Because Of Me

51 2 0
                                    

Genre: Drama, Mystery, Romance
Language: Taglish

Habang naglalakad ako pauwi galing sa pinakaimportante kong lakad, may bigla na lang nasagi at naisip ang aking utak. Naalala ko ang napakagwapo n'yang mukha. Naalala ko kung paano s'ya kumanta. Idol ko s'ya, eh. Fan n'ya ako mula bata pa. Sa tingin ko nga crush ko s'ya ay hindi, mali, parang mahal ko na s'ya in a romantic way. Dahil sa angking talino, sipag, tiyaga, at kagwapuhan, nanalo s'ya sa isang patimpalak sa pagkanta sa telebisyon. Nagbunga ang sipag dahil s'ya ay sumikat ng sumikat. Isang araw habang papasok ako sa paaralan, nakita ko s'yang papalabas ng isang magarang sasakyan, kaya'y naglakad na lamang ako palayo at nagtago para pagmasdan s'ya sa malayo. No'ng narinig kong nagring ang bell, dali-dali akong pumasok sa silid-aralan na hindi iniisip kung anong mangyayare kapag may mababangga.  Kaya ayon nga, hindi ko namalayan na siya'y nabangga at s'yang ikinatumba ko na hindi n'ya man lang ako tinulungan, sabagay ako din naman may kasalanan. Pumasok ang aming guro at ito'y nagpapahiwatig na magsisimula na ang kalbaryo ng mga kabataang ayaw mag-aral.

Napatayo ako sa aking upuan ng narinig kong lumipat na s'ya sa aming paaralan upang mag-aral. Napakasaya ko no'n pero, may pero na hindi ko kayang baliwalain man lang. Naging kaklase ko s'ya pero hindi n'ya man lang ako pansin o titingnan kapag nagsasagot, o kapag kinakausap ko s'ya. Naging isnabero s'ya bagkus ako'y pangit at nerd kung kanilang tawagin. Nakikita ko s'ya tumatawa kasama ang mga kaklase ko. Bigla akong nagtaka kung bakit nakikipag-usap din s'ya sa aming mga kaklasing nerd kagaya ko. Nakikipagbiruan, nakikipaghalakhakan.  Ganon na ba ako ka pangit sa tingin n'ya? Pero alam kung galing s'ya sa mahirap na pamilya. Alam kong hindi s'ya ganong tao. Alam kong mabait s'ya. Kahit ganon s'ya kung mangtrato sa akin, hindi ako nawalan ng pag-asa at dahil din dito lumakas pa ang paghanga ko sa kanya. Kapag pumupunta ako sa concert n'ya, makikita mo ang napakatamis na ngiti sa kanyang mga labi. Nakakainlove pa ang boses n'ya, sa'n ka pa.

Napangiti na lang ako sa naisip, pero sa sandaling nasagi sa aking isipan kung paano nawala sa kanya ang pinaghirapan, ang kanina'y ngiti ngayo'y napalitan ng simangot.

Ang fandom na aking tinatag ay nawala dahil sa bigla n'yang paglisan sa intablado.

Naalala ko pa na bumili ako ng ticket no'n na para sa pinakamalapit sa intablado. Unang pagkakataon na bumili ako ng ticket na para malapit s'yang makita't matitigan. Nakasanayan ko kasing nasa pinakamalayo ako't hindi madaling makita. Pero ngayon, desperada na akong makita n'ya. Gustong gusto ko na talagang makita n'ya ako. Gusto kong ipaalala sakanya na magkaklase kami, na proud ako para sa mga pangarap n'ya.

Ayon na nagsimula ng tumugtog ang orchestra, naririnig ko na s'yang nagsisimulang kumanta, nagsisibukasan na ang mga ilaw sa intablado kung saan s'ya naroroon.

Humiyaw ang lahat at nakihiyaw din ako sa galak. Nakita ko na s'ya nang bumukas lahat ng ilaw. Para s'yang anghel kung pumorma't kumanta. Ayan na, ayan na, malapit na s'ya sa high notes ng kanta. May kutob akong makakaya n'ya itong maabot kase may tiwala ako sa kanyang kakayahan.

Dahil sa tuwang nadama, napasigaw na lang ako na hindi ko namalayang napakalakas na pala nito. “Kaklase ko 'yan!” sigaw ko.

Dahil malapit ako sa intablado, sigurado akong marinig n'ya ako.

Sa sandali ding 'yon ay tatamaan na sana n'ya sa pinakamataas na high notes ng kanta, pero napatingin s'ya sa gawi ko. Kaninang maamong mukha, nang makita ako ay bigla nalang naging demonyo at pulang pula pa na parang galit na galit. 

Napahinto s'ya sa pagkanta at masama akong tinitigan bago tumakbo papuntang likod ng intablado.

Tarantang napasigaw ang lahat kung bakit naging ganon ang idulo. Pinauwi ang lahat dahil nawalan daw ng boses ang aming idulo. Pero hindi ako naniniwala dahil kondisyong kondisyon s'ya no'ng sinimulan n'ya ang kanta. O, baka naman no'ng nakita n'ya ako ay hindi n'ya makayanan ang pangit ko?

Simula no'ng nangyari sa concert n'ya ay hindi na s'ya nagpakita sa paaralan ni anino man lang, walang nagpakita.

Grumaduate na kami't lahat lahat pero hindi parin s'ya nagpapakita. Hindi na s'ya nagcoconcert. Hindi na s'ya napapalabas sa telebisyon. Nawala na din ang kanyang YouTube channel. Denelete lahat ng tungkol sa kanya sa internet.

Dahil sa lahat ng nangyari, nagpasya akong bisitahin s'ya sa bayan kung saan s'ya galing. Isa akong die hard fan kung kaya't alam ko kung saan s'ya ng galing. Nang makita ko na ang bahay nila, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at kumatok. Ang bumukas ng pinto ay masasabi kong kanyang ina. Nagulat ang babae nang makita ako. Binuksan n'ya ang pinto at ako'y inasikaso. Nagtanong agad s'ya ng anong aking maiinom pero hindi ko sinabi bagkus hindi maiinom ang sadya ko, kundi ang tungkol sa anak n'ya. Bago pa s'ya makalakad palayo para ako'y iwasan, nagtanong agad ako tungkol sa nangyari sa nakaraan. Sinabi n'ya na nasa ibang bayan nagtratrabaho ang anak. Alam ko namang hindi 'yon ang mga sagot sa aking katanungan, kaya't tinanong ko s'yang muli at s'yang kinaupo n'ya sa sofa kung saan ako nakaupo. Sinabi n'ya lahat lahat. Sinabi n'ya kung bakit biglaan ang pagwalk out ng anak. Sinabi n'ya kung bakit hindi na ito pumapasok sa paaralan. Sinabi din n'ya kung bakit denelete lahat ng tungkol sa kanyang anak. Sinabi din n'ya ang mga impormasyong ito sa akin kase hindi na n'ya kayang itago, hindi na n'ya kayang ikubli ito sa akin. Sinabi pa n'ya na mabuti nalang sinabi ng anak baka ikamatay pa ng aking idol ang masaklap na katotohanan.

Dahil sa pagiging desperada ko na naman, nalaman ko ang pinakatinatagong sekreto ng aking idulo. Ang sekretong nakakapagpatay ng tao. Ang mga impormasyong aking nakalap ay parang dumurog sa aking buong pagkatao. Napapaiyak nalang ako kapag naaalala ko kung bakit kapag pinapakanta s'ya ng aming guro o mga kaklase ay nililihis n'ya ang tingin n'ya palayo sa akin. Kapag napapatingin s'ya sa akin ay bigla nalang s'yang gumagaralgal.

Hindi ko na kaya. Sana hindi n'ya nalang ako nakilala. Nagsisisi din ako kung bakit ko binili ang ticket na 'yon. Napapatanong nalang talaga ako, “Meron palang ganong tao, noh?”

May tanong ako. Ang tanong ko sa iyo na nagbabasa ngayon, Ano nga ba ang dahilan kung bakit nawala lahat ng pinaghirapan ng aking mahal?

-Inspired by Darren Espanto

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon