Sa Pula, Sa Puti

1 0 0
                                    

“Oy pare, taya ko ang pagkatalo sa pula,” turan ni Kardo sa kaibigan.

“Ha! Tataya ako sa puti. Panalo ‘yan, p’re, segurado,” mayabang na tugon ni Anito kay Kardo.

Ilang minutong pag-aawayan ng mga sabong ni Mang Josefino, nadismaya ang dalawa sa naging resulta. Napangisi na lang si Mang Josefino dahil nasa kanya ang lahat ng perang itinaya Nina Kardo at Anito.

“Bakit talo tayong dalawa?” nagtatakang si Anito.

“Nanalo kasi ang pula!” galit na pakli ni Kardo.

Puno ng pagsisihan ang dalawa at nang makauwi sa bahay ay pinagalitan ng mga asawa dahil wala silang dalang pera.

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon