Chapter 28

65 4 0
                                        

Kayceelyn Morraine's 



Pagkatapak na pagkatapak ko ng airport ay kaagad kong hinagilap ang phone ko para tumawag ng pwedeng sumundo sa akin. I was out of the country for one week to attend a conference held in Thailand. Si Gavin sana ang ipapadala doon pero nagkataon naman na ooperahan ang mommy niya kaya hindi siya pwedeng umalis. And since sure namang may mag-aalaga kay Kendrix dahil mayroon naman daw 10 days off si Jerick sa trabaho ay ako na ang nagpresintang pumalit kay Gavin. 

Kinuha ko na rin kasi ang opportunity na yun para makapag-isip-isip ako at magkaroon ng oras para sa sarili ko. Nakakastress na kasi yung mag-ama. Si Kendrix, parang hobby na niyang magkaroon kami palagi ng family reunion sa guidance office ng school nila. Syempre palagi kong sinisisi yung ama dahil sa kanya naman talaga  nagmana ng kasutilan yung bata kaya ang ending, kaming dalawa ang nag-aaway. 

Matapos kong tawagan si Kuya Bong ay naupo lang ako sa waiting area para maghintay. Ilang sandali naman ay tumunog ang phone ko dahil nakatanggap ako ng tawag mula kay Lynard.

"Hey! Problema?" kaagad na bungad ko sa kanya. Masasabi kong mas naging close kaming dalawa dahil siya minsan ang ginagawa kong babysitter ni Kendrix pag busy kami pareho ni Jerick.  

"Nandito ka na sa Philippines?" tanong niya at napakunot naman ang noo ko. Ang seryoso kasi ng boses niya. Sanay akong makulit siya at parang laging nagbibiro. 

"Ah yeah? Bakit, may problema ba?" kinakabahang tanong ko. Narinig ko namang napabuntong hininga siya. 

"Pwede bang dito ka na sa EMC dumiretso? Ipapasundo ka namin sa helicopter nina Hans diyan sa airport." lalo akong kinabahan. 

"Bakit? Ano bang nangyayari, Ly?" 

"Basta. Magtaxi ka na lang papunta sa hotel nina Hans na malapit diyan sa airport tapos naghihitay na doon ang helicopter. Hihintayin ka namin. Ingat" bago pa ako makasagot ay pinatay na niya ang tawag. Napahawak ako dibidib ko dahil grabe ang bilis ng pintig ng puso ko. Naiiyak na nasusuka ako sa kaba at takot. 

Mabilis na inayos ko ang mga gamit ko at tumawag na lang ng taxi. Hindi ko na kayang hintayin pa si Kuya Bong. Kahit naguguluhan ay sinunod ko ang mga instructions ni Lynard. Ilang minuto pa ay nakita ko na ang sarili kong sakay ng helicopter na pagmamay-ari ng pamilya nina Hans. 

Pagkalapag namin sa rooftop ng EMC ay kaagad na sinalubong ako ni Kuya Leon -- nakatatandang kapatid ni Ly. Nakahinga ako nang maluwag nung nakitang karga-karga niya si Kendrix. Nginitian lang niya ako at saka ibinaba ang bata. Mabilis na lumapit ako sa kanila at niyakap ang anak ko. 

"Hi, mahal. What happened?" hindi sumagot ang bata at lalo akong nagtaka nung narinig ko ang mga mahihina nyang hikbi. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko at nagsisimula nang lumakas ang iyak niya. 

Minsan ko lang nakitang umiiyak ng ganito ang anak ko. Pag hinahanap lang niya ang tatay niya. Nasaan ba si Jerick? 

Hinarap ko si Kuya Leon para magtanong pero tipid lang niya akong nginitian. "Let's go. Hinihintay ka na ni Bunso" 

Kahit naguguluhan ay tumango ako at inakay si Kendrix. Nauna nang maglakad si Kuya Leon kaya sumunod na kami ni Kendrix sa kanya. Mahigpit ang hawak ni Kendrix sa kamay ko at patuloy pa rin siya sa pag-iyak. 

"Tangina ka, Miguel! Pag ako talaga nakalakad ikaw naman ang pipilayan ko!" Nasa labas pa lang kami ng private room ni Lynard ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Hans. 

"Di'ga sabi mo pag namatay ka, pamisahan ka na lang namin? Wag kang mag-alala, tinawagan ko na si Claverio. Nangako siyang isasama ka sa padasal niya" tatawa-tawang pang-aasar ni Miguel bago pa kami tuluyang makapasok sa loob ng kwarto. 

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon