Chapter 23

79 4 0
                                        

Kayceelyn Morraine's

"Ahm .. Ly, Kasama mo ba si Jerick?" Kaagad na tanong ko kay Ly nang sagutin niya ang tawag ko.

"Ha? Hindi e. Andito ako sa Manila ngayon. Bakit?" Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ganyan din ang sinabi sa'kin nina Jarred, Miguel at Hans nung tinawagan ko sila kanina. "Bakit, Kay? .. saka si Kendrix ba yung umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya.

"Oo e. Hinahanap ang Tatay niya. Di pa kasi umuuwi simula kahapon. Sige na, Ly. Try ko din tawagan yung ibang classmates niya noon. Thank you" pinatay ko na kaagad ang tawag at saka kinarga si Kendrix na nahihirapan nang huminga sa kakaiyak..

"Tahan na, mahal" kahit mabigat na siya ay sinayaw sayaw ko pa siya. Medyo may sinat din kasi siya ngayon kaya siguro may sumpong.

"D-daddy ko!! San Daddy ko?!" Nagwawala pa siya sa pagkakakarga kaya napapangiwi na lang ako.

"Shush, pauwi na si Daddy ha. Sleep ka na. Paggising mo, andito na ulit si Daddy" sumiksik si Kendrix sa leeg ko kaya hinaplos-haplos ko ang likod niya para kumalma siya. Ang bigat bigat na niya pero wala akong magagawa kundi ang patulugin siya habang karga ko dahil siguradong magliligalig na naman siya pag inilapag ko.

Nung nakatulog na si Kendrix ay dahan-dahang ihiniga ko na siya sa kama at kinumutan. Nung nasiguro kong okay na siya ay lumabas ako ng kwarto para icheck kung nakauwi na ba si Jerick pero sinalubong lang ako ng katahimikan. Napatingin ako sa wall clock, 1 am na. May pasok pa ako sa trabaho mamaya.

Pabagsak na naupo ako sa couch at saka ipinagpatuloy ang ginagawa kong test questionnaire. After kasi ng graduation ay nabigyan ako ng opportunity na makapagturo bilang isang part time instructor doon din sa university kung saan ako grumaduate. Tapos nung nakapasa ako sa board exam, naging regular instructor na din ako doon.

Kinailangan kong makapagtrabaho kaagad dahil simula nung araw na nahulog si Jerick sa Licensure Exam niya ay marami nang nagbago. Bumalik siya sa pagiging tahimik na kahit si Kendrix, hindi na niya pinapansin. Iniintindi ko siya. Alam ko yung sakit at disappointment na pinagdadaanan niya.

And then nung time na ako naman ang nagtake ng board exam at nakapasa, akala ko magkasama kaming magcecelebrate pero iba ang nangyari. Umalis siya noong araw na yun nang hindi man lang ako binabati tapos pag-uwi niya, lasing na lasing. Again, inintindi ko siya.

Kahit nung halos tatlong beses na lang sa isang linggo siya kung umuuwi, tapos pag-uwi niya, lasing siya, iniintindi ko pa rin. Ang hindi ko lang matanggap ay pati ang anak namin, naapektuhan na. Naging matamlay si Kendrix at palagi na lang tahimik. Kahit sa school, ganun din daw ang anak ko at hindi na sumasali sa mga activities.

Kendrix used to be an active child. Gustong-gusto niyang nagpeperform sa stage. Masayang masaya siya pag nanonood kami ng Daddy niya .. but now, sabi ng mga teachers ay kahit daw ang pagtayo sa unahan ng classroom para sumagot sa simpleng board work ay hindi na niya ginagawa. I poor baby.

Napapitlag ako nung bumukas ang pinto. Mula doon ay pumasok si Jerick na as expected ay lasing na naman. Kahapong umaga pa siya nung umalis pero ngayong magmamadaling araw lang siya bumalik.

Tumaas ang sulok ng labi niya nung nakita ako. Dahan-dahang naglakad siya papalapit sa akin at saka naupo sa tabi ko. Napabuntong hininga ako nung kinabig niya ako papalapit sa kanya at saka hinalik-halikan ang balikat at leeg ko. "Hi, Love. Are you waiting for me?"

Bahagyang tinulak ko siya dahil nahihilo ako sa amoy ng alak at sigarilyo na bumabalot sa kanya. "Jerick ano ba? Saan ka ba galing?"

"Why? You missed me, huh my love? You smell so good. I missed you" Paulit-ulit pa rin siyang humahalik halik sakin at ang mga kamay niya'y kung saan-saan na humahaplos kaya buong lakas ko siyang tinulak at tumayo na ako.

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon