Surreptitious

61 1 0
                                    

Genre: Fanfiction
Language: Taglish

Sampong taon na ang nakakalipas at maganda na ang aking buhay sa panaderya. Kung hindi nga lang dahil sa pagtulong ni Princess Sarah, hindi ako mabubuhay hanggang ngayon. Hay, kumusta na kaya ang noo'y munting prinsesa na ngayo'y dalaga na? Nakakalukot tuloy dahil hindi na s'ya nakapasyal dito mula noong isang taon. Nga pala, nakilala ko din si Becky. Kaibigan n'ya daw sa dormitoryo noon. Kinupkop nalang n'ya kase wala na itong pamilya.

"Anak, ano ka ba? Nakatunganga? May mamimili na, asikasuhin mo!" sigaw ni Mama na nakasilip sa kurtina mula sa loob.

Nga din pala, mag-ina na ang turingan namin sa isa't isa ng may-ari ng panaderya na ito. Matapos kaming mabigyan ng pera mula sa bulsa nila Princess Sarah, lumago ang panaderya kung kaya'y nangangailangan si Mama noon ng anak na magmamana ng kanyang mumunting negosyo. Wala naman s'yang asawa, anak o malapit na kamag-anak kaya napunta sakin ang mumunting mana.

"Nako anak. Nakatunganga ka talaga. Ayan oh, may bibili," malambing na sabi ni Mama na may pa turu-turo pa sa taong nakatayo sa labas na nakasuot ng pormal na damit at nakatitig sakin.

Hala, kailan pa nakalabas si Mama mula sa loob? At bakit ako tinititigan ng lalaking 'yon?

Sa tingin ko sa damit na kanyang suot ay mula s'ya sa ibang bansa at mayaman pa! At sa tingin ko din, hindi kami magkakaintindihan ng lalaki kapag magsasalita ako gamit ang wikang ginagamit sa lugar kung saan ako ngayon. Mabuti naman at may pinag-aralan naman ako sa wikang Ingles kaya ay wala akong ikababahala.

Binuksan ng lalaki ang pinto na hindi pa din binabasag ang pagtitig sa'kin.
"Welcom-" natigilan ang aking Inay ng magsalita ang lalaki.

"Miss Louisa!"

"Huh!?" sabay kaming natigilan ni Mama.

Hala, baka nawala na sa sarili ang lalaki?

"Louisa, who?" takang tanong namin ni Mama.

Sino naman kaya ang sinasabi n'yang Louisa?

Ang sumunod na ginawa ng lalaki ay lumakad s'ya papalapit at yumuko na parang nagbibigay galang. Hindi naman ako matanda sa kanya upang sya'y yumuko para sa akin, eh. Parang nasa limampong taong gulang na nga s'ya, eh.

Kasabay ng kanyang pagyuko ay ang mga salitang hindi ko makakalimutan kailanman. "I'm sorry, Miss Louisa!"

Mula no'ng nalaman ko ang katutuhanan kung bakit ako napadpad sa panaderya, nadudurog ang puso ko kapag iniisip kong lalayuan na si Mama. Mula no'ng sinabi lahat lahat ng lalaki ang mga impormasyon, 'yong panahon ding 'yon ang paglisan ko sa mumunting bayan kung saan ako lumaki't nabihisan.

Ayaw kong mawala sa paningin ko ang mga taong nagbigay sa'kin ng pag-asang mabuhay sa mundo, nagbigay ng pagmamahal, nagbigay ng lahat ng aking pangangailangan sa pang-araw-araw. Ayaw kong mawala lalong lalo na, una si Princess Sarah na nagbigay ng apat na pandesal mula sa kanyang mga kamay at nagbigay din s'ya noong mga sampong taon na ang nakalipas ng milyong pera para sa layuning bibigyan ang mga taong gutom na walang bahay ng pandesal mula sa panaderya. Pangalawa naman si Mama na nagkupkop sa akin, nag-alaga't nagbihis sa nakakayamot kong hitsura. Pangatlo at huli sa lahat ay ang aking kasintahan. S'ya ang nagpapalakas ng aking loob kung hindi ko na kaya ang pagpapahirap ng paaralan. Mahina kase ako sa usaping pag-aaral kaya'y s'ya ang nagbibigay lakas sa napakahina kong utak. Itong tatlong taong ito ang humubog sa aking katauhan. Hindi ko sila kayang basta nalang iwan.

Nakalipas ang mga dalawang oras na pag-iimpake, natapos na din sa wakas.

Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay napatingin ako kay mama at sinabing, "Ma, paalam. Mag-iingat ka palagi. Sana may ibang taong nararapat na magmana sa iyong mumunting panaderya." Lumapit ako sa kanya't hinagkan s'ya ng napakahigpit.

Kasama ko si Mama at ang lalaking ngayon ko pa nakilala na kilala ko pala noon pa na pupunta sa bahay ng aking kasintahan.

No'ng nakita ko na s'ya ay walang dalawa-dalawang isip na tumakbo ako't hinagkan s'ya.

"Anyare sayo? Bakit ayos na ayos ka? May date ka ba, ha?" biglaang tanong n'ya matapos ang aming yakapan.

"Wala ng panahon para magpaliwanag pa ako. Si Mama nalang ang magpapaliwanag na imbis ako. Ito lang masasabi ko, break na tayo. Humanap ka na ng nararapat at nababagay para sayo!" madalian kong sabi.

"Per--hmm," pinigilan ko ang balak n'yang pagprotista gamit ang halik.

Napatingin ako kay Mama at binalik kay Joel ang aking tingin at pakalmang sinabi, "Ngayon ko pa ito sasabihin at panghuli na din, mahal ko kayong tatlo ni Princess Sarah."

"Let's go!" hinawakan ng lalaki ang aking kamay at hinila ako papasok sa mamahaling sasakyan.

"Please give my farewells for Princess Sarah!" pahabol kong sigaw bago tuluyang pumasok ng sasakyan.

Nawa ay mapatawad ako ni Princess Sarah dahil sa paglisan ko sa panaderya na walang paalam at pahintulot mula sa kanya. Okey naman lang siguro para sa kanya, eh. Sa tingin ko, okey lang sa kanya itong aking ginawa.

"We're two minutes late."

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Katabi ko s'ya kung kaya'y naamoy ko ang kanyang pabango. Pero ang pag-aamoy na aking ginawa ay naging dahilan ng pagsiksik ng isang amoy na hindi kanais-nais sa aking ilong.

Pinasawalang bahala ko na lang ang natuklasan at sumakay sa eroplano na ngayon ko pa naranasan.

Ilang oras lang ang nakalipas pero hindi ko akalaing nakatayo na ako sa mansyon ng totoo kong pamilya.

Maraming iba't ibang senaryo ang nakita ko sa aking isipan habang nagbibiyahe kami. Ang mga senaryo na mangyayari sa buhay ko dito sa mansyon.

Binuksan ng lalaking kasama-kasama ko ang pinto at nakita ko ang mga magagandang kumikinang na aranya sa iba't ibang panig ng kisame. Napakaganda ng lugar. Hindi ko akalaing pamilya ko sila kase ang yayaman nila kesa sa isang pulubing si ako.

Tahimik ang lugar at walang katao-tao pwera na lang sa aming dalawa.

Narating namin ang dulo ng pasilyo at pinakatagong lugar.

Baka kwarto ko na ito? Hmm, pwede naman kahit saang parte ng mansyon doon nalang ako mamamalagi.

Biglang binuksan ng lalaki ang pinto at nakita ko ang nasa loob no'n na hindi ko maipaliwanag kung ano.

Ang kaninang masayang senaryo ay napalitan ng gising na bangungot!

Ang buong akala ko pa naman na maaga ang sorpresa nila para sa kaarawan ko bukas. Hindi ko naman talaga alam kung kailan ang kaarawan ko, pero sinabi na ng lalaki na bukas na bukas kaya ay inisip kong susorpresahan nila ako ngayon.

Nakita ko ang magpamilyang nakasuot ng itim na punit na mga damit, mapupulang mga mata, dumudugong mga bibig, nakakatakot na mukha, may hawak na kutsilyo at higit sa lahat may batang babaing nakahigang pinapalibutan nila.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" napasigaw ako sa kaba't takot.

Napatingin ako sa likod ko kung saan ang lalaking kasama ko kanina para sana tumakas.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!" napasigaw na lang din ako dahil nag-iba na ito ng anyo.

Lessons Must Be Learned:
•Wag n'yong abusuhin ang tulong na binibigay ng nagbigay sa'yo. Baka kase kapag nangangailangan ka na talaga, hindi ka na nila mapagbibigyan nang isa pang pagkakataon kapag sila na ay punung-puno na sa'yo.
•Wag magtitiwala sa kung sinu-sino lalo pa sa mga taong bigla nalang nagpapakita kase hindi natin alam kung ano ang kanilang balak para sa atin.

-Inspired by Princess Sarah

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon