Kayceelyn Morraine's
"Mommy, kailan po uuwi si Daddy ko?" Inosenteng tanong sa akin ni Kendrix habang binibihisan ko siya ng uniform. First day of school nila at sa kasalukuyan ay Grade 1 na ang anak ko. Ang bilis ng panahon .. di pa ako ready na magbinata siya.
Nakangiting pinisil ko ang pisngi niya at saka pinatakan ng halik. "Soon, mahal ko" tanging sagot ko.
Nung natapos kasi ang training ni Jerick ay mas naging busy siya. Hindi na nga siya dito sa bayan namin na-assign, tapos pagkatapos na pagkatapos pa ng training niya ay nagtake na kaagad siya ng Master's Degree. Minsan na lang siyang umuwi dito kaya nakakatampo na. Lintik na yun, nangako ng kasal pagtapos ng training niya pero nung nakatapos naman, ni hindi man lang inopen ulit sa akin ang tungkol sa kasal. Kulang na nga lang, ipalunok ko sa kanya ang singsing ko para maalala niya ang pangako niya.
"I miss him" malungkot na sabi ng bata habang nakatungo kaya sinapo ko ang mukha niya at saka magaang hinila ang magkabilang pisngi niya para pilit na pangitiin.
"Smile na, mahal ko. Don't worry, I will call him. Hindi ka naman matitiis nun" pero kahit anong gawin kong pagpapaamo sa bata ay hindi man lang siya ngumiti kaya napabuntong hininga na lang ako.
Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong napapadalas na naman ang pagiging matamlay niya. Lagi lang siyang nakakulong sa kwarto at nanonood ng kung ano sa iPad niya. Buti nga, pasukan na ulit e .. may paglilibangan na siya ulit.
Inayos ko na ang mga gamit namin ni Kendrix at saka inakay ko siya sa kamay. Lumabas kami sa kwarto at bumaba na sa sala. Narito kami ngayon sa bahay ni Mommy dahil ang walanghiyang si Jerick ay hindi pa kami pinapauwi sa bahay niya dahil ipinapa-renovate pa daw niya. Amoy pintura daw doon at makakasama kay Kendrix. Lintik siya. Pag ako talaga tuluyang nainis sa kanya, ipapainom ko sa kanya ang lahat ng pintura na makikita ko!
Ihinatid muna namin ni Kuya Bong si Kendrix sa school niya bago ako tumuloy sa university na pinagtuturuan ko. Hindi na ako umalis dito at naghanap ng ibang trabaho dahil una, may kontrata pa ako dito, ikalawa ayaw din akong paalisin ni Dean at ang huli, hindi naman ako lugi sa sahod dito. Mas malaki pa nga kumpara sa mga nasa gobyerno saka hindi pa ganun kastressful.
"Good Morning, Ma'am DT!" Nakangiting bati sa'kin ni Ma'am Dela Merced nang makapasok ako sa faculty room kaya kinindatan ko lang siya at tumuloy na ako sa table ko. Close na kaming dalawa dahil mali pala ang first impression ko sa kanya. Hindi siya tahimik at mahinhin. Para siyang si Andrea. Prangka at luka-luka .. kaibahan lang, chismosa 'to samantalang si Andeng, ayaw na ayaw na makialam sa buhay ng iba.
Hindi pa ako tuluyang nakakaupo ay nakalapit na kaagad sa akin si Mayzelle. "May chika ako" Bulong niya kaya napailing na lang ako.
"Ano?" Sakay ko sa kanya dahil alam kong hindi niya ako titigilan.
"Alam mo ba --" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay may dumutdot na kaagad ng noo niya kaya nakangiwing napalayo siya kaagad sa akin. Sabay kaming tumingin sa bagong dating at natawa na lang ako nung makita si Gavin na nakasimangot na naman habang nakatingin kay Mazy na masama naman ang tingin sa kanya.
"Agang-aga binubulabog mo si Kaycee! Bumalik ka doon sa table mo!" Singhal ng lalaki kay Mazy na kasalukuyang naniningkit ang mga mata.
"Ang kapal ng mukha mong utusan ako! Tatay ba kita?!"
"Wala akong planong gawin kang anak kahit magpaampon ka pa. Sa lakas mong kumain, paniguradong taob palagi ang bigasan sayo!"
Madramang humawak naman si Mazy sa dibdib niya. "Ang sakit mong magsalita, Daddy! Ang sama ng ugali mo po!"
BINABASA MO ANG
More Than Before
Ficção GeralTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...