"noona, kamusta ka na?"
"noona nagrerelax ka ba nang maayos jan?"
"Noona spend your bakasyon wisely..."
"Noona, may ibibigay ako sayo pag balik mo.."
Napangiti naman ako habang binabasa ang mga unread message ni Dokyeom sa akin nung mga nakalipas na araw. Mula kasi nang magbakasyon ako, eh hindi ko pa ulit nahahawakan yung cell phone ko, kaya ayun...
" Ang sweet mo talaga.... Hehe, kay crush kita eh" bulong ko sa sarili ko habang abot hanggan tenga ang ngiti ko.
"Hoy, mapupunit na ata pisngi mo kakangiti mo jan" Agad akong napatinggala para tignan kung sino yung panira ng moment ko.
"Shutaness... Di bale nang mapunit ang pisngi kesa naman sa mamuti ang mata kakaantay sayo.... Aba Kim Mingyu hindi porket isa kang sikat na chef at CEO, pwede mo na akong pag hintayin nang ganto katagal ah." Sunod-sunod na reklamo ko sakanya.
Napakamot nalang siya sa batok dahil siguro hindi niya inaasahan yung bigla kong panenermon.
"Sorry na nga eh... Ano ba kasi yun. At ang sabi ni Kyoto sa akin magpapasama ka daw." tumayo ako sa kinauupuan ko at hinila siya sa parking lot ng building niya. At pinagtulakan siya papasok sa kotse ko.
"Anu ba kasi yun...."
"Sasamahan mo ako bumili ng gitara." Saad ko sa kanya habang sinusuot yung seat belt ko.
He tilted his head in confusion at saka ako tinanong ulit.
"Gitara? Aanhin mo?!"
"Birthday ni Woozi ngayon. Bibigyan ko nang gift." I replied at inumpisahang magdrive...
"So bakit gitara?" inosenteng tanong ni Mingyu sa akin. Sumulyap lang ako sa kanya at saka humagalpak ng tawa dahilan para hampasin niya ako.
"G*go ka! Hahampasin mo ko, pagtayo bumangga... Naku sinasabi ko sayo..."
"Eh kasi naman bakit gitara! Gusto ko na ngang kalimutan yun eh..." Angal niya.
"di mo ba alam yung 'Forgive but never forget'..." Pang-aasar ko sa kanya, kaya naman sinimangutan niya ako.
"Wag mo akong simangutan... Kayo nga ni Woozi niregaluhan nyoko ng cielo...." Naiiling kong saad, muli siyang humarap sa akin pero nakanguso parin.
"At least yun binili namin ni hyung kasi nasira yung cielo mo... Bakit nga ba ulit na sira yun?"
"Kase nga yung isa nyung ka-kulto, lapitin ng away, ayaw naman magasgasan ang mukha." kwento ko sa kanya.
"Yoon?" — banggit niya.
"Wag mo nang ituloy... Naku... Maiistress lang ako..." Naiiling ko ulit na saad sa kanya.
"Ah kaya pala YoonHong ang pangalan nung cielo mo..." he said.
"Pinapangalanan ko yung mga instruments ko sunod sa mga nakasira or nagbigay sa kanila." paliwanag ko.
************************************
After kong magpasama kay Mingyu sa mall para bumili ng gitara, dumiterso ako dito sa recording company na pinuntahan ni Woozi ngayon.
Freelance music composer siya, andami na niyang nagawang magagandang kanta, madami ding kumukuha sa kanya na music company. Ewan ko ba kung bakit lagi niyang tinatanggihan.
"Uy Jaehwa kanina ka pa ba jan?" agad kong inangat yung ulo nang marinig kong tinawag yung pangalan ko.
"Woozi-yah, happy birthday..." Bati ko sabay abot nung gitarang binili ko sa kanya.
"May hard case na yan ah... Para kahit pati yung case, pwede mong ipanghampas." I proudly said, natawa din naman siya sa sinabi ko at saka ginulo yung buhok ko.
"Salamat ah... Friend!" komento niya sabay hagalpak ng tawa.
"Oo naman Friend..." Sagot ko sa kanya emphasizing the word 'FRIEND'
Baka sabihin nyo may something sa amin ah, wala... Ganyan talaga kaming mag-lokohan. Baka kasi sabihin nyo, Ay na-friend zone or di kaya ay namemren zone ka. Walang ganon ah... Wag maissue.
Mamatay na ang Marites at yung squad niya, pati na rin si Tolits at mga tropapipsyowassupdude niya.
"Tapos ka na ba sa work mo?" tanong ko sa kanya habang magkasabay kaming naglalakad.
"Hmm... Bakit? Ipinaghanda mo ba ako?" pabiro niyang sabi pero, oo pinaghanda ko talaga siya para sa araw nito.
"Pupunta ba ako dito kung hindi?"
"Assa! Ano ba yan?" Biglang excited na tanong niya sa akin.
"Siguro naman akong matutuwa ka eh, lalo na may kanin...." Masaya kong saad sa kanya dahil alam kong favorite niya yun.
************************************
At yung nga ang nangyari ngayong araw, maghapon kaming nagbonding ni Woozi. Kumain, naglaro, nanoud ng sine, pumunta din kami sa amusement park at sumakay ng rides.
"Jaehwa salamat sa treat ah!"
"Achuu wala yun, wala pa nga yun sa lahat ng nagawa mo para sa akin... And I'll be always thankful for that." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Totoo naman, si Woozi na lang naman ang rason ko kaya hindi ko kinakalimutan ang maging si Jaehwa. Dahil alam naman nating lahat kung gaano ko isinusumpa ang pangalang Lee Jaehwa.
"Hoy, nag iisip ka nanaman jan... Halika nga, bibigyan kita nito ngayon kase nilibre mo ako..." Woozi said as he pull me close to him and engulfed me into a hug.
"Akala ko ba ayaw mo ng skinship?"
"Kaya nga, eh mukhang kasing lalim na naman ng Bermuda Triangle yang iniisip mo..." Sagot niya.
"Hindi naman, pero thank you kase anjan ka lagi. Ang pinakapinagkakatiwalaan kong kaibigan..." Sambit ko at niyakap siya pabalik.
Woozi's POV
'Pinakapinagkakatiwalaang kaibigan...'
Ang sarap sa tenga at sa pakiramdam. Pero matatawag mo pa kaya akong kaibigan kung malalaman mo yung mga sikreto kong tinatago?
Magiging malapit ka pa kaya sa akin?
Kasi kung mawawala yun, hindi ko nalang sasabihin, magkunwari na lang ako. Kahit na alam kong malalaman mo din yun, magkikibit-balikat na lang ako.
Kasi...
'Ayokong mapunta ka sa iba... Maging si Han Hyunhwa ka man o si Lee Jaehwa'.
//=//=//=//=//=//=//=//=//=//=//=//=//=//=//=//=//
HAPPY BIRTHDAY TO OUR GENIUS MUSIC PRODUCER/VOCAL UNIT LEADER/ ONE OF THE BEST VOCALIST IN THE KPOP INDUSTRY
🎉🎉😍😍LEE JIHOON / WOOZI😍😍🎉🎉
BINABASA MO ANG
Kpop Imagines/ Oneshot story
FanficEnjoy this book of imagines and Oneshot related / based on Kpop. (concept, songs, and Idols) medium: English/Tagalog/Taglish But mostly taglish😅😅😅😅