Epilogue

186 8 0
                                    

Kayceelyn Morraine's

"Kamukhang-kamukha ka talaga ng Daddy mo" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mommy kasabay ng pagsara ng pinto. Napangiti ako nang makitang bihis at naka-ayos na rin siya.

Dahan-dahang naglakad siya papalapit sa akin habang dala-dala ang veil ko at siya na rin mismo ang nagputong noon sa ulo ko.

"Mom?"

"Hmm?"

"Tell me more about Daddy" nakayukong sabi ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kung ano ang totoong nangyari sa kanila dahil lumaki akong malayo ang loob kay Mommy. Medyo naging okay nga lang kami nung dumating si Kendrix at nung nakagraduate ako ng college.

Bigla ko kasing namiss si Daddy. How I wish na sana kasama ko siya ngayong special day ko.

Natawa si Mommy. "Kung magkukwentuhan tayo tungkol sa Daddy mo, hindi ka na makaka-attend sa kasal mo" Napangiwi ako. Oo nga pala. Mahabang kwento yun at siguradong mahuhuli ako araw ng mismong kasal ko. "But I can summarize the story for you. Kennedy -- your dad was the most understanding and genuine man I've ever met. I fell in love with him when we were in college. Hindi kami pareho ng school pero nagkakilala kami doon lang sa tapat ng school na pinapasukan ko. Nagpa-part time siya bilang taga-photocopy sa isang shop. That time, ang daming pinapa-photocopy ng mga prof namin kaya lagi rin akong naroon sa shop kaya nagsimula ang pangungulit niya sa'kin"

"Until one day, he confessed and hindi ko rin naman naitatanggi sa sarili ko na hindi ko rin siya mahal so I said yes and that day, we became official" kibit balikat na sabi niya.

"That seems a fairytale story, Mom. P-pero bakit po ang natatandaan ko na lang ay ang mga pag-aaway ninyo noon?" Naguguluhang tanong ko.

"And like any other fairytale story, syempre may mga kontrabida. My parents didn't like him kasi nga, hindi siya mayaman at wala daw siyang maipangbubuhay sa akin at sa magiging pamilya niya. After I graduated in college, they sent me to Manila to work. I was so depressed that time kasi nga, hindi pa rin ako sinusundan ng Daddy mo at wala kaming communication. So to cope up, I made friends and went to different bars para lang makalimot. Until I met your Tito Ignacio"

"OMG! You met him bago mo pa ako ipagbuntis?"

Natawa siya sa reaksyon ko. "Yes, sweetie pero hindi kaagad naging kami kasi that time ay broken hearted din siya because his girlfriend was already married with his stepbrother"

"Jerick's parents" dugtong ko sa sasabihin niya kaya muli ay natawa siya. Grabe talagang magbiro yung tadhana.

"Yes, dear. Anyway, your Tito Ignacio and I became friends. Drinking buddies to be specific. Kung saang bar kami pupunta ng mga friends ko, doon ko rin siya nakikita kahit na wala naman kaming usapan. Until one day, your Dad came. Paliwanag niya, kaya hindi niya kaagad ako nasundan ay dahil nagtake muna siya ng board exam at hinintay ang result and thankfully, nakapasa siya. Syempre, mahal ko kaya pinatawad ko. And then, you came"

"He was the happiest when he first saw you. Ako din naman, masaya kahit na galit na galit sakin ang pamilya ko dahil pinili ko ang Daddy mo"

"And bakit kayo laging nag-aaway?"

"Because I got tired. He promised me that he will do his best just to give me everything. Material things and comfortable life but it didn't happen. Masipag ang Daddy mo pero hindi sapat. Hindi niya nakayang pantayan ang mga luhong tinatamasa ko noong nasa poder pa ako ng pamilya ko. So I worked kaya nagalit din siya. Mas malaki ang kinikita ko sa kanya kaya parang natapakan ko yung ego niya. Then on your fourth birthday, we decided to part ways. It was a mutual decision kasi hindi na kami parehong masaya. Hindi lang siya makaalis sa bahay dahil sayo. We were civil and we act normally para sayo. We want to give you a family. We want you to be happy"

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon