Kayceelyn Morraine's
"What the -- bakit ka nagmomotor?!" Gulat na bulalas ko nang biglang may pumaradang motor sa tapat ko at sa panggigilas ko ay nung nagtanggal siya ng helmet ay si Jerick pala ang rider ng nasabing motor.
Ngumisi lang siya at nagkibit balikat bago bumaba sa motor. First day of school namin ngayon at sa kasalukuyan ay nasa ikalawang taon na kami sa sekundarya. Not that old to drive a motorcycle.
"My Dad sent it to me yesterday. Masyado atang natuwa nung nalaman niyang pumasa ako last school year" natatawang sabi niya matapos iparada nang maayos ang motor. Nang magawa niya yun ay kinuha niya ang bag ko at inakbayan ako para sabay kaming hanapin ang section namin.
"Is your father even aware that you're still a freaking minor?! Saka kailan ka natutong magmotor?!" Sermon ko sa kanya. Talagang kinakabahan ako sa thought na nagmomotor siya. Paano kung mapahamak siya? Marami akong nababalitaan na namamatay sa aksidente dahil sa motor.
"Relax, Kays .. Siya mismo ang nagturo sa akin kung paano sumakay at magdrive ng motor. He knows my capabilities. Saka hindi ko naman hiniling yan. Basta ko na lang nakita sa garahe ng bahay. Might as well use it kaysa masira" parang wala lang na sabi niya kaya lalo akong nainis. Wala ba siyang pakialam sa sarili niya? Wala ba siyang pakialam sa mga taong nag-aalala para sa kanya?
Hindi na ako nagsalita hanggang sa mahanap namin ang section na kabibilangan ko ngayong school year. Mas nauna naming makita ang room niya dahil nasa may ibaba lang naman yun pero ihinatid pa rin niya ako dito sa taas sa room namin.
"Hey, are you mad?" Masuyong tanong niya nang kunin ko ang gamit ko sa kanya ngunit sa halip na sagutin siya ay inirapan ko lang siya at walang sali-salitang tinalikuran. Naiinis kasi talaga ako.
"Good Morning, Kayceelyn! How was your vacation?" Nakangiting bati sa'kin ni Gavin nang mapadaan ako sa upuan niya. Kaklase ko pala ulit siya. Actually, halos ata ng mga narito sa room ay kaklase ko rin last year.
Tipid na nginitian ko lang siya bago sumagot. "It's fine, Gav"
Nung kinindatan niya ako ay naiiling na nilampasan ko na siya at nagtuloy sa bakanteng upuan na nasa may bandang likod lang ni Gavin. Mabait naman yang si Gavin .. wala lang talaga ako sa mood na makipagkamustahan ngayon dahil naiinis ako.
Napatingin ako sa pinto at bahagyang nagulat pa ako nang makitang naroon pa rin si Jerick at matiim na nakatingin sa akin. Nang nag-iwas ako ng tingin ay saka lang siya umalis.
Noong nag-ring ang bell para sa flag ceremony ay pinauna ko na munang lumabas ang mga kaklase ko dahil ayokong makipagtulakan. Siguradong magagalit na naman ang mommy ko pag nagusot o nadumihan ang uniform ko.
Nung nakalabas na ang mga kaklase ko sa room ay saka pa lang ako tumayo para sumunod sa kanila. Paglabas ko ay maayos nang nakapila ang mga estudyante sa hallway habang isa-isang lumalakad patungo sa gymnasium kung saan ginaganap ang flag raising ceremony.
"Hi, Kays! Asan si Isko?" Nakita ko pa si Hans na nasa pila na rin. Mukhang di niya rin kaklase ang mga kaibigan namin dahil hindi ko pa nakikita yung iba.
"Section 7" tipid na sabi ko kaya ngumisi siya.
"Buti na lang ako mabait kaya Section 4" pinagpag pa niya ang balikat niya habang nagyayabang na nakangisi kaya napailing na lang ako.
Noong nakalampas na sa amin ang pila ng section nila ay pila naman ng section nina Miguel at Jarred ang nakita ko. Sumaludo lang sila sa'kin nung nakita ako. Di ko pa nakikita si Ly. Baka late na naman or baka sinusundo pa si Jamaica -- girlfriend niya.
Nung turn na ng section namin ang lalakad papasok ng gymnasium ay basta na lang may humawak sa akin sa kamay at hinila ako kung saan.
"Jerick?! Saan mo ba ako dadalhin?!" Mahinang asik ko para na rin hindi kami makatawag ng pansin sa mga teachers at ibang estudyante.
BINABASA MO ANG
More Than Before
Genel KurguTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...