Kayceelyn Morraine's
Ilang beses akong huminga ng malalim bago ko ilagay ang hotdog sa mainit na mantika.
"Ouch!" Naluluhang daing ko nang magtalsikan ang mantika sa braso ko. Pati na rin ang pisngi at leeg ko ay natalsikan kaya tuluyang tumulo ang luha ko.
Ako lang ang mag-isa dito sa bahay dahil nagdeliver si Jerick ng mga tinahi niyang basahan at pagkatapos nun ay tutuloy pa siya sa pampublikong kolehiyo sa bayan para mag-enroll dahil luckily ay nakapasa siya sa entrance exam doon. Hindi ko alam kung anong oras siya uuwi.
Isang linggo na kaming magkasama dito sa bahay niya. Hindi madali dahil wala kaming nakakatandang kasama at wala din akong kaalam-alam sa mga gawaing bahay. Si yaya Sabel kasi ay tuwing Sabado na lang pinapapunta ni Jerick dito. Nahihiya daw kasi siyang mag-utos sa ginang dahil hindi naman daw siya ang nagpapasweldo. Isa pa, nahihiya na rin daw siya kina Tito Alonso dahil sobrang laki na ng utang na loob niya sa pamilya nito. Syempre Tito Alonso insisted .. pero mas matigas ang ulo ni Jerick. Kaya nagkasundo na lang silang dalawa na tuwing Sabado na lang pupunta ang ginang para ipaglaba kami at ipaglinis ng bahay.
Napasinghot ako nang makitang sunog na naman ang hotdog na piniprito ko. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako makapagprito ng perpekto samantalang noon habang pinapanood ko si yaya ay parang ang dali-dali lang sa kanya ng pagluluto.
"Kays?" Awtomatikong napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Jerick. Umiiyak na lumabas ako sa kusina para salubungin siya sa sala. Nang makita niya ako ay biglang kinabakasan ng pag-aalala ang mga mata niya. Dali-daling lumapit siya sa akin at sinapo ang mukha ko.
Napatitig ako sa kanya. Ang laki na ng eyebags niya dahil halos hindi na siya umaalis sa harap ng sewing machine. Ni hindi ko nga alam kung natutulog pa siya. Papatulugin lang niya ako sa gabi tapos magigising akong nagtatahi pa rin siya. Mukhang pagod na pagod na siya pero nang makita niya ako ay parang mas inalala pa niya ako.
"What happened? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod na tanong niya kaya napanguso ako at yayakap sana sa kanya nang bigla niya akong nilampasan. Mabilis ang hakbang na nagtungo siya sa kusina kaya sumunod ako. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong umaapoy na ang kawali na pinaglulutuan ko kanina hindi ko pala napatay ang stove.
Mabilis na pinatay ni Jerick ang stove at ang tank. Kumuha siya ng basang basahan at saka itinakip doon sa kawali. Nakahinga ako ng maluwag nang unti-unting namatay ang apoy.
Inis na bumaling sa akin si Jerick "What the hell?! Susunugin mo ba ang bahay?!"
Napayuko na lang ako dahil sa gulat ng pagsigaw niya. "I-im s-so --"
"Hindi ka ba makahintay? Alam mong hindi ka marunong magluto, nagpumilit ka pa!" Parang napanting ang tenga ko sa mga naririnig ko. Hindi ko naman sinasadya ah! Hindi ko naman intensyong makasunog ng bahay!
"Sorry ha! Gutom na gutom na kasi ako! Ubos na yung pagkaing iniwan mo kaninang umaga! Anong oras na, hindi pa ako kumakain! Bakit ba kasi ngayon ka lang umuwi? Ano hanggang 6 pm ang enrollment?!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya sabay talikod. Nagtatakbong umakyat ako ng hagdan at nagkulong sa kwarto. Hindi ko matanggap na pinagtaasan niya ako ng boses. Alam kong may kasalanan ako pero anong magagawa ko? Nagugutom na talaga ako.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng katok sa pinto. "Kays, open the door"
Malambing na ulit ang boses niya pero naiinis pa rin ako. Nagtalukbong ako ng kumot at pilit na inignora siya.
"I'm sorry, love. Please open the door. Magpapaliwanag ako" napanguso na lang ako. Gustong-gusto ko nang buksan ang pinto para yakapin siya pero nananaig pa rin talaga yung inis ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
More Than Before
Ficção GeralTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...