Kayceelyn Morraine's
"Kay! Kay, sandali!" Napabuntong hininga ako at sapilitang napahinto sa paglakad nang maramdaman ko ang hawak ni Gavin sa braso ko.
"May klase ako, Gavin. Ano ba?" Mahinang asik ko sa kanya habang inaagaw ang braso ko. Ayokong makatawag kami ng pansin sa mga estudyanteng narito sa corridor.
"Kay, please. Talk to me. Ilang buwan mo na akong hindi pinapansin at iniiwasan. Sembreak na next week kaya sigurado akong mas iiwasan mo pa ako --"
"Gav, busy nga ako e. Sige na, mahuhuli na ako sa klase ko" hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at saka tumalikod na ako. Hindi ako pwedeng ma-late sa klase ko dahil finals ng mga bata.
Pagkarating ko sa classroom ay nagstart na kaagad ako ng pamimigay ng mga test paper. Alam na naman nila ang gagawin nila dahil last subject na ata nila ito.
Kinuha ko ang phone ko sa bag para icheck kung may text ba si Jerick. Isang linggo na kasing nasa kanya si Kendrix ngayon dahil hiniram niya ang bata. Thankfully kasi ay nakapasa na siya sa board exam last month at kaagad na nakapag-apply sa isang ahensya ng pulisya. Malapit na ang training niya kaya sinusulit niya na ang oras na kasama ang anak namin. Mas pabor naman sa akin dahil dalawang araw din akong pinadala ng Dean ng Department namin sa Baguio para sa isang seminar. Kakauwi ko lang kahapon at ngayon nga ay susunduin ko si Kendrix sa apartment.
Hindi nga ako nagkamali dahil may text nga siya sa akin at ilang missed calls. Kibit balikat na binuksan ko ang message niya. Sinasabi lang naman doon na sila na lang mag-ama ang susundo sa akin ngayon dahil may pupuntahan kami. Nagreply lang ako ng simpleng 'okay' at saka muling ibinulsa ang phone.
Pagkatapos ng exam ng mga bata ay napatingin ako sa wristwatch ko. Wala na akong kasunod na klase kaya balak ko nang umuwi kahit 11:30 am pa lang. Miss ko na miss ko na kasi yung anak ko. Isa pa, napapagod din ako dahil pagkatapos na pagkakatapos ng seminar kahapon ay bumyahe na kaagad ako pauwi at hindi ko na hinintay ang shuttle namin.
Habang naglalakad ako papuntang faculty para kunin ang ibang gamit ko ay nagtext ako kay Jerick na uuwi na ako. Nagreply naman siya kaagad na hihintayin lang niyang magdismiss ng klase si Kendrix saka sila dederetso dito para sunduin ako.
Pagkarating ko sa faculty room ay napabuntong hininga na lang ako nang makita ko si Gavin sa tapat ng table ko habang may ipinapatong na kung anong pagkain. Palagi niyang ginagawa yun simula nung umamin siya sa akin pero hindi ko naman kinakain.
Hindi naman ako galit sa kanya. Disappointed siguro? Dahil akala ko magkaibigan kami pero iba pala ang tingin niya sa'kin. Saka isa pa, nasaktan ako sa mga sinabi niya kay Jerick. Hindi niya kilala yung tao para husgahan at sabihan ng kung ano-ano.
Nung naramdaman niya siguro ang presensya ko at lumingon siya sa akin at saka tipid na ngumiti. Kami lang ang tao sa faculty room nang mga oras na ito kaya mas hindi ako naging komportable.
"Kay, let's talk please" masuyong sabi niya kaya napabuntong hininga ako.
"Look, Gav. Sobrang tine-treasure ko yung friendship natin dahil para na kitang nakatatandang kapatid. You're a good person and .. and a boyfriend material pero hindi ko talaga kayang suklian ang nararamdaman mo. I'm sorry"
Bumalatay ang sakit sa mga mata niya. Dahan-dahang lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. "Kay, hindi mo ba talaga ako kayang bigyan ng pagkakataon?"
Tipid na nginitian ko siya at saka marahang pinisil ang kamay niya. "You deserve someone better. Wag kang magsettle sa'kin. May anak na ako -- "
" -- at mahal ko din si Kendrix na parang isang tunay na anak. Kay, tanggap kita at mahal na mahal kita" nahigit ko ang hininga ko nang may kumawalang luha sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
More Than Before
General FictionTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...