Chapter 14

73 5 0
                                    

Jerick Francis'

Napapagod na tinanggal ko ang tatlong butones ng uniporme ko nang makapasok ako sa crew room. It's been a long day para sa aming mga service crew dito sa pinagtatrabahuhan kong fast food chain dahil dagsa ang mga tao kanina. Sabagay, halos araw-araw naman.

"Jerick, extend ka until 6 am ha. Hindi dumating ang naka-assign sa graveyard shift, wala kang karelyebo" agad na bungad sa akin ng manager nung nakita niya ako. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa may pintuan. 11 pm na. Sigurado akong hinihintay pa ako ni Kays.

"Pero, Ma'am .. kailangan ko pong umuwi. Buntis ang girlfriend ko at nag-iisa lang po siya sa bahay. Isa pa po may pasok pa po ako bukas ng alas otso"

"Pasensya ka na, Jerick pero kulang talaga tayo sa tao. Hindi pumasok si Nico e. Hayaan mo, rest day mo bukas" bago pa ako muling makapagprotesta ay nakalabas na siya ng crew room. Napabuntong hininga na lang ako at saka kinuha ang phone ko sa locker.

Una kong tinawagan si Kays pero hindi ko na siya makontak. Baka tulog na. Sunod ay ang mga kaibigan ko para humingi ng pabor sa kung sinong pwedeng magbantay kay Kays ngayong gabi. Luckily ay free si Hans at sinabi niya na pupunta na lang daw siya sa bahay. Binigyan ko naman sila ng duplicate key in case na ganito nga ang mangyari. Nahihiya ako sa kanila pero mas importante ang kapakanan ng mag-ina ko kaysa sa pride ko.

At dahil may trenta minutos pa akong break ay kinuha ko muna ang reviewer ko para makapag-aral kahit papaano habang kumakain. Nalalapit na naman kasi ang finals namin at ayokong magkaroon ng failing grades. Kung noong high school ako ay wala akong pakialam sa grades ko, iba na ngayon. Hindi pwede ang pasang awa dahil ayokong mawala ang opportunity ko na makapag-aral. Hindi pwedeng basta lang dahil kailangan kong makatapos kaagad at makapasa sa board exam nang sa gayon ay mabigyan ko ng magandang buhay ang anak ko.

My son ..

My biggest blessing. Hindi ko kailanman pinagsisihan ang maagang pagdating niya dahil pakiramdam ko ay siya ang kumukompleto sa akin. I may be a failed son to my parents but I will do my best to be a perfect father for my own child. Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng pagmamahal, atensyon at materyal na bagay na hinding-hindi ko naranasan noon sa sarili kong ama.

Yes, at first ay nakaramdam ako ng takot. My mind was clouded by so many what ifs kaya hindi ko maharap si Kays noong araw na ipinagtapat niya sa akin ang kalagayan niya. Umuwi ako noon dito sa bahay and I tried to seek an advise from my own father pero kailanman ay hindi niya sinagot ang tawag ko. And then in between those chaos, dumating si Ninong. Nagpatulong siya sa akin na kumbinsehin si Samara na magpagamot sa ibang bansa so I did. Ako pa mismo ang naghatid sa kanilang mag-ama sa airport.

Bago tuluyang umalis si Samara ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at masuyo niya akong nginitian. "Life is the most precious gift given to us. Kung papalarin akong humaba pa ang buhay ko, gagawin ko ang lahat ng masasayang bagay sa mundo" may tumulong luha sa mga mata niya pero nanatili pa rin siyang nakangiti. Pinisil ko ang kamay niya para magpakita ng suporta. She's really weak right now. Malayong malayo sa maligalig na kinakapatid ko. " .. pero kung hindi papalarin, ako ang magiging messenger mo kay God. Bubulungan ko siya tapos sasabihin ko sa Kanya na bigyan ka Niya ng isang tao na hinding-hindi ka na iiwan pa .. ng isang tao na magpapangiti sayo araw-araw .. at ng isang tao na magpapabalik ng masayahin at makulit na kababata ko"

Hindi ko na napigilang mapaiyak din dahil sa sinabi niya. I pinched her pale cheeks and planted a tiny kiss on her forehead. "Hindi mo na kailangang bumulong kay God para sa akin dahil dumating na ang taong yun. Magpagaling ka at pagkatapos ay umuwi ka dito dahil ikaw ang kauna-unahang Ninang niya .. ng anak ko"

Bumadha ang gulat sa mga mata niya pero pagkuwa'y napalitan din ng saya. Sa totoo lang ay recently lang kami naging close dahil nung mga bata kami ay ayoko sa kanya. Makulit kasi siya at maligalig .. pero kahit ganun ay lagi ko pa rin nakikita ang sarili kong nakikipaglaro sa kanya.

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon