Chapter 11

72 5 0
                                    

Jerick Francis'

"Hindi mo ba talaga pwedeng sabihin sakin kung saan nakatira yung kababata mo?" Kasalukuyan kong kausap si Lynard via video call. Sa mga oras kasing ito ay nasa Hawaii silang buong pamilya para magbakasyon.

Ngumisi lang siya na ikinainis ko. Noong after pa ng graduation party ko siya kinukulit pero ayaw niya talagang sabihin. Mukhang nag eenjoy siya na ako naman ang nangungulit sa kanya.

"Bawal ka ngang pumunta dun mag-isa. Gusto mo bang masakmal ng lion? Hintayin mo na lang akong makauwi, pwede ba? Chill ka lang, bro" Tatawa-tawang sabi niya. Lagi namang ganun ang sagot niya sa akin kaya lalo akong naiinis.

Pinakitaan ko siya ng gitnang daliri ko at saka ibinaba ang tawag. Wala talaga siyang kwentang kausap kahit kailan.

"Son, are you ready? Let's go" napabangon ako nung pumasok si Daddy sa kwarto ko. Tuwing rest day kasi niya ay tinuturuan niya akong magdrive ng kotse at ng motor. Iyon ang naging pinakabonding namin sa tuwing magkasama kami.

Simula nung umalis si Mommy, pakiramdam ko ay mas maging close kami ni Daddy. Lagi niyang sinisiguro na okay ako. Lagi niyang pinaparamdam na kaya niyang punan ang puwang na iniwan ni Mommy.

Unti-unti, nasasanay ako na wala si Mommy .. na kaming dalawa lang ni Daddy ang magkasama at magkakampi.

--

"Tangina ka! Umuwi ka pa! Sana hindi na para wala ng peste sa buhay ko" inis na sabi ko kay Lynard nang makita ko siya sa labas ng gate namin pero as usual, kahit yata anong mura ko sa kanya ay wala siyang pakialam. Nginisihan lang niya ako at tinabig tapos ay dire-diretso siyang pumasok sa bahay namin.

"Kaw naman, bro. Parang di mo ako namiss. Tawag ka nga nang tawag sa akin habang wala ako" tatawa-tawang sabi niya at saka prenteng naupo sa couch namin kahit hindi ko pa siya sinasabihan. Ang malaking kahon na dala niya ay ipinatong niya sa center table na nasa harapan niya. Ako lang mag-isa ang narito sa bahay dahil may trabaho si Daddy. "O pasalubong ko sayo. Sweet ko, no? You're welcome, brother"

Naiinis na binato ko siya ng throw pillow sa mukha. Sapul. "Anong ginagawa mo dito?"

"Pasukan na bukas. Malamang kailangan na naming umuwi?" Patanong pa niyang sagot sa akin. Sa iisang school lang kami papasok dalawa dahil paladesisyon siya. Siya na mismo ang nagpasok ng mga papel ko doon na hindi ko alam kung paano niya nagawa. Nalaman ko na lang na mag-eexam na pala ako para sa entrance exam. Thankfully, nakapasa kaya ayun diretsong enroll na ako. Natuwa naman si Daddy dahil maganda din talaga ang reputasyon ng school na yun dito sa bayan namin.

"Wala kang kwenta. Bakit ka pa nagpakita sa akin?" Hindi ko pa rin talaga nakakalimutan na hindi man lang niya sinasagot ang tanong ko kahit isang beses.

"Ah walang kwenta? Kahit sabihin ko sayong dahil sa akin, magiging schoolmate na natin si Kayceelyn?" Nakangising sabi niya kaya awtomatikong napatingin ako sa kanya. Pinagalaw niya ang dalawang kilay at pinagpagpag ang balikat niya. "You don't need to thank me. Alam kong dakila ako"

Naiinis na binato ko ulit siya ng unan. Nang hindi ako nakuntento ay binato ko rin siya ng remote ng tv na mabilis naman niyang nailagan. "Umayos ka nga, Eliazar!"

Again, tinawanan lang niya ako. "Chill, brother. Sorry na dahil di ko sinasabi sayo kung saan siya nakatira. Alam ko namang magpipilit ka lang pumunta dun. Di mo kilala ang Nanay nun. Naku, para ka na ring humarap sa lion pag nakaharap mo yun tapos di ka pa niya nagustuhan" 

Hindi ako nagsalita at nanatili lang nakatingin sa kanya habang pilit na iniintindi ang sinasabi niya. Wala naman akong gagawing masama sa anak niya. Gusto ko lang alagaan bilang pasasalamat ko doon sa mabait na pulis. Bakit di niya ako magugustuhan?

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon