Chapter 36

72 5 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Good Morning, Ma'am" nakangiting bati ng mga estudyanteng nakakasalubong ko kaya ginagantihan ko rin sila ng isang ngiti.

Medyo magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil naka-leave si Gavin. Ibig sabihin, wala akong makikitang toxic sa paligid. Wala akong papakisamahan at hindi ako makikipagplastikan ng tatlong linggo.

Nagbakasyon kasi sila ng pamilya niya sa Japan kung saan naroon ang isa sa mga Ate niya. Sana nga hindi na siya umuwi para maging masaya na ang buhay ko.

Last day na ng pasukan ngayong taon dahil bukas ay simula na ng christmas break namin. Actually, Christmas party na lang ngayon ng mga bata at ng mga teachers. Ngayong umaga ay ang mga bata tapos mamaya kami. Kasama ng iba pang mga instructors ng iba't-ibang Department.

"Madam! Nakabili ka ba ng pang exchange gift? Wala pa ako! Peperahin ko na lang!" Tarantang salubong sakin ni Mazy pag pasok ko ng faculty room. Mas gusto ko kasing tumambay dito kesa sa office ko. Nakakainip kasi dun.

"Tinawag pang exchange gift kung pera naman ang ireregalo mo" natatawang sabi ko sa kanya kaya lalong napanguso siya. "Lumakad ka na sa mall ngayon. Mamaya pa naman ang Christmas party natin kaya makaka-abot ka pa. Nakakahiya pag taga ibang Department ang nabunot mo"

"Psh. Sige na nga" mabilis na kinuha lang niya ang bag niya at tumalilis na ng alis kaya napailing na lang ako.

Busy ang lahat dahil yung may mga advising class ay kasali din sa Christmas party ng mga bata. Ilang klase din naman ang yumaya sa akin na sumali sa kanila pero ako na mismo ang tumanggi. Kailangan ko kasing umalis mamaya para sunduin si Kendrix sa school nila. Christmas party din nila ngayon. Isasama ko na lang siya mamaya sa party namin dahil may duty ata ang Daddy niya.

As usual kasi ay magkaaway na naman kami dahil last time nung napagalitan ko si Kendrix ay lumayas ito at nagpunta kay Lynard. Ayun, nagalit ang ama at sinisi ako. Syempre, hindi ako nagpatalo.

Tapos nitong nakaraan lang, nalaman kong tinotoo pala niya ang pagpapatahi ng barong kay Kendrix para sa kasal ni Lynard. Inis na inis tuloy ako at yeah, nag-away na naman kami.

Bandang alas tres ng hapon ay sinundo ko na si Kendrix sa school nila. As usual ay hindi na naman ako pinapansin ng anak ko. Simula kasi nung gabing nakita at narinig niya ang pag-aaway namin ni Gavin ay bumalik na naman siya sa dati. Ayon nga sa mga teachers ay nagiging pasaway na daw ulit. Hindi ko naman makausap nang matino dahil sa tuwing sesermunan ko siya ay lumalayas siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya hinahayaan ko na lang. Pinapabayaan ko na lang na yung Tatay niya ang dumisiplina sa kanila dahil pareho naman silang pasaway.

That night, nung nangako ako kay Gavin na hindi na ako makikipagkita kay Jerick ay tinotoo ko yun. Kahit mahirap ay halos dalawang buwan din akong umiwas para sa kapakanan ng anak ko pero mahirap pa rin talaga. Lalo na at may isang bata kaming parehong ginagabayan. Nagagalit si Gavin pero wala siyang magagawa. Palagi kong ipinamumukha sa kanya na mas mahalaga ang anak ko sa kahit sino pa man kaya ang ending, nauuwi sa sakitan. Okay lang na saktan niya ako. Wag lang ang anak ko.

I tried talking to him. Nagmakaawa na akong pakawalan na niya ako pero nagmakaawa din siya at muli ay sinaksak niya ang sarili niya para daw ipaalala na kaya niyang magpakamatay pag iniwan ko siya. Syempre, hindi kinaya ng konsensya ko kaya wala ding nagawa ang pagmamakaawa ko.

Then isang araw, nag-suggest ako sa pamilya niya na dalhin namin si Gavin sa isang Psychiatrist para matingnan pero pinagbantaan ako ng pamilya niya na pag binigyan ko sila ng kahihiyan, sisirain nila ang negosyo nina Mommy at Tito Ignacio.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Gustong-gusto kong magsumbong kay Jerick o kahit kay Ly pero natatakot akong baka madamay sila. Hindi rin kasi basta-basta ang pamilya ni Gavin.

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon