Kayceelyn Morraine's
"Hi, Kaycee. May I sit here?" Napa-angat ang tingin ko mula sa librong binabasa ko nang may umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Nakangiting mukha ni Gavin ang bumungad sa akin kaya napipilitang napatango ako. Hindi ko naman pagmamay-ari ang lugar na ito kaya wala akong karapatang magdamot.
Isang buwan na mula nung nagsimula ang klase. Sobrang excited ako sa pagbalik sa pag-aaral kaya talagang dito ko ibinubuhos ang lahat ng atensyon ko.
Nakakatuwa na sobrang supportive din ni Jerick sa lahat ng bagay especially in terms of finances. Hindi kasi ako binibigyan ni Mommy ng baon.
"Hey, kumain ka na ba?" Napakurap-kurap ako nang muling nagsalita ang taong nasa harapan ko.
"Ha? Ah oo. Katatapos lang" naiilang na sagot ko sabay turo sa balat ng sandwich na nasa gilid ko. Iyon lang ang kinain ko dahil kulang ang pera ko. Nagbigay kasi ako ng contribution sa mga groupmates ko para sa report namin bukas.
Napataas ang kilay ni Gavin at pagkuwa'y tumingin sa wristwatch na suot niya. "Iyan lang ang kinain mo? Pero lunch na"
Dahil sa sinabi niya ay napatapik ako sa noo ko. Naalala ko kasing kailangan ko pa nga palang tawagan ang mag-ama ko para kamustahin. Papasok na din kasi si Jerick sa school ngayong mga oras na ito pero bago iyon ay ihahatid niya muna ang anak namin sa bahay para pabantayan kay Yaya Thalia. Mamayang alas kwatro naman pagkalabas ko at ay ako ang susundo sa kanya.
Dali-daling kinuha ko ang phone ko sa bulsa at saka sinubukang kontakin si Jerick. Hindi ko na napansin na umalis na pala sa harapan ko si Gavin ngunit ilang sandali pa ay bumalik din siya.
"Kumain ka muna ng proper lunch." Sabay lapag ng tray sa harapan ko na naglalaman ng pagkain. Mayroong nilagang baka, rice at saka cupcake pa. Napakurap-kurap ako at nang makabawi ay kunot noong tiningnan ko siya. Nginitian lang naman niya ako at saka mas inilapit ang tray sa harapan ko. Hinawi pa niya ang mga gamit ko para mas mapalapit sa akin ang pagkain. "Mas magandang pumasok sa klase na may laman ang tiyan. Sige ka, masungit pa naman si Prof. Wilson. Siya ang next subject ninyo di'ba?"
"Pero busog na ako" sabi ko na lang kahit na ang totoo ay kumakalam na ang tiyan ko. Ang liit lang kasi ng sandwich na kinain ko kanina. Yun lang naman kasi ang kasya sa budget ko dahil ang mamahal talaga ng mga pagkain dito.
Natawa siya. "Alin? Yung sandwich? E hindi man lang nga aabot sa lalamunan ko yan e"
Muli kong ibinulsa ang phone ko. Siguro ay nasa school na niya si Jerick kaya hindi na niya nasasagot ang tawag ko. Bumuntong hininga ako at saka muling hinarap si Gavin. "I'm okay, Gav. Yun lang talaga ang gusto kong kainin"
Babalik na sana akong muli sa pag-aaral pero inagaw lang ni Gavin ang libro ko. "Kaya ka pala namamayat e. Ang konti lang ng kain mo. Anong nutrients ang maipapasa mo sa anak mo? You're on breastfeeding, Kay. Kung ayaw mong kumain para sa sarili mo, isipin mo na lang ang anak mo"
Napayuko na lang ako sa sermon niya. May point naman kasi siya. "Sige na, kainin mo na yan. Ano, susubuan pa ba kita?"
Inirapan ko na lang siya at saka kinuha ang kutsara't tinidor. Nang malasahan ko ang sabaw ng nilagang baka ay napapikit na lang ako. Kailan ba yung huling nakakain ako ng ganito? Last year pa ata nung nilibre kami ni Hans dahil nanalo sa pageant si Athena.
"Sarap?" Natauhan na lang ako nung muling nagsalita si Gavin. Nahihiyang tumango naman ako at saka siya tipid na nginitian.
"Yeah. Thank you. Magkano nga pala 'to?"
"Wag na. Regalo ko na yan sayo. Matagal din tayong hindi nagkita e"
"Ayoko ng utang na loob, Gav."
Natawa siya. "Agad na? Maliit na halaga lang yan, utang na loob na kaagad para sayo?"
BINABASA MO ANG
More Than Before
Fiksi UmumTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...