Chapter 31

73 4 0
                                        

Kayceelyn Morraine's 

"Hello po, tao po! Busy po ba kayo diyan? Remind ko lang po sana yun pong anak ninyo dito. Inaantok na po" Humihingal na umalis si Jerick sa ibabaw ko nang marinig namin ang katok ni Hans sa labas ng pinto. 

Pinanlakihan ko ng mata si Jerick "Gago ka, yung anak mo!" pero sa halip na matakot ay dumukwang lang siya para muling dumampi ng halik sa labi ko bago siya bumangon at nagsuot ng shorts. Nang makapa ko ang t-shirt niya ay ihinagis ko rin yun sa kanya kaya natatawang isinuot niya rin iyon. 

"Ang alam ko, outing 'to e. Hindi honeymoon" rinig kong komento ni Lynard mula din sa labas ng pinto kaya kaagad na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Mga tarantado talaga!

Ibinalot ko sa sarili ko ang kumot at dali-daling tumayo saka nagkulong sa cr. Nakakahiyang makita ng anak ko ang hitsura ko. 

Habang nasa ilalim ng shower ay nasapok ko na lang bigla ang sarili ko nang maalala ko ang kagagahang nagawa ko. Bakit ba nagpauto na naman ako sa gagong yun?  Nakakainis! Ibig bang sabihin nun, may nararamdaman pa rin ako sa kanya? Pero paano si Gavin? 

Shit! Si Gavin! 

He doesn't deserved this. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya at tanggapin ang galit niya. Ang tanga-tanga, Kayceelyn! 

Mabilis na naligo ako at muli kong nasapo ang noo ko nang maalala kong wala nga pala akong dalang damit. No choice na lumabas ako ng cr kahit na tuwalya lamang ang nakapulupot sa katawan ko.

"Pahiram akong damit" kaagad kong sabi kay Jerick nang makalabas ng banyo. Nakahiga na siya ngayon sa kama habang si Kendrix ay nasa tabi niya at busy sa cellphone ng Daddy niya. Inginuso niya ang bag niya kaya inirapan ko siya bago ako lumapit doon at nagkalkal ng damit na pwedeng suotin. 

Napataas ang kilay mo nang makakita ako ng isang pink na dress na nakasiksik sa pinakagilid ng bag niya. Hindi ko yun napansin kanina dahil yung nasa ibabaw lang na t-shirt at shorts lang naman ang kinuha ko at ipinasuot sa kanya. Inangat ko ang dress at binulatlat pa. Wala akong natatandaang nagsuot ako ng ganitong damit na halos wala ng tinakpan ang likod at dibdib. Bwisit! Wala daw babae pero ano 'to?!

Inis na humarap ako sa kanya at ihinagis sa pagmumukha niya ang dress na nakita kong nakasiksik sa bag niya. Nagulat siya at maging si Kendrix ay natigilan sa pagpipindot sa cellphone ng tatay niya. "Bwisit ka talaga, Salvacion! Bakit hindi ka pa mamatay?!" 

"Ano na namang ginawa ko?!" takang tanong niya habang inaalis sa mukha niya ang pesteng dress na ihinagis ko. 

"Tanong mo sa pagong. Leche ka!" Asik ko sa kanya sabay lapit sa pinto at tangkang bubuksan yun nang may mabilis na humaklit sa bewang ko at pilit akong inilayo doon. 

"Where are you going? Lalabas ka talagang tuwalya lang ang tapis? Nasisiraan ka na ba?!" 

"Wala kang pakialam! Bitiwan mo nga ako!" pilit pa rin akong kumakawala sa kanya dahil talagang nakakainit ng ulo ang nakita ko! 

"Kumalma ka nga. Ano bang nangyayari sayo?" 

Nang hindi ako makawala sa kanya ay pinagsusuntok ko na lang ang dibdib niya. Dagdag pa sa inis ko na nag-uunahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko. Ibig sabihin ba nun, nasasaktan pa rin ako? Na may pakialam pa rin ako? "I hate you! I hate you!" 

Niyakap niya ako nang mahigpit at paulit-ulit na hinalik-halikan sa ulo. "Shush. Calm down" 

"I hate you" umiiyak na bulong ko sa kanya. 

"Why? Sabihin mo sa'kin kung ano na naman ang ginawa ko" 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayokong kausapin ka. Haharutin mo lang ulit ako" 

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon