Hika!

96 1 0
                                    


Genre: Romance, Humor
Language: Taglish

“Ahem!” sinadya ang pag-ubo ng lalaki na palatandaan na sisimulan na n'ya ang talumpati.

“Mula pa lang sa sinapupunan ay tadhana na tayong magsama. Marami na tayong pinagdaanan mula pa no'ng bagong panganak pa lang tayo ay buhay ang nakasalalay. Naging childhood best of friends tayo. Naaalala ko pa no'ng umulan ng napakalakas at lamig na lamig ako, niyakap mo ako ng napakahigpit para hindi ako lamigin. No'ng naging dalaga't binata na tayo, bigla ka nalang lumayo. Masakit 'yon para sa akin na bigla ka nalang lumayo na parang bula. Pero kapag disyembre, dumadalaw ka naman pero hindi kagaya no'ng bata pa ako na ikaw ang aking kalaro kapag nagmumukmok ako. Mahiyain kase akong kabataan pa kahit gusto ko mang sumali ay hindi ko kaya, kaya minabuti mo nalang na manatili sa'king tabi. No'ng dumating na ang punto na humantong na tayo sa 20 years old, bigla ka nalang naglaho, hindi ka na sumasadya kapag disyembre, wala na akong kaibigan, nawala ka na lang. Kaya minabuti ko nalang na pumunta sa bar at nagpakalasing baka makita kita doon, baka makita kita sa aking imahinasyon. Doon na, inom na ako, ayon na, naramdaman nalang kita na nasa aking tabi yumayakap at pinapatigil ako sa aking ginagawa kase nahihirapan ka din. Bakit? Bakit ka nahihirapan? Sawa ka na ba sa akin? Hindi mo na ba ako mahal? Sa lahat ng ating pinagdaanan, iiwan mo nalang ako? Yan ang mga tanong ko bago ako mawalan ng malay. Nakaraan ang ilang buwan nagising ako sa hospital. Nakita kita doon na naghihintay at umiiyak. Napangiti na lamang ako no'ng nakita kita. Nagpalakas ako alang-alang sayo. Nagpagaling ako para makita't makasama ka sa panghabang buhay. Dahil nangako ka na hindi mo ako iiwan kaya nagpalakas ako noong nasa hospital pa ako, at ngayo'y nandito ka sa aking harapan, at tinupad ang aking kahilingan, ako naman ang tutupad ng iyong kahilingan. Sa hirap man at ginhawa, alam kong nasa tabi lang kita. Makakaya natin ito alang alang sa ating pagmamahalan, mamahalin mo ba ako mahabang buhay?” Natapos ang lalaking kinakasal sa kanyang talumpati na May kasamang luha ang mga mata pero galak at saya ang namamayani sa mukha.

“Yes, til death do as part, I love you so much!” ngiting ngiti na sagot ni Hika.

At ayon, hinika ang lalaki ng walang katapusan hanggang mamatay.

The end.

Hika's side story titled “Sipon at Ubo!”

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon