Kayceelyn Morraine's
"Look at what you are wearing! Bakit ka nakapants?! Go back to your room and change your clothes. May bagong bili akong dress doon para sa'yo!" Napabuntong hininga na lang ko nang pandilatan ako ni Mommy ng mga mata niya. "And please, Ceelyn! Don't bring that shit! Dalaga ka na, lagi mo pa ring bitbit yang stuffed toy na yan!"
Napanguso ako at napipilitang tumango bago tumalikod at bumalik sa room ko. Tinatamad na tuloy akong sumama sa simbahan dahil ang aga-aga pa ay napakarami na agad na sermong narinig ko.
Napatingin ako sa bear na hawak ko at mapait na napangiti. Ito na lang ang kaisa-isang ala-alang natitira ko kay Daddy. He passed away two years ago and hanggang ngayon ay miss na miss ko pa rin siya. Kaya nga kahit na lumang-luma na itong bear na 'to ay lagi ko pa ring dala at hindi rin ako makatulog pag hindi ko ito katabi.
"Stay here, Mr. Jay. Babalik din ako kaagad. I love you" pinisil ko pa ang pisngi ng bear bago ito maingat na ihiniga sa kama ko. Naririnig ko na naman kasi ang mga sigaw ni Mommy sa baba. Hinahanap na ako.
Tinatamad na pumasok ako sa napakalaking walk in closet ko at nagkalkal ng damit na papasok sa panlasa ni Mommy, or should I say sa mga amiga niya.
Matapos kong magbihis ay lumabas na rin ako ng kwarto dahil pati ang yaya ko ay kinakatok na rin ako. Tsk. Hindi ko maintindihan .. ang sabi niya, umakto daw ako ng dalaga, ng isang disenteng babae at wag daw akong galawgaw pero sa tuwing mabagal naman akong kumilos, pinagagalitan pa rin ako.
Habang pababa ako sa hagdan ay nakita ko sa living room ang kapatid kong tatlong taong gulang habang masayang masayang nakakandong kay Tito Ignacio -- my stepfather.
Dalawang taon pa lang namamatay ang Daddy ko pero may stepfather na agad ako and worst, may anak na sila ng mommy ko at three years old na ito. Kahit anong pilit kong isipin ay hindi ko pa rin talaga malaman kung paanong nangyari yun.
Sumakay kami sa kotse ni Tito Ignacio at bumyahe patungong simbahan. Every Sunday ay tradisyon na namin ang pagsisimba dahil iyon ang gusto ni Mommy.
"I heard na sa STAA daw magha-high school si Ly. Doon ka na rin mag-enrol after graduation" narinig kong sabi ni Mommy pero hindi na ako nagsalita. Wala rin naman akong magagawa kahit na sabihin kong ayoko.
Lynard is my childhood friend. Magkaklase kasi dati sina Mommy at ang Mommy ni Ly kaya sa mga gatherings or reunion ay nagkakasama kami. Ilang beses na akong sinabihan ni Mommy na maging mabait kay Ly kaya ginagawa ko naman. Mabait din naman kasi si Ly, may pagkasutil lang.
"Honey, let her decide. Saka may high school din naman sa St. Magdalene, right sweetie?" Malumanay na tanong ni Tito Ignacio kaya kiming tumango na lang ako. Mas gusto ko rin kasing doon na lang maghigh school para hindi na ako manibago sa environment. All girls school kasi yun. Mas payapa at saka walang mga boys na bully.
Hindi na nagsalita si Mommy dahil saktong nakarating na kami sa simbahan. Pagkapark ni Tito Ignacio ng sasakyan ay nauna na akong bumaba dahil pakiramdam ko ay naso-suffocate ako sa loob ng sasakyan. Sure kasi akong ipipilit pa rin ni Mommy ang gusto niya at gaya noon wala akong magagawa.
Pagkapasok namin ng simbahan ay doon kami pumwesto sa bandang unahan. Tahimik lang akong nakaupo sa habang nakatitig sa imahe ng Panginoon na nasa altar.
Noon, pag kasama ko si Daddy na magsimba ang saya-saya ko. Parang kumpleto ako pero ngayon, wala akong maramdaman. I feel empty. I feel lost.
Hindi pa nagsisimula ang misa ay sumimple ako ng paglabas ng simbahan. Hindi rin naman ako mapapansin ni Mommy dahil busy siyang makipagkamustahan sa mga amiga niya na nakaupo din sa malapit sa pwesto namin at mangmata ng mga taong nasa paligid nila. Akala mo, mga kung sinong perpekto.
BINABASA MO ANG
More Than Before
General FictionTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...