Chapter 39

80 5 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Mahal, bakit ka nasa labas? Nasaan ang mommy mo?" Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang boses ni Jerick mula sa labas ng bahay. Narito ako ngayon sa living room at prenteng nakahiga sa couch dahil kanina pa ako nahihilo.

"Pinalabas po ako ni Mommy kasi naiinis daw siya sa dimples ko. She's so weird, Daddy" tila ba naiinis na sumbong ni Kendrix sa ama niya na kalaunan ay narinig ko namang natawa.

"Baka may ginawa ka na namang kalokohan. Tara na sa loob dahil malamok dito" muli kong ipinikit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

Kahit hindi ako nagmumulat ng mata ay alam kong umakyat na si Kendrix sa itaas dahil naririnig ko ang mga yabag niyang paakyat sa hagdan. Si Jerick naman ay dahan-dahang naglakad papalapit sa akin at ilang sandali pa ay naramdaman ko siya sa gilid ko. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Hindi na ako nakatiis at iminulat ko ang mga mata ko. Three days ko rin siyang hindi nakita dahil sunod-sunod ang duty niya sa trabaho kaya miss na miss ko na siya.

"Hi, love. Bakit dito ka natutulog?" Malambing na tanong niya habang hinahaplos-haplos pa rin ang buhok ko.

Ang alam ko ay miss na miss ko na siya kagabi pa pero nang makita ko ang nakangiti niyang mukha ay nakaramdam ako ng pagkainis. Biglang uminit ang ulo ko kaya sinampal ko siya. "Lumayo ka nga sa'kin. Wag kang istorbo sa pagtulog ko"

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya habang nanlalaki ang mga yun kasabay ng pag-awang ng mga labi niya. "What the? May kasalanan na naman ba ako?"

"Wala. Ang pangit mo lang at ayaw kitang makita" nakangusong sabi ko at tumagilid ng higa para hindi ko siya makita ulit.

"I told you, Daddy. She's getting weirder and weirder every single day!" boses yun ni Kendrix na parang tuwang-tuwang pa sa pang-aasar niya sa Daddy niya. Bumaba ata ulit para mang-asar. Palibhasa bumabawi kasi sa loob ng tatlong araw na nasa trabaho ang ama niya ay siya ang palagi kong pinagbabalingan ng inis. Buti nga, namana niya ata ang patience ng Daddy niya kaya di na niya ako masyadong pinapatulan.

Napabuntong hininga si Jerick at naramdaman ko siyang naupo sa may paanan ko. Inangat niya ang mga paa ko at ipinatong sa kandungan niya. Masuyo niyang minasahe ang mga paa ko kaya mas inantok ko. "Sabihin mo sa'kin kung anong gusto mo, love. Bibilhin ko para di na uminit ang ulo mo"

Mabilis na napamulat ako at napatihaya. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay napaupo sa paanan ko at nakasandal sa sandalan ng couch. Naka-uniform pa siya at malalim din ang eyebags. Kitang-kita ko ang pagod niya pero nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay masuyong nginitian niya ako. "You want an ice cream?"

Wala sa sariling tumango ako. "Pinipig"

Ngumiti muli siya at inabot ang pisngi ko para marahang pisilin. "Alright. Stay here. Bibili lang kami ni Kendrix doon sa convenience store sa labas ng village"

Nang akmang tatayo na siya ay pinigilan ko siya. Bumangon ako at mabilis na yumakap sa kanya. "Wag na. Pagod ka e. Magpahinga ka na lang"

Natawa siya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "I'm okay. Mamaya na ako magpapahinga pag okay ka na at hindi na mainit ang ulo mo"

Napanguso ako at tiningala siya. "Nakakainis ka kasi. Ang gwapo mo masyado"

Napakurap-kurap siya at pagkuwa'y tiningnan niya ako na parang iniisip niya kung alien ba ako o ano. "Ha?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ang gwapo mo? Siguro may babae ka na, 'no? Umamin ka nga, siguro doon ka umuwi ng tatlong gabi, 'no?!"

Napabuntong hininga siya. "Dumali ka na naman ng ganyan. Nagawa ka laang ng ikagagalit mo"

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon