Kayceelyn Morraine's
"Gavin is suffering from depression but he is now attending sessions that can help him overcome his current state" diretsong sabi sa akin ni Tita Gina --Gavin's Mom.
Narito kami ngayon sa isang restaurant dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa ginang at sinabing gusto daw niya akong makausap. Kaagad rin naman akong tumugon sa kadahilanang kailangan ko na talagang tapusin itong kung ano mang mayroon sa amin ni Gavin dahil gusto ko nang makasama nang malaya ang mag-ama ko.
Mapait na ngumiti ang ginang at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng table. "Sana mapatawad mo ako -- kami ng pamilya ko sa lahat lahat ng perwisyong hatid namin sayo. Hindi namin ginustong mangyari ito sa bunso namin pero nandito na. Ang kailangan na lang namin ay suportahan siya hanggang sa makaya na niya ulit. He isn't like that. Gavin used to be a happy-go-lucky person. Palagi siyang kalmado, palagi siyang masaya. Nagbago lang naman ang lahat nung iniwan kami ng Daddy niya. Since that day, takot na siyang maiwan"
May pumatak na luha sa mga mata ng ginang kaya ipinatong ko ang malaya kong kamay sa mga kamay naming magkahawak at masuyong nginitian siya. "He's a friend of mine, Tita. We knew each other since high school pero naging close lang kami nung college. He is indeed a very wonderful person"
"Then why can't you love him?" Bakas sa boses niya ang pagsamo. Alam ko ang ganung pakiramdam. Ganoon ako pag anak ko ang pinag-uusapan. Kahit anong tatag at lakas ko, pagdating kay Kendrix ay talagang nanghihina ako.
"Because someone already stole my heart even before I met Gavin, Tita" natawa ako at napailing. "Binakuran na po agad ako simula nung 11 pa lang ako e. Tapos di pa natuwa, binigyan agad ako ng pinakamagandang regalo nung 16 ako. Paano pa ako makakalayo sa taong yun?"
Bumagsak ang balikat ng ginang "You really love him" that is not a question but more of a statement.
"There was no doubt in that, Tita. He's the father of my child after all" kibit balikat na sagot ko sa kanya.
Muli niyang pinisil ang kamay ko. "Can I you ask a little favor?"
Napakunot ang noo ko. "What is it?"
"Kakapalan ko na ang mukha ko para sa anak ko. Alam kong naiintindihan mo ako kaya sana, mapagbigyan mo ako kahit alam kong sobrang kalabisan na ito"
"Ho? Ano po ba yun?"
"Pwede bang habang nasa process pa ng healing si Gavin ay wag ka munang umalis sa tabi niya? Honestly, pumayag lang siyang magpakunsulta sa espesyalista ay dahil sayo. Ayaw na daw niyang makita ang takot sa mga mata mo dahil sa kanya pero hirap na hirap daw siyang pigilan ang sarili niyang wag magalit pag kasama mo yung ex mo. Please, Kay. Tatanawin ko itong malaking utang na loob" muling may tumulong luha sa mga mata niya kaya parang pinunit ang puso ko. Nararamdaman ko kasi yung sakit niya dahil sabi nga niya, naiintindihan ko yung lahat ng sakripisyo ng lahat ng ina.
"Pero, Tita Gina .. Jerick and I want to start again. Paano namin gagawin yun kung may responsibilidad pa rin ako kay Gavin? I'm really really sorry na umabot sa ganito. Alam kong malaki ang part ko sa nangyari sa kanya pero, Tita halos ilang taon din po akong nagtiis. Gusto ko na pong makasama ang mag-ama ko at hindi ko magagawa yun kung nandiyan si Gavin"
Sa panggigilas ko ay tumayo ang ginang sa kinauupuan niya at lumuhod sa harapan ko. "Please, Kay. Parang awa mo na. Just give us 5 months to one year and after that, dadalhin na namin si Gavin sa Japan. Please, Kay. Nagmamakaawa ako sayo"
Pilit ko siyang tinatayo pero ayaw niya talaga. "Tita, tumayo po kayo diyan. Please, Tita. Hindi ako santo para luhuran ninyo"
Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero parang walang pakialam si Tita Gina. Umiiyak lang siya habang nakayuko at mahigpit ang hawak sa kamay ko. "Hindi ako tatayo dito hangga't hindi ka pumapayag. Siguradong hindi na tutuloy sa mga session niya si Gavin pag wala ka sa tabi niya. I promise you, Kay. Last na talagang favor 'to"
BINABASA MO ANG
More Than Before
Ficção GeralTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...