Kayceelyn Morraine's
"Kays! Bakit hindi ka na sumama sa amin kagabi?" agad na tanong sa akin ni Laizette nang makasabay ko siya sa pagpasok sa gate ng aming paaralan.
Tipid na nginitian ko siya "I'm sorry, sis. I slept early last night"
"Girl, halos isang buwan ka nang hindi sumasama sa amin. Ano, balik ka sa pagtulog ng 6 pm? Ano ka, elementary?" sarkastikong tanong niya pero nangingiting nagkibit balikat lang ako.
"Busy lang para sa finals" sagot ko na lang sa kanya. Nang madaanan namin ang room ko ay bumeso na ako sa kanya at nagpaalam.
Magaan ang pakiramdam na nagtungo ako sa upuan ko. Nitong mga nakaraang linggo ay ang gaan-gaan lang ng pakiramdam ko. Mula noong araw na naging okay kami ni Jerick ay parang wala na sa akin kahit na hindi ako masyadong pinapansin ng mommy ko. Wala lang sa akin kahit na paunti-unti akong lumalayo sa mga kaibigan ko dito sa St. Magdalene.
He made me promise him to stop going out every night just to party. He made me promise him to study hard and be good while we are waiting for the right time. He made me realize that my mom maybe did this because she just wants the best for me.
Now, I can say that he is indeed a good man because, even though my mom is being unfair to him, he still chose to be kind. He is barely an adult, but he is already mature enough to understand the situation. He never utters even a single bad word about my mom and that's what makes him more attractive to me.
Mabilis ang maging takbo ng oras sa maghapon. Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay nagmamadaling inayos ko ang mga gamit ko at patakbong lumabas ako ng classroom. Sabi kasi ni Kuya Bong kanina ay maaga niya akong susunduin ngayon dahil isasama daw siya nina Mommy sa Bataan mamayang gabi. May conference kasi si Tito Ignacio doon na kailangan nilang attendan. Mamayang gabi ang alis nila.
Nang makarating kami sa bahay ay dumeretso kaagad ako sa kwarto at kinalkal ang mga scrapbook supplies na binili ni Tito Ignacio noon para sa akin. Balak ko kasing gumawa ng album namin ni Jerick para may maireregalo ako sa kanya. Halos isang buwan ko na kasi siyang hindi nakikita. Masyado kasi siyang maingat na may makakita ulit sa amin na magkasama. Baka daw saktan ulit ako nina Mommy at Tito. Mas takot pa siya kaysa sa akin. Miss na miss ko na tuloy siya. Balak ko siyang dalawin mamaya pag nakaalis na sina Mommy.
Buti na lang at bago i-confiscate ni Mommy ang phone ko ay naitago ko kaagad ang memory card ko kaya hindi nawala ang mga pictures namin. Matapos kong maiprint ang mga pictures ay sinimulan ko na ang paggugupit gupit ng mga colored papers at iba pang mga pandesign.
Sobrang tutok ako sa ginagawa ko to the point na hindi na ako nakapagpalit ng damit at hindi ko na rin namalayan ang oras. Kung hindi pa ako kinatok ni yaya para kumain ay hindi ko maiisipang pansamantalang iwan ang ginagawa ko.
"Kakauwi mo lang?" kunot noong tanong ni mommy nang makitang naka-uniform pa ako. Hindi na kasi ako nakapagbihis nung kumatok si yaya dahil ayaw na ayaw ni mommy na pinaghihintay ang pagkain. Takot ko na lang na siya pa mismo ang sumundo sa akin sa kwarto.
"Hindi po. Hindi lang po ako nakapagbihis kaagad dahil ahm .. t-tinatapos ko po ang project kong kailangan nang ipasa bukas" palusot ko habang pasimpleng nakacross ang hintuturo at gitnang daliri ko.
Napabuntong hininga naman ako nung tumango siya na parang naniwala naman sa sinabi ko. Naupo na ako sa pwesto ko at nagsimula nang kumain. Bihis na bihis na sina Mommy at Tito. Siguro ay pagkatapos naming kumain sila aalis.
"Ceelyn?" tawag ni mommy sa atensyon ko kaya mapatuwid ako ng upo at mabilis na tumingin sa kanya.
Pasimpleng napalunok ako bago siya sinagot. "Y-yes, Mom?"
![](https://img.wattpad.com/cover/291316142-288-k695754.jpg)
BINABASA MO ANG
More Than Before
Fiksi UmumTwo broken souls, waiting to be fixed. Two lonely hearts, waiting to be loved. All her life, Kayceelyn thrives to be the best to gain the love and attention of her beloved mother. She grew up being a fine lady but a lonely one. Then, she met Jerick...