Change Of One's Life

16 1 0
                                    

Genre: Action
Language: Taglish

Nasa isang sulok nakaupo ang magandang babae sa kanilang silid-aralan. Bagong mag-aaral ang babaing ito sa paaralan na iyon. Wala mang kaibigan o kakilala, may biglang lumapit sa kanya at nagpakilala. Isa itong lalaki, at mula sa kanyang postura ay masasabi nating isa itong nerd. Ngumiti ang lalaki sa kanya, kaya ngumiti na lamang s'ya ng pilit. Nalaman n'yang isa ding transferee student ang nagpakilalang lalaki dahil sa grabing daldal nito.

Ilang sandali pa'y nagring ang bell at pumasok ang kanilang guro. Kung titingnan ang kanilang guro, para itong walang buhay dahil pocker face pa ang ipinakita sa buong klase. Nagpakilala ang guro na wala pa ding kabuhay-buhay ang boses nito. Nagsimula na ding magpakilala ang kanilang mga kaklase na pawang mga dating mag-aaral sa paaralan. Nagpakilala na din s'ya at laking tuwa n'ya nang makitang mga mababait ang mga kaklase.

Natapos ang kanilang araw ng tawanan at hiyawan. Marami ding mga lalaking curious sa kanya at nagtanong pa ng kanyang numero.

Naglalakad ang babaing si Bygone papunta sa sakayan ng jeep ay may bigla s'yang napansing kahina-hinalang kaluskos. Napatingin s'ya sa isang iskinita at nakita ang bagong kaklase.

“Itigil n'yo 'yan!” sigaw n'yang parang nagtatanggol para sa isang basang sisiw.

Napatingin ang mga lalaki sa kanya at nginitian s'ya ng mapakla at tinuloy ang pambubugbog sa kanyang kaklase. Wala na s'yang ibang magagawa kundi gawin ang ayaw n'yang gawin. Kinuha ni Bygone ang isang pocket knife at tinawag ang mga kalalakihan. Tinutok n'ya ang dalang pocket knife sa isang kasamahan ng mga kalalakihan at may pagbabantang sinabi, “Sige, bugbugin n'yo pa ang lalaking 'yan at mapapangit ang mukha ng kasamahan n'yo! Sige! Anong gusto n'yo? Pili na!”

Hindi makikitaan ng takot o pangamba ang mga ito pero ang nakakabighaning mga ngiti naman ang pinakita sa kanya. Parang nagtampo s'ya sa hindi pamamansin sa kanya ng mga kalalakihan. Bising nagbubugbugan ang mga kalalakihan at ang lalaking kanyang tinutukan ng pocket knife ay nakatitig lang sa kanya na parang iniisip nito na nawala na s'ya sa sarili. Na iilang na ngumiti s'ya sa lalaking nakatitig sa kanya habang inaabot nito ang pinakamalapit na kahoy gamit ang paa. Nang makuha ang pinaghirapang makuha ay mabilis n'yang sinapak ang lalaking pinakamalapit sa kanya gamit ang nakuha. Dahil dito'y napatigil at napatingin sa kanya ang mga kalalakihan, tumingin din sa kanya ang lalaking binugbog.

“Anong ginawa mo kay Angelo?!” sigaw ng isang lalaki.

“Diba pinapili ko kayo pero hindi kayo nakinig at pinili ang nais n'yo? Kaya ayan, 'yang nakita n'yo ang paunang baitang lang 'yan ng lakas ko,” sarkastikong sinagot ni Bygone sa tanong ng isang lalaki sa kanya kahit nanginginig s'ya sa takot sa kanyang looban dahil ngayon n'ya lang itong nagawa sa tanang buhay n'ya. At natatakot din s'yang baka mapatay s'ya ng nasabing kalalakihan.

“Ikaw!” sigaw ng isa habang nakatitig sa kanya ng pamatay.

Hindi pinansin ni Bygone ang masamang titig ngunit itinago n'ya ang kanyang patalim dahil sa nakita sa 'di kalayuan.

“Tulonggg!” sigaw n'yang nanghihingi ng tulong na parang papatayin na s'ya ano mang oras ngayon.

Hindi maiwasang masuntok s'ya ng isang lalaki dahil sa lakas ng nakakabingi nitong boses.

“Itigil n'yo 'yan! Pulis ito!” Ang apat na nakatayong mga lalaki ay biglang nagsitakbuhan nang marinig ang pagsipol ng pulis. Nagsitakbuhan silang iniwan ang nakahilatang lalaki.

Tinanong s'ya ng isang pulis kung okay lang ba s'ya at ang iba namang mga kasamahan nito ay hinahabol ang patakas na mga kalalakihan. Ilang sandali pa'y nadakip ng mga pulis ang mga lalaki pero apat lang ang mga ito at nakatakas ang isa pa nilang kasama. Dinala ang mga lalaking ito sa prisinto kasama din ang babaing si Bygone at ang lalaking kaklase nito. Dinala sila sa prisinto para ipahayag kung anong nangyari.

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon