Who Killed Who

2 0 0
                                    

Nakaupo ako sa hagdan ng third floor at nagpapahinga nang marinig ko ang mga bulong galing sa silid-aralan.

“Hindi ko alam kung papatayin ko ba siya o hindi,” saad ng isang pamilyar na tinig.

“Patayin mo na lang,” sabi ng isa. “Gawain mo naman ‘yan,” puna pa nito.

Napakunot ang noo ko sa narinig at nahigit ko ang aking paghinga sa pag-iisip na baka ako ‘yung papatayin.

“Hindi ko alam,” nag-aalalang balik ng una.

“Sus, papatayin lang, suko ka na agad? Ang weak mo naman,” pagpatol ng pangalawa.

“Ikaw patayin ko r’yan, eh,” panghahamon ng nauna. “Siyempre, kahit palagi akong pumapatay, hindi ko naman papatayin na talaga ngayon-ngayon na.”

Ang laswa naman ng mga pinagsasabi nila. Kinilabutan ako.

Kilala ko ang unang boses dahil si Jem iyon. Si Jem na nerd, pumapatay ng tao? Tapos si James na first honor na sikat ay nakikipag-usap dito at adviser pa ni Jem. Hindi ko alam na nag-uusap pala sila ng patago. Sa classroom kasi si James ay palaging kasama ang mga heartthrob ng school. At ito namang si Jem ay palaging nasa sariling mundo at nagbabasa ng libro, typical nerd.

Tapos nag-uusap sila tungkol sa papatayin nitong Jem. To add, marami na siyang napatay. Secret agent ba sila? Killer? Ang galing naman nilang mag-disguise.

Akala ko simpling tao lang sila, hindi naman pala.

Dali-dali akong tumayo ngunit hindi ko namalayang may bulletin board sa ulunan ko kaya napa-aray ako sa sakit ng impact.

“Sino ‘yon?”

Nanlaki ang aking mga mata at dali-daling tinahak ang daan pababa na ang paglapag ay parang papel ilang hindi ako Nils marinig. Nang marating ko ang first floor ay napabuga ako ng aking hininga dahil pinipigilan ko iyon subconsciously. Buti na lang maganda ang reflexes ko. Sablay nga lang.

“Oh? Evan?” said ng tinig na napadaan lang. “Anong nangyari sa iyo? Mukha kang nakakita ng multo,” kumento ng kaibigan ko nang nakababa na ako sa hagdan

“Sira!” asik ko sa kanya.

“Uuwi ka na ba?” tanong niyang iniba ang topic.

“Oo.”

“Samahan na kita.”

Tumango ako bilang tugon.

Kinabukasan, umupo ako sa upuan ko na parang tuod. Hindi ko kayang humarap sa likod dahil nakita ko si Jem na nagbabasa ng libro at nakaupo sa kayang armchair. Itong si James naman na makikipagkulitan sa kanyang mga kabarkada.

“Evan, mukha ka na namang nakakita ng multo. Saan mo ba nakita nang masamahan kita para dalawa tayo,” saan ng bagong pasok.

“Wala!” Ngumiti ako ng pilit. Hindi ko magawang sabihan si Benjie dahil segurong tatawanan niya lang ako.

Sa ilang oras ng klase ay maayos naman ang daloy nito ngunit nang sumapit ang panghuling klase sa umaga, biglang yumanig ang aking mundo.

“Evan, tayo ang partner,” anunsyo ni Jem.

Bakit siya pa? Pweding si Benjie na lang?

“Oo,” I said and turned away.

“So, um,” sabi niya at naupo sa tabi ko.

“Uh.” Pinagpapawisan na ako ng malamig at nanginginig na ako. Papatayin na ba niya ako mamaya pagkatapos ng klase?

Ang awkward. Pweding ako na lang gagawa ng project para tapos na ‘to?

One-Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon