dress silk.

Jaine badly wants to see him.Walang makakapigil sakanya,buo na ang desisyon niyang sumama kay Felix.
Nagmamadaling pumunta sya sa bahay ng binata, pagdating niya roon ay agad niya itong hinanap.

Kaagad syang nagtungo sa kwarto, nadatnan niyang natutulog ito ng mahimbing sa kama.Napansin niyang magulo ang paligid nito,may mga alak sa sahig at kupos ng sigarilyo.

Inatake sya ng awa, hindi niya akalaing magiging ganito si Fj simula noong wala na sila. She thought he's happy,pero hindi naman pala.

Kahit magulo ang buhok nito,ay hindi parin nawawala ang tindig ng hot appeals niya.Mas lalo pa itong naging gwapo sa paningin ng dalaga.

Kaagad siyang umupo sa kama nito.
Pinagmasdan niya ang mukha ni Fj, mukhang pagod ito.
"F-Felix hon, nandito nako."

Mahina niyang inalog ang balikat,para magising. Pagod na ibinuka ni Felix ang kanyang mata, bumungad sakanya ang magandang mukha ni Jaine.
Gulat ang mukha nitong tinitigan sya.
Hindi sya makapaniwalang nandito si Jaine sa harapan niya. Iniisip niya na baka nag hallucinate lang sya.Pero ng hinawakan niya ang kamay ng dalaga, doon niya napagtanto na totoo pala.

"H-Hermosa...."Nanghihinang sambit ni Fj.

Tinulungan niya si Fj sa pagbangon.
Nakatitig parin sya kay Jaine,takot syang pumikit dahil baka bigla nalang itong maglaho.

Ramdam ng dalaga ang panginginig ng katawan ni Fj.Hindi sya nag atubiling yakapin ito. Ngayon,sapat na sakanya na nakita niya si Fj tila parang biglang nanumbalik ang saya niya.Pakiramdam niya ay ligtas sya sa bisig nito,wala syang pangamba. Buo ang tiwala niya kay Felix, hindi iyon mawawala.

"What happened to you? bakit mo hinayaang ganituhin ang sarili mo Felix? nahihibang ka na ba?" May halong inis na pagkasabi ni Jaine.

Bahagyang lumungkot ang mukha ni Fj. Sa tingin ni Jaine, may tinatago itong problema. Hindi pa naman sya sanay na malungkot ito.

"What do you want?"Felix spoked coldly.

Nagulat si Jaine sa inasal nito. Takang napatingin sya, umiiral nanaman ang katigasan ng ulo ni Fj. Lubos na hindi niya akalaing tatratuhin sya ng ganon nalang. She thinks that she doesn't deserve a cold treatment from him.

"I want you back Felix." Deretsahang sabi ni Jaine.
Wala na siyang paligoy-ligoy pa, hindi na sya magsasayang ng oras. Sinasabi lang niya ang kanyang totoong nararamdaman. Hindi naman siya ganito dati, she hates being vocal. Pero ngayon, bigla nalamang siyang nagbago.

Gumuhit ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Fj. Nanatiling nakatingin lamang sakanya ang dalaga. Jaine is wondering,kung ano ba talaga ang takbo ng pag-iisip nito. Ang hirap niya basahin.

"Get out, we're already done Jaine."

Biglang uminit ang sulok ng mata ni Jaine,gusto niyang umiyak pero pinigilan niya lang.Ayaw niyang makita syang mahina.

"P-Please Felix, let me explain-"

"You don't have to, you can go now!"
Galit na sigaw ni Fj.

Dismayadong napa tayo si Jaine at agad syang tumalikod. Mahina syang napa iyak,pero sapat na iyon para marinig ni Fj.

Shitty bungling with Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon