Looking Afar

20 1 0
                                    

Genre: Romance

She was very near yet I was looking afar. If I ever approach her and have the courage, would I be looking her nearer than far million miles?

Mula no'ng nakita ko sya at narinig ang kanyang malamyos na tinig, palagi ko na s'yang inaabangan. Kumbaga, na-love at first sight ako sa kanya, at na-love at first hear. Corny, 'di ba? Wala, eh, natamaan kase.

Alam n'yo bang magandang maganda s'ya? Kung hindi n'yo pa alam, hayaan n'yo nalang akong magsabi sa inyo kase 'yan ang katutuhanan.

Sa totoo lang, kapit-apartment nga kami, eh. Sa tingin ko pa ay magkasing edad lang kami. Pero alam n'yo bang matanda s'ya? Oo, alam kung redundant na ako. Pero hindi ko napigilan sarili ko, eh.  Ki liit liit na babae, seventeen na pala. Ahahhaha, grabe lang talaga. Napabihag n'ya ako sa kanyang ganda't tinig. Kung pwede lang talaga s'yang kidnapin at dalhin sa aming apartment, noon ko pa iyon ginawa, eh. Hays. Kung pwede lang talaga. Pero kase, napakadistant n'ya sa mga tao. Kumbaga, loner, aloof, introvert. Pero wala eh, natamaan talaga ako kay kupido. I mean, natamaan ako sa kanya.

Alam n'yo ba na kapag naglalakad ako papasok sa apartment ay nakikita ko s'ya nakaupo sa higaan, palagi naman, eh. Nanunood s'ya ng palabas na, ano 'yon? Pambata na movie. Ahahahha, kyut kyut n'ya.

Nagdaan ang ilang linggo at napapansin ko na ding hindi s'ya lumalabas sa kwarto nila. Hindi ko na din napapansing pumapasok s'ya sa school. Hindi ko na din s'ya matututukan. Malungkot na tuloy ang buong araw ko.

“Broken ka, Brad?” tanong ng kabarkada ko.

“Sabihin mong broke! Talagang broke 'yan,” natatawang saad naman ng isa.

“Wala eh, wala na s'ya,” saad kong nanlulumo.

“What? broken ka talaga, himala, akala ko pa na wala ka talagang pera,”

“Ulol! Broken hindi broke!”

“Seriously, man? You fall for an older one? Like, haha! Impossible,”

“Wag ka ngang mag-english, Hilaw!”

Doon ko lang nalaman na wala na s'ya sa apartment kase umuwi na sa kanilang probinsya. “Hindi ko tuloy napagtapat ang aking damdamin. Sayang!” Huli na ang lahat.

-Inspired by Bokura Wa Minna Kawaisou

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon