Chapter 24

61 5 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Good Morning po, Miss De Torres"

"Good Morning, Teacher Kim. Bakit po? May ginawa na naman po bang kalokohan ang anak ko?" Malumanay na tanong ko sa kabilang linya habang hinihilot ang sintido ko.

Kasalukuyang narito ako sa faculty room at kakatapos lang ng first class ko kaya nagawa kong sagutin ang tawag ng adviser ni Kendrix.

"Ahm .. w-wala naman po kaya lang --"

Napatuwid ako ng upo dahil biglang kumabog ang dibdib ko. "Anong nangyari sa anak ko, Teacher?"

"Ahm, nasa clinic po kasi siya ngayon. N-nahulog po sa hagdan" pakiramdam ko ay namutla ako sa narinig ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at nagsisimula na ring tumulo ang mga luha ko.

Kinalma ko ang sarili ko at saka pinatay ang tawag ng teacher ni Kendrix. Kaagad kong dinial ang numero ni Jerick pero nakailang ring na ay hindi pa rin niya sinasagot. Lalo akong napaiyak sa inis, pag-aalala at takot para sa anak ko.

"Damn you, Salvacion! Nasaan ka ba?!!" Gigil na gigil na nagpipindot ako sa phone ko nang biglang may humawak sa magkabilang balikat ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Gavin.

"What happened? Bakit ka umiiyak?"

"Gav, si Kendrix. Nahulog daw sa hagdan" sumbong ko habang patuloy pa rin sa paglakas ang iyak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. What if, nabalian yung anak ko? What if, nabagok siya?

"Relax, Kay. Halika sasamahan kita sa school niya"

"B-but may klase pa tayo" hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Lalo kaming mahihirapan ni Kendrix. Walang ibang susuporta sa amin dahil hindi ko naman alam kung may trabaho na ba si Jerick.

"It's emergency. Ako na lang ang bahalang magsabi kay Dean. Let's go. Kailangan tayo ni Ken" hinawakan ni Gavin ang kamay ko at hinila ako hanggang sa makalabas kami ng faculty room.

Mabilis na naglakad kami papuntang parking area at hinanap ang sasakyan ni Gavin. Habang nasa byahe kami ay patuloy pa rin ang pag-contact ko kay Jerick pero ang walanghiya, patay na ang cellphone! Siguro nandoon na naman siya sa babae niya!

Simula kasi nung nakipagbreak ako sa kanya ay hindi na kami muling nag-usap pa. Noong una ay ako ang nagmatigas. Ayoko siyang kausapin dahil sigurado akong mapapaamo na naman niya ako. Babalik na naman kami sa dati dahil alam na alam niya kung paano kunin ang loob ko pero ayoko ng ganun. Ayokong magpakatanga lalo't ako mismo ang nakakita ng kalokohan niya. Hanggang sa isang araw, hindi na niya ako kinulit.

Hindi na rin ako umuuwi sa apartment. Parang wala na lang din naman sa kanya dahil hindi niya kami sinusundo. Dumadalaw at tumatawag lang siya kay Kendrix pero sa'kin ay wala na talaga siyang paramdam. Siguro nagsawa na at napagod na rin. Sabagay, nakakapagod na rin naman talaga yung away at bati naming dalawa.

Nang makarating kami sa tapat ng school nina Kendrix ay nagmamadaling bumaba na ako ng sasakyan ni Gavin. Hindi ko na siya hinintay at nagmamadali kong hinanap ang clinic.

"Kenny!" Pagkapasok na pagkapasok ko ay kaagad na bumungad sa akin ang anak kong nakaupo sa kama. May benda ang bandang tuhod niya at may gasa din sa bandang noo.

Tahimik lang siyang nakatulala sa kawalan pero nung nakita niya ako ay nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha niya. Dali-daling lumapit ako sa kanya at yumakap kaya lumakas ang mga hikbi niya. Naupo ako sa edge ng bed at saka kinandong siya.

Parang pinupunit ang puso ko. Siguradong nasasaktan siya dahil ngayon ko lang ulit siya nakitang umiyak simula nung napapadalas ang problema namin ni Jerick. Palagi kasi siyang tulala at tipid lang magsalita. Siguro ay nagmana sa ama niya.

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon