Chapter 10

96 5 0
                                        

Jerick Francis'
Part 1

"Where do you think you are going, Ericka?! Kinakausap pa kita! Saan ka na naman nanggaling kagabi?!" Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ko ang dumadagundong boses ni Daddy pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ko. Hindi ko alam na nakauwi na pala siya mula sa isang buwang pagtatrabaho sa ibang lugar. He's an engineer at mas gusto niyang kung nasaan ang project niya, doon siya mamamalagi para daw matutukan niya ang trabaho.

"Oh shut up, Jerson! Hindi kita pinapakialaman kaya wala ka ring karapatang pakialaman ang buhay ko!" Rinig kong sagot naman ni Mommy. Naupo ako sa pinakatuktok ng hagdan habang nakikinig sa kanila. Sanay na ako sa ganito. Ganito palagi ang eksena nila sa tuwing magkasama sila. Simula nang magkamalay ako, bihirang bihira ko lang silang nakitang nag-usap ng mahinahon. Para bang palagi nilang itinuturing na kaaway ang isa't-isa.

"Wala akong pakialam kung anong gusto mong gawin sa buhay mo! Ang akin lang, bakit mo iniwang mag-isa yung bata kagabi! Para ano? Sumama sa mga kaibigan mo?! Paano kung napahamak yun habang wala ka?!"

Pagak na natawa si Mommy. "Pag ikaw ang umaalis, wala kang naririnig sa akin kahit isang salita. Pag ako, kung ano-ano na ang sinasabi mo?! Hindi ko iniwan mag-isa yung bata! Nandiyan si yaya Lolit at bago ako umalis, siniguro ko munang okay siya, na tulog siya! Kung makapagsalita ka, parang napakabuti mong ama ah!"

"Ericka, anim na taon lang yung bata! Iniwan mong mag-isa kasama ng kasambahay na may edad na. Nag-iisip ka ba?!"

Hindi na ako nakatiis pa. Tumayo ako at bumaba na ng hagdan. Sinisiguro kong bawat hakbang ko pababa ay maririnig nila para ipaalam sa kanila na narito ako. Anak nila .. na nasasaktan sa tuwing nag-aaway sila.

Gaya ng inaasahan ay natahimik silang pareho nang makita ako. Tumikhim si Mommy at pilit na ngumiti sa akin. "Good morning, baby. Anong gusto mong breakfast?"

Hindi ako nagsalita. Ngumiti din si Daddy at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko at saka ako kinarga. "I missed you, son. Gusto mo bang mamasyal sa mall? May bagong toys ka bang gustong bilhin?"

Parehong malambing ang boses nila habang kausap ako. Malayong malayo sa kaninang mababagsik na tinig habang sila ang magkausap kanina.

"Love, di'ba gusto mong pumunta sa amusement park? Gusto mo bang pumunta tayo doon ngayon?" Singit naman ni Mommy habang inaayos ang buhok ko. Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Can we go there as a family? You, me .. and daddy?" Sumisigok-sigok na sabi ko kay Mommy. Naluluhang sinapo naman niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo.

"Anything you want, love" at dahil doon, hindi ko na napigilan pang mapaiyak nang tuluyan at yumakap sa leeg ni Daddy.

Noong araw na yun, pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang bata sa buong mundo. We spent the day as a family. Sama-samang kumain, sumakay sa rides at nilibot ang buong amusement park habang nakahawak sila pareho sa magkabilang kamay ko.

--

"This is my Itay and this beautiful woman beside him is my Inay! They are the best doctors in town!" Nagpalakpakan ang mga kaklase ko matapos ipakilala ni Lynard ang mga magulang niya sa pamamagitan ng isang larawan. Parang ang saya-saya niya habang ipinapakita sa buong klase ang mga larawan niya kasama ang mga magulang niya. Iyon kasi ang assignment namin ngayon araw.

Family Picture.

Na bagay na hinding-hindi ko magagawang dalhin dahil kahit isa ay wala kami nun. I have pictures together with my mom .. I have pictures together with my dad .. pero yung kaming tatlo, wala talaga akong makita kahit isa.

More Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon