Chapter 2

77 7 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Bakit absent pa rin si Jerick, Ly?" Nakangusong tanong ko sa kaibigan ko habang narito kami sa lugar kung saan kami parating nagla-lunch. Parang nakaugalian na rin ata ng barkadahan nila na isali ako sa kanila.

"Ewan ko nga rin e. Hindi naman sinasagot ang tawag ko" sagot naman niya habang busy sa phone niya kaya napabuntong hininga na lang ako.

One week na ang nakakalipas mula nung unang araw ng pasukan at iyon din ang huling pagkakataon na nakita ko si Jerick. Nag-aalala ako. Hindi na rin kasi siya tumatawag sa akin at hindi rin siya nagrereply. Ano kayang nangyari dun? Nag-aalala ako. Last time kasi na nakausap ko siya ay parang hindi siya okay.

"Dalawin natin mamaya! Baka may sakit" suhestyon naman ni Miguel kaya napabaling ako sa kanya.

"Oo nga! Tara cutting na tayo tapos doon tayo tumambay! AP at TLE lang naman ang subjects ngayon. Kakatamad yun!" Nakangising sabi naman ni Hans at nag-apir pa talaga sila ni Miguel. Hinarap ko si Ly at agad akong humawak sa braso niya. "Ly, sama ako"

Napakunot ang noo niya at saka inilapat ang palad sa noo ko. "May lagnat ka ba?"

"Wala pero sama ako sa inyo papunta kina Jerick" pinalamlam ko pa ang mga mata ko kaya napabuntong hininga si Ly at dinutdot ang noo ko.

"Tigilan mo ako, Kayceelyn. Gusto mo bang mapagalitan naman ni Tita?" Parang Tatay niyang tanong kaya mas pinatulis ko ang nguso ko at mas pinalamlam ang mga mata.

"Hindi naman niya malalaman e. Unless magsusumbong ka!"

"Aba't dadamay mo pa ako sa issue ninyong mag-ina. Hindi pwede. Bawal kang magcutting. Masama yun!"

"Oo nga, Kay. Hindi dapat yun ginagawa ng mga estudyante. Mahiya kayo sa mga nagpapa-aral sa inyo" singit pa ni Hans kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Pag kayo, pwede. Pag ako bawal?!"

"Tsk. Gigilitan kami ni Jerick sa leeg pag pina-akyat ka namin sa bakod. Kaya halika na, ihahatid ka na namin sa room mo at mag-aral ka nang mabuti" tumayo na sila kaya nagpapadyak na humawak ako sa laylayan ng polo ni Ly.

"Ly naman! Please. Nag-aalala ako kay Jerick!" Napabuntong hininga ito at humarap sa akin bago ginulo ang buhok ko.

"Hindi nga pwede. Kilala mo ang mommy mo. Maraming mata yun. Pag nalaman niya ang ginawa mo, baka ma-grounded ka na naman. Paano pala pag papasok na si Jerick bukas? Edi lalong hindi kayo nagkita kasi grounded ka" nakagat ko ang ibabang labi ko dahil alam na alam kong may point siya. Lalo pa't kaibigan din ata ni Mommy yung school directress dito. Baka magsumbong yun.

Umakbay naman sa'kin si Hans at pinisil ang pisngi ko. "Wag ka nang malungkot, Kay. Babalitaan ka namin bukas"

Kiming ngumiti na lang ako sa kanila at hindi na muling nagsalita pa. Nang maihatid nila ako sa room ay dumeretso na kaagad ako sa upuan ko at agad na dinukot ang phone sa bulsa. Lalo lang akong nalungkot nung wala pa rin akong natanggap na text mula kay Jerick. Kinalimutan na ba niya ako? Akala ko ba best friends kami?

After ng klase namin ay wala sina Ly sa labas ng classroom namin. Mukhang natuloy nga ang balak nilang pagkacutting at pagtambay kina Jerick. Hmp! Di man lang ako tinawagan para balitaan.

Malungkot na bumaba ako sa building ng freshies at dumeretso sa parking area para doon na lang hintayin ang sundo ko. Hawak hawak ko pa rin ang phone ko at pinakatititigan ko ang screen na parang may milagrong mangyayari doon.

"Don't use your phone while walking, little girl" napa-angat ang tingin ko nang may nagsalita sa harapan ko. Awtomatikong tumuwid ang tayo ko ay ibinulsa ang phone nang nakita ko si Tito Ignacio na nakangiti sa akin. May kakaibang kislap ang mga mata niya pero hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin.

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon