Kayceelyn Morraine's
"Bakit kulang na naman kayong limang itlog?! At bakit kayo nandito? May klase ah!" nakapamewang na tanong ni Andeng sa mga kaibigan naming sina Miguel, Ly at Hans nang maabutan namin silang kumakain dito sa canteen. Katatapos lang namin maglunch pero heto sila't kumakain na naman. Vacant kasi namin kaya nakapunta kami dito. Ewan ko lang sa mga pasaway, baka nagcutting na naman sila. Imposibleng sabay-sabay ang vacant nila dahil hindi naman sila magkakaklase.
"Hindi naman kasi planado 'tong foodtrip namin ng ganitong oras. Kumbaga, nagkataon lang, di'ba mga paps?!" nakangising sabi ni Hans at nagsitanguan naman yung dalawa. Napailing na lang ako nung piningot siya ni Andeng sa kaliwang tenga. Agad naman itong napangiwi pero hindi makaalma dahil masama ang tingin sa kanya ni Ly.
"Sinungaling!" bumaling naman ito kay Ly na agad na napatuwid ng upo at bahagyang napalunok. "Balik sa classroom mo, Antonio! Cutting ka nang cutting, gupitin ko ang patilya mo e!"
Mabilis tumayo naman si Ly at sumaludo pa kay Andrea "Yes, boss! Sinama lang talaga ako ni Hans kanina. Lika na, Juan!" sabay higit niya kay Miguel at tumalilis na sila ng labas ng canteen bago pa sila mas mabungangaan ni Andrea. Napailing na lang ako. Mga pasaway talaga.
"Ahm .. Mayora, baka gusto mo na akong bitawan dahil late na ako sa klase ko" alanganing wika naman ni Hans at nung binitiwan nga siya ni Andeng ay tumalilis na rin siya ng labas ng canteen. Muntik pa nga siyang madulas kakamadali niya. Nakakatawa dahil mga pasaway sila at talagang kung minsan ay sakit na ng ulo ng mga teachers pero tiklop pagdating kay Andrea.
"Imagine yung dinanas ko last year?! Naku mas malala pa yang mga yan! Isa pa yung Jerick na yun! Minsan na lang ata pumasok dahil busy yata maghasik ng lagim. God! sakit na nga ng ulo ang mga kapatid ko, pagdating dito puro konsumisyon pa din! I swear, Kay! Makakalbo na talaga ako!" litanya ni Andrea habang nakapamewang pa. Napayuko naman ako dahil sa pangalang binanggit niya.
Halos isang buwan na akong nakabalik dito sa school pero kahit isang beses ay hindi man lang niya talaga ako tinapunan ng tingin. At ang masakit pa, sa loob ng isang buwan na iyon ay iba't-iba na ang mga babaeng kasama niya. Sabi ni Andeng, last year daw ay ganoon na rin si Jerick, medyo nagbago lang daw nung mga pahuling buwan ng klase .. siguro yun ang panahon na nagkaayos kami.
"Hoy, okay ka lang? Halika na baka maubusan tayo ng turon!" hinigit na niya ako papunta sa bilihan ng turon kaya wala na akong nagawa kundi ang magpadala sa kanya.
Nang makabalik kami ng room ay dumeretso ako sa upuan ko at tumingin sa kawalan. Busy kasi si Andeng sa pagkopya ng notes nung isang kaklase naming tamad magsulat para daw may extra income siya kaya hindi ko na siya inistorbo. Napatingin ako sa may pinto nang bumukas iyon. Mula doon ay pumasok si Jared na kaagad namang ngumiti nang magtama ang mga mata namin. Sa barkadahan talaga nila, siya lang yung mukhang mabait. Siya lang kasi yung walang piercing at hindi rin nagbibisyo. Takot sa girlfriend. Cute.
Bago matapos ang klase ay nakatanggap ako ng text mula kay Kuya Bong na hindi daw muna niya ako masusundo dahil nasa Makati pa daw siya kasama si Mommy. Hindi na naman ako umaasang susunduin ako ni Tito Ignacio kaya ang sabi ko ay magko-commute na lang ako pauwi. Kaya ko na naman yun.
Nung dismissal ay tumulong na lang muna ako kina Andeng at Ly sa paglilinis ng room para may kasabay na rin ako sa paglabas sa gate mamaya. Medyo maaga pa naman saka ayoko pa rin namang umuwi kaagad. Siguradong pagkauwing pagkauwi ko ay matutulog na lang ako para iwasan ang boredom.
"Ako na lang ang magtatapon niyan, Ly. Tulungan mo na lang mag-ayos ng chairs si Andeng" sabay agaw ko sa kanya ng garbage bag na nakuha niya sa trashbin na nasa room namin.
BINABASA MO ANG
More Than Before
General FictionTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...