Chapter 5

64 6 0
                                    

Kayceelyn Morraine's 

"Kays .. are you avoiding me?" napahinto ako mula sa paglalakad sa hallway nang tawagin ako ni Jerick. Sandaling lumabas lang kasi ako ng room ni Andrea dahil kailangan kong mag-CR. Naliligo naman si Hans sa CR ng kwarto kaya hindi ko yun magagamit. Narito kami sa ospital ngayon para dalawin si Andrea na natagpuan ni Jerick na nawalan ng malay kahapon sa kalye. Everyone was so worried to the point na hindi talaga pumasok sa klase ngayon sina Ly, Miguel, Hans at Jerick para lang mabantayan siya. Ako naman ay ngayong hapon lang pagkatapos ng klase nakapunta at sumabay pa ako kay Jarred paparito. 

Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti bago siya harapin. Malamlam ang mga mata niya at malalim din ang eyebags. Marahil ay hindi rin sila nakatulog dito kagabi dahil nagkulitan na naman sila ng barkada. "Of course not. B-bakit mo naman nasabi yun?" 

Nakapamulsang naglakad siya papalapit sa akin habang matiim na nakatingin sa mga mata ko na parang pinag-aaralan ang ekspresyon ng mukha ko. "Galing ako sa inyo kahapon .. bago ko makita si Andeng. Tawag ako nang tawag sayo pero naka-off ang phone mo. Nakatingin ako sa bintana ng kwarto mo sa pag-aasang sisilip ka pero hindi nangyari. What happened?" 

Pilit kong pinanatili ang ngiti sa mga labi ko kahit na sa mga oras na ito ay gustong-gusto kong umalis at umiwas. Tandang-tanda ko pa kasi yung yakap nila sa isa't-isa ng Daddy niya. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila nila sa isa't-isa. 

Gusto ko, habang maaga pa ay dumistansya na ako. Kung aalis siya at maiiwan na naman ako, kailangan ko na ulit masanay nang mag-isa .. para pag dumating ang araw na iyon, hindi na ako masyadong masasaktan pa. 

"Bakit laging naka-off ang phone mo?" 

"N-naiwan ko kasi sa bahay .. saka lowbat yun, nakalimutan kong magcharge kagabi. Sorry" nagbago naman ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Masuyong ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko kaya nakagat ko ang ibabang labi ko at napaiwas ng tingin. 

"You don't have to say sorry. I understand. Kumain ka na ba?" ang lambing lambing ng boses niya kaya parang lahat ng depensa ko sa katawan ay tuluyang natunaw na. Isang araw ko lang siyang hindi nakakausap pero miss na miss ko na siya. Is that even possible? Paano pag umalis na siya? Kakayanin ko ba? 

Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko at masuyo akong hinila hanggang sa makarating kami sa elevator. "Where are we going?" 

Humarap siya sakin at ngumiti. "Sa rooftop" 

Napatango na lang ako. Ilang beses na akong nakatambay sa lugar na yun dahil kay Ly. Maganda dun .. tanaw na tanaw ang mga nasa ibaba at sobrang hangin pa. May mga benches at tables talagang naroon na ang alam ko ay nirequest pa talaga ni Ly sa parents niya para pag trip niya ay makakatambay siya dito. Spoiled talaga. 

Nang makarating kami sa taas ay iginiya niya ako sa isang bench na naroon at pinaupo. Hindi naman nagtagal ay tumabi siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at isinaklop sa kanya bago dinadala sa may labi niya para kintalan ng halik. Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "K-kailan ang alis mo?" 

Kunot noong hinarap naman niya ako. "I am not going anywhere" 

"B-but your Dad .. diba sinusundo ka na niya? Isasama ka na niya sa Dubai? .. I-iiwan mo na ako" pahina nang pahina ang boses ko. Nararamdaman kong malapit na namang tumulo ang luha ko pero pinipilit kong pigilan iyon. 

Tipid na nginitian niya ako at pinisil ang pisngi ko "Who told you I would leave you? Sa tingin mo ba makakaya ko yun?" 

"P-pero -- " 

"Hindi ako sasama kay Daddy. Hindi ako sasama sa kanya dahil ayaw ko at wala siyang magagawa dun" walang kakurap-kurap na sabi niya. 

"Why? di'ba nalulungkot ka kasi iniwan ka nila? Ito na yun o! Binalikan ka na niya! Hindi ka na mag-iisa ngayon" 

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon