Jerick Francis'
"What? Magkaaway na naman kayo ni Kay?" Takang tanong sa akin ni Ly pagkapasok ko sa bahay nila. Kanina nung umalis ang mag-ina ko sa apartment ay dito na lang ako pumunta dahil ayokong magmukmok sa bahay. Baka kung ano lang ang magawa ko sa sarili ko. Saka hindi naman kasi ito ang unang away namin ni Kays. Lagi naman siyang ganun, aalis pagkatapos ng kaunting sagutan.
Tinapik ko lang ang balikat ni Ly at saka siya nilampasan. Pabagsak na naupo ako sa couch at saka mariing ipinikit ang mga mata ko.
Nakakapagod ang araw na 'to. I was expecting na uuwi ako kaninang nakabantay sa akin sa pinto ang anak ko at magpapakarga pero kabaligtaran ang nangyari. Tahimik ang buong kabayahan. Sobrang nag-aalala ako tapos hindi man lang niya sinasagot ang tawag ko.
"Kung kailan kayo nagkaedad saka kayo parang mga tanga" parang inis na sabi ni Ly kaya nagmulat ako ng mata at saka tiningnan siya ng masama pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "What? Nagsasabi lang ako ng totoo. Di ba kayo napapagod sa away bati niyo?"
Napabuntong hininga ako at saka umayos ng upo. "Umiiwas lang akong makita ni Kendrix na nag-aaway kami. Ewan ko, parang iba na si Kays. Pag galit ako, mas galit pa siya"
"Natural! Babae e. Kahit nga si Dawnita ganun, nagreklamo ba ako?!" Pinanlakihan pa niya ako ng mata at saka binato ng throw pillow. Malakas na binato ko rin siya ng unan pabalik. Sapul sa mukha.
"Relax. Susunduin ko naman sila bukas. Pag malamig na ang ulo namin pareho" napapatalak na lang siya at saka pailing-iling na tumayo.
"Bahala nga kayo. Tara sa dining, nakakagutom kang kausap" inis na inis na talaga siya kaya nginisihan ko lang siya at saka inakbayan para sakalin. Mukhang badtrip din ang tarantado kaya kanina pa nakasimangot.
Matapos naming kumain ni Ly ay dumeretso na ako sa guestroom nila para makitulog. Kumportable talaga ako sa lugar na ito. Ramdam ko kasi yung pagmamahal na bumabalot sa buong bahay. Malaki man tapos minsan lang sila magkita-kita dahil busy ang bawat isa sa kanya kanyang trabaho at pag-aaral, hindi pa rin nawawala yung warm feeling. Ganun ang gusto kong buhay na kamulatan ng anak ko. Yung buhay na hindi ko naranasan noon.
Kanina, parang sinampal talaga ako nung nakita kong umiiyak ang anak ko habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga niya. Pamilyar sa akin ang ganoong pakiramdam dahil ganun ako noong bata ako -- pag nag-aaway ang parents ko.
Madalas naman kaming mag-away ni Kays pero ito yung unang pagkakataon na nakita at narinig ni Kendrix .. kaya kanina, kahit ayaw ko silang paalisin sa apartment ay wala akong nagawa. Kilala ko si Kays. Mahirap siyang amuin pag galit siya. Ewan ko, hindi naman siya ganun dati.
Bago ako matulog ay tumawag muna ako kay yaya Thalia para kamustahin si Kendrix. Nakahinga naman ako ng maluwag nung sinabi niyang natutulog na ang bata.
Kinabukasan, maaga akong bumangon at naligo. May mga gamit naman akong naiwan dito sa guestroom kaya hindi ko na inistorbo si Ly na natutulog sa kwarto niya. Lumabas ako ng kwarto dahil gusto kong puntahan ang anak ko. Miss na miss ko na siya. Hindi na lang ako aattend ng practice ng graduation namin dahil balak kong ipasyal ang bata para maalis sa isip niya ang nasaksihan at narinig niya kahapon.
"Aba nandito ka pala, Jerick. Kamusta ang apo ko?" Nakangiting salubong sa akin ni Tito Alonso nung nakasalubong ko siya sa may hagdan. Kakauwi lang niya siguro dahil dala pa niya ang mga gamit niya.
Nginitian ko siya at saka nagmano ako. "Ayos naman po, Tito. Kayo po, kamusta?"
"Aba'y malakas pa naman sa kalabaw. Dalhin mo minsan dine ang apo ko ha. Kahina naman ni Bunso. Ayaw pa akong bigyan ng apo" Natatawang sabi niya kaya napailing na lang ako.
BINABASA MO ANG
More Than Before
Fiksi UmumTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...