Kayceelyn Morraine's
Nang magmulat ako ng mga mata ay kaagad kong nabungaran ang mag-ama kong nakatanaw sa bintana. Hindi tuloy napigilan ng mga labi ko ang mapangiti dahil sa napakagandang tanawing bumungad sa akin.
Looking at them makes me feel complete and contented. Yung mahinang paghimig ni Jerick at yung mga cute na tunog na ginagawa ni Kendrix ang nagbibigay ng energy sa akin sa araw-araw.
Bumangon na ako at saka lumapit sa kanila. Yumakap ako sa bewang ni Jerick at saka humalik sa pisngi niya. Agad naman siyang bumaling sa akin at hinalikan ako sa sintido. "Good Morning, love"
Pinisil ko ang ilong niya at saka binalingan ko si Kendrix. Agad na humagikhik naman ang bata nang magaang dinutdot ko ang namumula niyang pisngi. Such a cutie pie! "Good Morning, mga mahal ko"
It's been a month mula nang maipanganak ko si Kendrix. Ang sabihing mahirap ay kulang pang depinisyon sa kung anong pinagdaanan namin ni Jerick mula nang dumating ang anak namin. Halos wala kaming tulog sa gabi dahil ang batang makulit ay hindi nakakatulog pag hindi nakahiga sa dibdib ng ama niya. Mukhang nagmana pa talaga sa akin. At dahil nga sa trabaho ni Jerick, halos hating gabi na siyang nakakauwi sa bahay. Minsan nga ay naaawa na ako dahil pagkauwi niya ay aalagaan pa niya si Kendrix tapos pag malalim na ang tulog ng bata ay mananahi pa siya ng basahan. Natatakot ako na baka siya naman ang magkasakit at bumigay ang katawan.
"Bakit hindi mo ako ginising? Baka ma-late ka sa school"
"Wala kaming pasok dahil may field trip ang department namin. Hindi na ako sumama" parang wala lang na sabi niya habang nilalaro-laro si Kendrix na as usual ay maligayang maligaya na naman dahil ang Daddy niya ang may buhat sa kanya. Minsan nga nagtatampo na ako dahil pag dedede lang siya sasama sa akin.
"Ha? Bakit? Baka malaking kawalan yun sa grades mo"
Sa halip na mag-alala ay nginitian lang niya ako. "Confident ako sa mga scores ko sa midterm at sigurado akong babawi din ako sa finals. Kaunting incentives lang naman ang ibibigay pag sumama dun. Hindi na kawalan sa akin yun"
Napanguso na lang ako. Sigurado akong kami na naman ni baby ang iniisip niya kaya hindi siya sumama. Lagi naman siyang ganyan .. halos wala ng natitira sa sarili dahil lahat ay ibinibigay na niya sa amin.
Marahang kinuha ko sa kanya si Kendrix na bahagyang napaigik pa dahil ayaw atang humiwalay sa ama pero nung inilabas ko naman ang dibdib ko para padedehin siya ay biglang parang wala na ulit siyang pakialam sa paligid.
"Magpahinga ka muna maghapon para makabawi ka ng lakas" sabi ko sa kanya pero nang lingunin ko siya ay nakayuko lang siya at namumula pa ang tenga. Ganyan palagi yan pag nagbe-breastfeed ako kay Kendrix. Hindi makatingin nang diretso at parang hilong talilong. Ilang na ilang pa siya samantalang may anak na nga kami. As if hindi pa niya nahahawakan.
Natatawang piningot ko naman siya kaya napilitang tumingin siya sa akin. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. "Para kang baliw! Isubsob kaya kita dito!"
Naiinis na napaungol naman siya kaya napailing na lang ako. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya pabalik sa kama. Naupo siya sa gilid noon habang ako naman ay nakatayo sa harapan niya. "Magpahinga ka lang buong araw. Bawal kang gumawa ng kahit ano"
" .. b-but may tatapusin pa akong tahi --"
"Ikaw ang tatahiin ko pag nainis ako sayo! Tingnan mo, ang payat payat mo na. Tapos mukha ka pang panda. Di ka na gwapo" pang-aasar ko sa kanya habang hinahaplos-haplos ang buhok niya. Ngumuso naman siya at saka yumakap sa bewang ko. Parang dalawa tuloy ang anak ko kung titingnan. Isang karga ko at pinapadede at isang nakayakap sa bewang ko at nakasubsob sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
More Than Before
Genel KurguTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...