Chapter 33

75 5 0
                                        

Jerick Francis'

"Daddy, I miss Mommy" nakangusong sabi ni Kendrix habang nakadapa siya sa dibdib ko. Ganito ko talaga siyang patulugin dahil mas komportable siya sa ganito. Manang-mana sa pinagmanahan.

Naiiling na ginulo ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo. "Kaunting tulog na lang po uuwi na si Mommy. Sleep ka na. Para lumaki"

Narito kami ngayon sa rest house nina Jarred at Eunice dahil nagpabinyag ng anak ang kaibigan ko. Isinama ko si Kendrix dahil may conference ngayon si Kays sa Thailand.

"But I'm a big boy already, Daddy!"

"Not to me. You're still my baby"

"Riri is the baby. Daddy! I want a baby sister! Gusto ko yung kagaya ni Riri kasi cute siya!" Napangiwi na lang ako sa narinig ko sa anak ko. Gustuhin ko mang ibigay yun sa kanya ay parang malabo pa sa ngayon lalo na't mainit ang dugo sa'kin ng Mommy niya. "Please, Daddy! I want a baby sister po"

Pinalamlam pa niya ang mga mata kaya napabuntong hininga na lang ako at saka pinisil ang pisngi niya. "Soon, mahal. Sige na, matulog ka na. Good night po"

"Yey! Good night, Daddy. I love you"

"I love you too" hinalikan ko siya sa pisngi at tinapik-tapik siya para mas mabilis siyang makatulog.

Habang pinapatulog ko ang anak ko ay kinuha ko ang phone para magchat kay Kays pero as usual ay deadma na naman siya. Nagheart lang siya nung nagsend ako ng pictures ni Kendrix pero yung mga pangangamusta ko ay hindi niya pinansin.

Mahimbing na ang tulog ni Kendrix nang marahas na bumukas ang pinto. Mula doon ay pumasok sina Miguel at Lynard. Nanlaki ang mga mata ko ang makitang may hawak na baril si Ly. "The fuck? What's happening?"

"May mga grupo ng kalalakihan sa labas. Ibigay mo si Kendrix kay Miguel. Bilisan mo! Tumawag ka ng mga kasamahan mo!" Napakurap-kurap ako dahil ayaw magsink in sa akin ng sinabi niya pero nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril ay inatake ng kaba ang buong sistema ko.

Kaagad na tumalima si Miguel at binuhat si Kendrix na ngayon ay nagising na rin at kita ang takot sa mga mata niya.

"Daddy!" Napamura na lang ako nang marinig ko ang iyak niya. Mabilis na kinuha ko ang baril ko at lumapit kay Miguel para halikan si Kendrix. "Be brave, mahal ha. Sama ka muna kay Ninong Miguel. Don't cry. I love you"

Tinapik ko ang balikat ni Miguel. "Pare, utang na loob, ikaw na ang bahala sa anak ko"

"Aba syempre. Tangina ninyo! Mag-iingat kayo ha. Wag kayong mamamatay! Isusumbong ko kayo sa Mommy ko pag namatay kayo!" Kita rin ang takot sa mga mata ni Miguel kaya napailing na lang ako. Hindi naman kasi siya sanay sa ganito.

Nauna na akong lumabas ng kwarto para maging cover ni Miguel habang lumalabas sila ni Kendrix. Lihim akong napangiti nang hindi ko na naririnig ang mga iyak ni Kendrix. That's my brave little man.

Napaigtad ako nang may tumamang suntok mula sa likuran ko. Kaagad akong dumipensa kaya hindi ko nakita ang balang paparating at tumama ito sa balikat ko.

"Tanginang pulis 'to. Natamaan agad ng baril" rinig kong pang-aasar ni Ly habang humihingal. Maging siya ay may tama na rin sa braso.

"Bala, tanga! Hindi baril" pang-aasar ko pa kaya inirapan niya ako at pinakitaan ng gitnang daliri.

Sakto namang lumabas mula sa kabilang kwarto sina Jarred habang buhat nito ang anak niya. Kino-coveran sila ni Hans hanggang sa makalabas sila tuluyan sa likod bahay.

Hindi ako masyadong nag-aalala para sa anak ko dahil sigurado akong nakatawag na ng back up si Hans dahil sa dami ng mga tauhan ng Daddy niya. Isa pa, alam kong hindi siya papabayaan ng mga kaibigan ko.

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon