Hold-up

18 1 0
                                    

Genre: Ewan, iiwan ka n'ya.
Language: Filipino ka ba? Sige na, 'wag ka ng sumagot. Kapag naiintindihan mo, may sagot na. Tama?

"Hold-up ito!"

Napatingin s'ya sa sumigaw na lalaki. Nanlamig s'ya sa isang patalim na nakatutok sa kanyang leeg. Napansin din n'yang ang mga bisig nito ay nakapalibot sa kanyang katawan.

"Pfft, hindi 'yan hold-up, manong, kundi hostaging," patawang pagsuhisyon nito sa matandang lalaki.

"Ahh, gano'n ba? Pa'no ba ang hold-up?" sumang-ayon at napatanong naman ang matanda na parang ngayon n'ya palang ito nagawa.

"Ibigay mo nga kamay mo." Binigay naman ng matandang lalaki ang mga kamay na makikitang mula sa matindihang trabaho. Hindi na kase masyadong masabi kung kamay pa ba ito ng tao kase wala ng fingerprints. "Ganito oh, ganito." Hinila ng binatang lalaki ang kamay ng matanda at nilagay sa maayos na puwesto.

Ngayon, nasa harapan na ang lalaking gumagawa ng karumaldumal na kremin. Nakatutok na ang patalim sa leeg ng inosenting lalaki mula sa harap at hindi na ito mula sa likod.

"Ahahaha, pasensya na, iho. Ngayon ko palang kase ito gagawin, eh," pag-amin ng matanda na parang nahihiya dahil pakalutkalot sa ulo nito gamit ang malayang kamay.

"Ahh, gano'n po ba?" inosenting tanong ng lalaki. Napatingin ito sa likod ng matanda at nakaisip ng paraan upang makawala sa kamay ng isang kreminal. May napansin din s'ya kaya napangiti s'ya sa kanyang looban.

"Oo, haha," tumatawa pa din ang matanda.

"Wait nga lang po, manong," nagsalita ang lalaki habang nakatingin pa din sa likot nito. Itinabig pababa ng binata ang dalang patalim na ikinatingin nito. "May naisip ako na magandang plano," bulong ng binata habang hindi pa din pinuputol ang paningin sa tinititigan.

"Ano 'yon?" tanong ng matanda at napatingin sa kanyang likuran.

"'Wag mong sabihin, may gusto ka d'yan?" tanong ng matanda sa lalaki habang nakatingin sa kanyang likuran.

"Psst! Psst! Miss, miss." Napatingin ang babaing kanyang tinawag.

Literal na naghugis puso ang mata ng babae nang masilayan ang binata. Kaibig-ibig talaga ang ganda nitong lalaki.

"Ano 'yun, handsome?" tanong naman ng babae sa malanding boses.

"Hehe, secret. Close mo muna ang eyes." Isinara naman ng babae ang kanyang mata.

May binulong ang binata sa matandang lalaki na sinang-ayunan naman iyon.

"Okay, you may open your eyes now," pag-uutos nito sa babae bago tumalikod.

"Sige, manong, ang swerte ay nasa iyo. Paalam!" sumaludo ang lalaki bago lumakad palayo.

"Paalam!"

"Eh?" Hindi maka-react ng maayos ang babae bagkus nakita n'ya ang isang patalim nakatutok sa kanyang leeg. Nanlamig at nagulantang ang lahat ng laman sa kanyang katawan.

"Give me your love!" seryusong saad nito na parang kakain na ng tao.

"Eh?! Eh?!" Tangkang taka ang babae sa narinig at napatingin kung saan ang binatang lalaki nakatayo kanina. Sa pagkadismaya nang makitang wala na ang lalaki ay lumapit s'ya sa matanda at hinalikan ito sa labi.

"Ma-may asawa ako!" pag-amin nitong kinakabahan.

"Hoy Mario! Ano na naman 'yang ginagawa mo? May iba ka na naman, ha?" May babaing nagsisigaw sa daan na May dalang mataas na patalim.

"Patay!" Nawalan ng pag-asang makakuha ang lalaki ng pera ay tumakbo nalang upang hindi s'ya mapatay ng asawa.

"T-t-that's Auntie! I'm done for." Hopeless na lumapit ang dalagang babae sa kanyang tiya.

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon