Ang Babaing Ikakasal

23 2 0
                                    

Genre: Horror
Language: Tagalog

Pumasok ang babaing ikakasal. Sa pagpasok palang, makikita mong sentro s'ya ng atensyon ng lahat. Nakasuot ng maitim na damit pangkasal na sya'y kinasindak ng karamihan. Ngumiti s'ya sa mga nakatingin sa kanya. Hindi kasiyahan ang makikita dito kundi ang mga itim na luha na tutumulo. Malungkot, malungkot ang babaing iyon. Maitim na maskara, maitim na mga mata, maitim na labi, ang ngiti pa'y nakakatakot na animo'y kakain na ng tao. Napukaw ang masiglang kapaligiran at napahinto ang malamyos na tugtugan ng orchestra. Ang mga nakatingin ay napalunok at ang iba naman ay makikitaan ng takot. Nanginig, lumakas ang pambubumba ng kanilang mga puso, ang iba'y hindi na tumitibok. Karamiha'y namumutla, ang iba naman ay makikitaan ng pangamba.

“Sino s'ya?” bulong ng madla.

“Hindi s'ya ang ikakasal! Hindi!” iyak naman ng kababaihan.

“Hindi maari,” pangamba ng kalalakihan.

Napupuno ng takot ang lahat sa pagpasok ng babaing maitim ang bilo. Naglakad ito sa gitna ng pasilyo. Pawang yapak lang nito ang maririnig sa buong lugar dahil sa katahimikan. Ang inaasahang magandang kasiyahan ay isang pantasya na lamang. Wala nang ibang magagawa ang lahat kundi tumingin at titigan ang babaing kay ganda.

Pero sa rami ng natakot sa ginawa nya, may namumukod-tanging tumatawa.

Naglakad ang tumatawa patungo sakanya at patawang sinabi, “Brad, ang galing mong mag-acting, ah. Natakot sila.” At pinagpatuloy nito ang pagtawa sa harap nya.

Natawa din ang babaing nakasuot ng damit pangkasal at sinabing, “Ito kasing si GF pinasuot ako nitong gown, at itim pa talaga!”

“Wag mo lang sabihin na under ka sa GF mo? Haha! Nag-artista ka pa kaya ginamit ng GF mo ang pagkaartista mo!” at tumawa ng malakas ang lalaki at sinundan din ito ng tawa ng lahat na kasali sa Halloween Party.

“Haha! Ako pa!” gatong naman ng lalaking naka-suit at maraming dugo.

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon