Kayceelyn Morraine's
"Mahal, put it down, please. Baka mapunit yan" saway ko kay Kendrix nang mahagip niya ang cartolina na kakatapos ko lang lagyan ng design.
Binitawan naman ng bata ang cartolina kaya nakahinga ako ng maluwag at saka ibinalik ang atensyon ko sa paggawa ng lesson plan. Kanina pa ako nasstress dahil bukas nakatakda ang kauna-unahang pagkakataon na magdedemo ako sa harapan ng mga tunay na estudyante.
"Hindi ba masyadong mahaba yung kakaining oras ng motivation?" Tanong ko sa sarili habang pilit na pinag-aaralan ang mga ihinanda kong activities. Akala ko talaga sanay na ako sa mga ganito pero iba pala talaga yung pressure pag totohanan na. Noon kasi ay mga kaklase ko lang ang kaharap ko pag nagdedemo at talagang nagtutulungan kami .. pero bukas, mga totoong estudyante na talaga. What if magpasaway sila? What if hindi sila maki-cooperate? What if hindi sila makinig? What if --
Natigil ang kung ano-anong pumapasok sa isip ko nang makarinig ako ng parang napunit. Nanlalaki ang matang napalingon ako sa kama at doon ay nakita ko si Kendrix na hawak-hawak ang napunit na picture na gagamitin ko bukas sa demo. Kanina ko pa iyon ipinaprint sa labas at nalagyan ko na rin ng design ang gilid.
Naiinis na tumayo ako at lumapit sa bata na inosenteng nakatingin lang sa'kin. Inagaw ko sa kanya ang picture "Kendrix naman e! Kanina pa sinabing wag makialam!"
Naluluhang kinuha ko ang tape at saka pilit na pinagdikit ang napunit na larawan pero hindi na talaga kayang mabuo pa ulit. Dagdag pa sa iritasyon ko ang malakas na iyak ni Kendrix na akala mo'y kinawawa. "Napakasaway mong bata ka! Kanina ka pa sinasaway hindi ka nakikinig!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumahimik ka! Hindi ka na nga nakakatulong, nakakainis ka pa!"
Sinubukang lumapit ng bata sa akin para yumakap pero lumayo ako at saka bumalik na sa study table ko. Nakaupo siya sa may paanan ng kama habang umiiyak na nakatingin sa akin. "Behave, Kendrix! Wag na wag kang gagalaw diyan! Pag may nasira na naman sa gamit ko, tatamaan ka talaga sa'kin!"
Inis na inis na bumalik ako sa ginagawa ko pero kaagad ding natigil nung yumakap sa binti ko si Kendrix. "Mommy! Sorry po!"
"Bumalik ka doon sa kama, Kendrix! Saka pwede ba, tigil-tigilan mo na ang kakaiyak?! Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko!" Lalo lang lumakas ang iyak ng bata kaya lalo akong nainis.
Binuhat ko siya at saka muling inupo sa paanan ng kama. Inilayo ko din sa kanya ang mga instructional materials na ihinanda ko. "Wag kang aalis dito! Pag umalis ka dito at ginalaw na naman ang mga gamit ko, dadalhin talaga kita sa labas ng kwarto. Naiintindihan mo?!!"
Sumisigok-sigok na tumango ang bata at pilit pa ring yumayakap sakin pero tinalikuran ko na ulit siya at saka bumalik sa ginagawa ko. Muli kong binasa ang lesson plan ko at chineck kung okay na ba talaga ang lahat. Pilit ko ring inimagine ang magiging plow ng discussion ko kasabay ng pagpapractice pero hindi pa rin talaga nawawala ang kaba ko. Ayoko talagang pumalpak bukas.
Napabuntong hininga ako at saka pinatay ang laptop ko. Paglingon ko sa kama ay kaagad kong nakita si Kendrix na nakaupo pa rin sa gilid ng kama habang nakasaklop ang magkabilang kamay at kapatong sa kandungan niya. Humihikbi pa rin siya pero mahina ang mga yun na parang ayaw niyang marinig ko. Bigla namang natunaw ang lahat ng inis ko nung makita kong basang-basa ng luha ang mukha niya at pawis na pawis na rin siya.
Tumayo na ako sa study table ko at saka iniligpit muna ang lahat ng instructional materials ko na nakakalat sa buong kwarto. Nung nasiguro kong malinis at maayos na ang lahat ay lumuhod ako sa harapan ni Kendrix na napanguso na lang at nagsisimula na namang lumakas ang paghikbi.
"Mommy, sorry po" mahinang bulong niya kaya maging ako ay napaluha na rin.
Kaagad ko siyang kinabig at saka kinarga. "I'm sorry din, mahal ko. Sorry dahil nasigawan ka ni Mommy"
BINABASA MO ANG
More Than Before
Ficción GeneralTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...