Kayceelyn Morraine's
"Maze, nakita mo ba si Gavin?"
"Yep. May klase siya ngayon sa room 401. Bakit?" Sagot niya habang busy sa pagkain ng cupcakes na nasa harapan niya. Agang-aga, puro sweets na kaagad ang binabanatan.
Napabuntong hininga ako. Ilang linggo na akong iniiwasan ni Gavin. Gustong-gusto ko pa naman siyang makausap dahil gusto kong humingi ng tawad. Isa pa, kailangan ko nang tapusin ang kung ano mang namamagitan sa'min dahil ang laki ng kasalanan ko sa kanya.
"Magkaaway kayo" Hindi tanong yun mula kay Mazy kundi pagsasalaysay. Para bang alam na alam niya ang nangyayari sa pagitan namin ni Gavin.
Napayuko ako at nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya.
Simula kasi nung nagpaliwanag sa'kin si Jerick ay bigla akong naguilty at ang dami kong pinagsisihan na maging sa kanya ay nahihiya ako. Bakit kasi padalos-dalos ako? Bakit hindi ako marunong magtanong? Bakit palagi akong pinangungunahan ng galit at pagdududa?
Siguro kaya din kami tuluyang nasira ay dahil na rin sa kagagahan ko.
So that night, we came up to a decision that can help the both of us. Bibigyan namin ng space yung isa't-isa nang hindi naisasangkalan ang mga tungkulin namin sa anak namin. Ganun pa rin ang set up. May mga scheduled days kung saan uuwi si Kendrix and kami naman ni Jerick, we are free to do our own thing.
And this time, gusto kong gawin yung tama. At ang una nga ay ang pakikipagbreak ko kay Gavin then after that, focus muna ako sa personal and professional growth ko. I am planning to study again for my Doctor's Degree tapos magtatry na din akong mag-apply sa DepEd. Bahala na.
I want to grow.
I want be a better individual. To be a better mother at kung hindi man kalabisan, gusto ko ring maging isang mabuting kapareha kay Jerick para mas mabigyan namin ng masayang buhay ang anak namin.
Same as Jerick. He wants to pursue his dream. Gusto pa rin daw niyang pumasok sa ahensya ng NBI kaya todo aral pa rin siya at kumukuha ng units sa Law.
Kung mayroon man kasi kaming pinagkakasunduang dalawa, yun ay ang lahat ng ginagawa namin, para lahat kay Kendrix.
"Alam mo girl, ang swerte mo na kay Gavin. Aba 3 out of 10 lang sa population ang mga lalaki sa mundong ito ang tatanggapin ka nang buong-buo at mamahalin yung anak mo na parang kanya talaga. Ano pa bang problema mo?"
"Maze, hindi mo kasi naiintindihan" mahinang sagot ko sa kanya.
Natawa siya at napailing "Oh trust me, I know. Hindi mo mahal, no? Kasi mahal mo pa rin yung ex mo?"
Wala akong nagawa kundi ang tumango dahil yun naman ang totoo. Mahal ko si Gavin kasi kaibigan ko siya. Kasi palagi siyang nariyan para sa akin pero hindi ko siya kayang mahalin na kagaya ng pagmamahal ko sa Tatay ng anak ko.
"Problema nga yan. Deads na deads sayo si Daddy Gav e" natatawang sabi ni Mazy kaya napangiwi ako. Hindi ko naman intensyon na paasahin si Gavin. Alam kong maling-mali talaga ako nung bigla akong magdesisyon.
Ang tanga kasi, Kayceelyn! Sabing wag basta-basta magdedesisyon pag sobrang lungkot at pag nasasaktan.
Nung nakita ko ang oras ay mabilis na tumayo na ako. May klase pa nga ako. Sakto namang sa room 402 ang sunod na klase ko kaya nagmadali ako para maabutan ko si Gavin. Ayoko na talagang patagalin 'to. Lalo lang akong nagiging makasalanan.
Hingal na hingal ako nang makarating ako sa 4th floor. Sa halip na dumeretso sa 402 ay sumilip muna ako sa 401. Tama nga si Mazy. Nandito si Gavin.
Tiningnan ko ang wristwatch ko. May 5 minutes pa bago ang klase ko kaya naghintay muna ako sa labas ng room 401. Alam kong hindi ito ang tamang oras para dito pero kailan pa? Siguradong tataguan lang ako lalo ni Gavin. Ayoko namang magtapos kami nang walang closure. Magkaibigan pa rin naman kami kahit papaano.
BINABASA MO ANG
More Than Before
General FictionTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...