Chapter 27

53 4 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Hindi mo ba talaga lalabasin si Jerick?" Napa-angat ang tingin ko nung pumasok si Yaya Thalia sa kwarto. Saglit na tiningnan ko lang siya at saka marahang umiling-iling bago ibinalik ang tingin ko kay Kendrix na mahimbing na natutulog sa kandungan ko.

It's been a week since 'that' day happened. Yung akala ko, simula na ng fairytale naming dalawa, yun pala wakas na. Yung akala ko, mabibigyan ko na ng buong pamilya ang anak ko, hindi pa rin pala.

Hinaplos-haplos ko ang buhok ni Kendrix habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi lang ako ang nasaktan at umasa sa ginawang yun ni Jerick. Higit na mas naapektuhan si Kendrix. Akala niya, magsasama-sama na ulit kaming tatlo pero hindi ko na talaga kaya pang makasama si Jerick.

Pagod na ako.
Nagsasawa na ako sa paulit-ulit na away kaya habang maaga pa, mas magandang putulin na. Habang may natitira pa akong respeto sa sarili ko.

Naupo si Yaya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko. "Anak, kailangan ninyong mag-usap. Isipin mo na lang si Kendrix. Sobrang bata pa niya para maintindihan ang mga nangyayari sa inyo"

Ipinahid ko ang mga luha ko at umiling-iling kay Yaya. "Hindi ko pa po kaya. Ang sakit-sakit pa po dito" turo ko sa puso ko.

Bumakas ang pag-aalala at pang-unawa sa mukha ni Yaya. Tumayo siya at niyakap ako. Siya lang ang nakakaalam ng pinagdadaanan ko dahil noong gabing umuwi kami ni Kendrix dito galing sa munisipyo ay parang dam na bumuhos ang mga luha ko at si Yaya lang ang dumamay sa akin. Ikinwento ko sa kanya ang nangyari at tahimik lang siyang nakinig. Akala ko ay gagaan na ang nararamdaman ko pag nailabas ko ang sama ng loob ko pero parang mas nadagdagan pa. Sariwang sariwa pa yung sugat.

Nagfile ako ng leave sa trabaho dahil hindi ko kinayang magfunction nang maayos. Dagdag pang wala man lang paramdam si Jerick kaya ang dami na namang pumapasok sa isip ko. Sabi ni Yaya ay tatlong araw daw akong tulala at ayaw kumain. Natauhan lang ako nung nakita kong umiiyak na si Kendrix at mahigpit na yumakap sa akin. Naisip kong kailangan kong maging malakas para sa anak ko. Hindi pwedeng maging mahina ako dahil wala siyang ibang aasahan kundi ako lang.

Then the next day, dumating si Jerick asking for forgiveness. Pilit niya akong kinakausap at ilang beses niyang sinubukang magpaliwanag pero sarado ang isip at tenga ko. Ayoko ng maniwala sa kanya. Ayoko ng umasa pa. Ang sakit-sakit na.

"Tahan na. Papauwiin ko na lang muna siya" pang-aalo sa akin ni Yaya kaya tumango-tango ako. Sa pagkakaalam ko ay dalawang araw nang nagkakampo si Jerick sa may gate dahil hinihintay ako. Hindi siya makapasok dahil utos ko. Thankfully ay parang walang pakialam si Mommy at si Tito Ignacio naman ay nirerespeto ang desisyon ko.

Noong lumabas si Yaya ay nahiga ako at mahigpit na niyakap si Kendrix. Pati siya ay naapektuhan na. Hindi rin siya nakapasok ng isang linggo sa school dahil hindi ko siya ma-asikaso. Parang ayaw din naman niyang iwan ako dahil hindi siya humihiwalay sa akin. Lagi lang siyang nakayakap at nakasiksik which is very comforting. Siya talaga ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay matino pa ang pag-iisip ko.

"Mommy, you're crying again" natigilan ako nang marinig ko ang maliit at malambing na boses niya. Pilit siyang lumayo sa akin hanggang sa makita niya ang mukha ko. Napapikit na lang ako nung hinaplos niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. "Don't cry, mommy. Kenny will always be here. I won't leave you. I promise"

Lalo akong napahagulhol sa sinabi ng anak ko. Yumakap ako sa kanya at sumiksik sa leeg niya. Nararamdaman kong hinahaplos-haplos niya ang likod ko kaya hinayaan ko muna ang sarili kong maging mahina kahit ilang minuto lang. Kailangan ko 'tong ilabas sa huling pagkakataon tapos tapos na. Kailangan kong magpatuloy dahil kailangan ako ng anak ko.

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon