Treat or Me?

2 0 0
                                    

“Halloween na bukas,” bulalas bigla ni Marky.

“Eh, ano naman?” tanong kong ikinibit-balikat ko lang.

“Eh ‘di maghanda ka nang gagamitin mong costume!” masayang pahayag ni Betty.

“Ha? ‘Di ko kayo gets, alam niyo ‘yun?” Nakakapagtaka ang mga sinasabi nila. Anong meron kung halloween bukas, wala naman akong pakialam eh.  

“Alam namin!” natatawang pagsang-ayon ni Betty sa sinabi ko.

“Yun naman pala eh. Bakit sinasabi ang nonsense?” Wala akong mapapala sa kanila. Sila lang naman ang nagkakaintindihan.

“Alam mo, ang sungit-sungit mo. Iwan ko nga kung bakit napaibig mo si Clark sa katangian mong iyan,” saad ni Betty.

“Oo nga. Nakakapagtaka nga dahil hindi type ni Clark ang mga masusungit at palaging galit,” sang-ayon naman nitong si Marky.

“Masayahin kaya ako. Isa pa, cute ako!” Napairap tuloy ako sa hindi tamang oras.

“Wae? Hindi nga?” sulsul nang dalawa.

“Alam niyo? Pinagkakaisahan niyo talaga ako. Hali nga kayo nang makatikim kayo sa galit ko.” Napakunot naman ang noo ko ngayon. Parang may sakit akong highblood ah. Tumayo ako at akmang hahablutin ko ang mga pagmumukha nila ngunit alam na nila ang gagawin ko at napatayo na lamang at napatakbo.

“Bleh! Ehehehe!” Binilatan pa ang bida niyo.

“Mahuli ko lang kayo ay na, tumawag na kayo sa mga kakampi niyo!” pananakot ko pa.

“Hindi kami natatakot,” panunudyo nila.

“Itong magkasintahang ito, iwan ko na kung anong kalukuhan ang nakatago sa kanilang bulsa. Palagi nila akong iniinis…” monologo ko sa aking sarili at wala na akong gustong ihayag sa inyo ang mga salitang hindi niyo na pweding malaman pa.

***

“Bakit dito pa sa bahay nila Clark? Naman!”

Heto po mga kababayan at nakatayo ako sa tapat ng bahay ng mga Levin—kung saan si Clark nakatira. Nakasuot na ako ng costume na hindi ko alam kung costume nga ba o basura. Halloween night ngayon at hindi ko mawari kung nahihiya ako dahil ngayon ko pa lang ito gagawin o sadyang kinakabahan ako dahil sa katutuhana’y bahay nila Clark ang una kung puntirya. Sana pagbigyan nila ang aking hiling baka mapahiya pa ako sa harap ng pamilya ni Clark.

“Wag ka ngang mahiya. Legal naman kayo sa parents niya kaya okay lang na pumunta tayo dito,” pang-uudyuk sa akin ni Betty at sinapak pa ang likod ko. Walang hiyang babae. Ako ang masungit at sa bibig ang pagiging sadista, siya naman itong sadista sa gawa.

“Hindi ako nahihiya pero nag-away kase kami ni Clark. Baka galit pa rin ‘yun sa akin.” Nanlumo naman ako sa naalala ko kahapon sa hapon.

“Sus, kumatok ka na nga sa pintuan.” Pinawawalang-bahala ang pagda-drama ko po mga kaibigan. Tapos pinagtulakan pa ako. Kaibigan ko pa ba ito?

“Ba’t ako pa?” Hinarap ko si Betty with my oh-so famous glare.

“Girlfriend ka eh.”

Naglakad na lang ako patungo sa pinto ng bahay ng mga Levin. Ang hina kong makalakad dahil sa kapal ng costume ko. Feeling ko nga ay ang hirap nang huminga eh. Mabuti pa rin dahil nakakahinga pa naman din ako.

Nasa tapat na ako ng pinto mismo. Napabuntong-hininga naman ako. Bakit ako pa? Pweding iba na lang?

Kumatok na lang ako dahil wala na akong choice. Do I have a choice? Yes, lady’s choice.

May bumukas ng pinto at tumambad doon ang gulat na gulat na si Ikay. Napanganga pa nga siya eh. Pero kalauna’y natatawa na. “Oy, Ate Trixie, ikaw pala! Anong meron? Bakit ka naka-costume ng ganyan? Para kang witch na pulubi. Ahahahaha!”

Patay talaga kayong magkasintahan na kayo! Napahiya tuloy ako, sa harap pa ng kapatid ni Clark. Ahhhh! Imma gonna quit this act!

I rolled my eyes upward. “Treat or trick?” tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya nang pagkatamis-tamis. Pumasok siya sa bahay nila at ilang minuto pa’y may tinutulak na itong box na ‘yung lalagyan ng refrigerator na life size. “Oh, sa iyo na ‘yan!” sabi niya nang matulak na niya sa tapat ng pintuan.

Napakunot naman ang noo ko. “Ba’t ang laki?”

“Basta,” sabi niyang ngingiti-ngiti.

“Eh, hindi kasya sa dala kong plastic bag,” protesta ko pa. Opo, nga kaibigan, minamaliit talaga ang inyong bida dahil plastic bag ang dala. ‘Yung magkasintahan na iyon talaga, pinagkakaisahan ako. Kung alam ko lang na ganito pala ang plano nila ay hindi na ako pumunta sa bahay ni Betty kahapon sa gabi para magpasukat nang gagamiting costume para ngayon. Nagpauto na naman ako sa kanila.

“Sige na, Ate Trexie, buksan mo na,” ngiti pa niya sa akin.

Hindi na lang ako nagreklamo pa at binuksan ang box. Laking gulat ko nang tumambad sa harapan ko ang nakangiting si Clark. Napasinghap din ako dahil magkapareha kami nang suot. Ang kaibahan lang naman ay witch ako at warlock siya.

“Trick or Me?” tanong niya bigla. Napasimangot naman ako dahil hindi ko akalain na siya ang lumabas sa box. Ang layo niya sa expectation ko.

“Shempre treat! Treat kaya ang ipinunta ko dito,” pag-amin ko pa. Napasimangot naman siya.

“Trick or Me?” inulit pa niya. Ngingiti-ngiti na din pero parang naiiyak.

“Treat nga sabi, eh!” sigaw ko na.

“Okay,” sabi niya at lumabas sa box. May daan pala sa kabila. Hindi ko iyon pansin kanina. Mataas kase si Clark kaya ay nakikita s’ya dahil hanggang balikat lang niya ang box ng refrigerator noong binuksan ko kanina.

Nabigla na lang ako nang hagkan niya ako ng mahigpit. Tinapik ko siya ng tatlong beses para ipahiwatig na hindi ako makahinga. Kumalas siya sa yakap at sinabing, “Treat gusto mo, nandito na ako.”

“Ano? Pagkain ka ba?”

“Bahala na. Pakasalan mo na lang ako,” sabi niya at lumuhod sa harapan ko.

“Clark, anong ginagawa mo?” tanong kong hindi makapaniwala sa ginagawa niya. Nagpro-propose siya ngayon, hindi ba? Tama ako? Tama?

“Trick or me?” tanong na naman niya at naglabas ng box galing sa pocket ng kanyang costume na warlock.

“Hindi pa tayo bati!” Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Paano kung hindi tama ang nasa isip ko! Ehh!

“Treat or me?” tanong niya at binuksan ang box na maliit.

Napasinghap ako sa galak. “Me!” sagot kong napapaiyak.

“Sira! Dapat you!” sabi ni Clark sa akin habang nakaluhod pa rin sa harap ko.

“You na nga!” Tapos na iyak na po ako. Punas-ponas na po ako sa luha ngayon.

Tumayo si Clark kinuha ang nakalagay sa maliit na box, kinuha ang wrapper at isinubo ang laman nu’n.

“Ito lang naman pala eh. Pinahirapan mo pa ako. I love ko my Tricksey,” sabi niya at niyakap na naman ako.

Ubo-ubo naman ako dahil may candy sa bibig ko at nakayakap pa siya kaya nahirapan akong huminga. Bumitaw siya sa pagkakayakap at kinarga akong tuwang-tuwa.

Ngayon ko lang napansin na nandito pala ang pamilya ko, pamilya ni Clark, mga kaibigan ko, mga kaibigan ni Clark, sina Betty at Marky, at mga nakikiusyosong kapitbahay sa tabi-tabi na nakangiti. Napangiti naman ako. Ang saya. Engaged na ako. Ohuhu. Bye bye pagiging dalaga soon. May nakatali na eh, hirap nitong putulin.

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon