His Unusual Act

6 0 0
                                    

Napagkasunduan ng barkada na samahan si Marco sa tunggalian ng pag-awit na sinalihan niya. Hindi ko naman close si Marco pero napasali na lang ako sa barkada niya. Dalawa lang kaming babae sa tropa at tatlo naman ang mga lalaki na kasali na doon si Marco.

Nagpatiuna sa paglalakad sa aming lima si Marco, kasunod niya si Milani tapos ako, at panghuli ay ‘yung dalawang lalaki na kabarkada namin. Nasa gitna kaming babae dahil sa mga katarungan ng tropa naming lalaki na dilikado kung nasa gilid kami. Alam ko namang prinoprotiktahan nila kami, ngunit lubos naman na higpit iyon. Pero okay lang naman, okay lang sa akin ang ginagawa nila. Ang kabutihan at kapakanan namin ni Milani ang nakasalalay. 

Nang marating namin ang lugar, napansin kong nagsisiksikan na ang nga tao at nag-uunahan sa pagkuha ng upuang mauupuan. Kahit naglalakad ay pawang prinoprotektahan pa rin kami nitong mga tropa namin. Nasa gitna pa rin kaming dalawa ni Milani at mistulang mga bodyguards ang tatlo para maprotektahan lang kaming dalawa sa mga naggigitgitang tao. Ang gentleman nila, ano?

Ngunit napansin kong ang ibang parte sa lugar kung saan idadaraos ang paligsahan ay maluwag at may mahigit sampung upuan na hindi pa nauokupa.

“Bakit ba tayo nandito? Marami pa roon, oh!” sabi ko bigla at itinuro ang mga upuan.

“Oo nga, ‘no,” tugon ni Marco nang makita ang itinuro ko. “Guys, tara!” pagyaya pa niya sa tropa.

Tinungo naming lahat ang nasabing mga upuan ngunit tumakbo pa rin kami ayon sa kanilang tatlong patakaran kung saan ay nasa gitna pa rin kaming mga babae. Sabi ko sa inyo, overprotective sila. Ang o-OA.

Ito pa, kanina ko pang napapansin ang odd na paggalaw ni Marco. Kinakabahan ba siya? Ito kase siya bigla-biglang mag-o-offer ng kamay. Ako naman hindi makatanggap, unusual kaya tapos hindi nga kami close. Hindi ako FC, ‘no ba kayo?

Umupo ako sa isang bakanteng upuan at katabi ko naman si Milani tapos si Marco, sa kabilang dako naman ang dalawa pa. Nasa gitna namin ni Marco si Milani dahil ang bata pa niya. Para ngang kababatang kapatid ko na siya. I feel so protective when it comes to her.

Napatingin naman ako kay Marco nang mapansin ko na naman ang kamay niyang naka-offer. What’s with him?

“Marco, ano ‘yan?” tanong ni Milani sa katabi. Ho, akala ko sa akin, ang assumera ko talaga. Tumingin na lang ako pabalik sa stage kahit hindi pa nagsisimula. Ang ingay na ng paligid ngunit maririnig pa rin ang usapan ng mga taong malapit kagaya nalang nila Marco at Milani. Nakikita ko rin sila gamit ang peripheral vision ko.

“Pwedeng pahawak ng kamay?” tanong ni Marco.

“Ha? Bakit naman?” tanong pabalik ni Milani na nagtataka.

“Ang lamig ng kamay ko, pahawak, please,” nagsusumamong pahayag nito.

“Ahh, oo,” sagot ni Milani at ibinigay kay Marco ang kamay.

“Ang lamig din ng kamay mo, eh,” sabi ni Marco kay Milani at napatingin sa akin. “Pia, mainit ba kamay mo?”

Napatingin ako sa gawi nila nang tawagin ako. “Medyo,” sagot ko kay Marco.

“Pahiram ako,” sabi niya sa akin at ini-stretch out pa ang kaliwang braso upang kunin ang kamay kong naka-hulk sa isa pa.

“Ahh!” Nabigla naman ako sa kanya kaya ay parang naitulak ko si Marco pero si Milani ang natulak ko.

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Marco at hinawakan ang kaliwang balikat ni Milani upang makaupo siya ng maayos. “Okay ka lang ba, Milani?” Wala kasing backrest ang upuan na inuupuan namin ngayon. Kaya kunting tulak lang ay matutumba ka talaga.

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon