"Gia, ayun si kuya Jun mo oh!""Wahhh! Kuya Jun! Miss na kita!"
Gia immediately run towards Jun nang makita nila ito ni Hoshi sa park.
Agad namang lumingon si Jun nang marinig na tinawag ang pangalan niya at ngumiti ng makita ang papalapit na si Gia sa direksyon niya.
"Wala ka yatang gawa ngayon... Musta na." bati ni Hoshi kay Jun sabay upo sa tabi neto.
"Hehe... Kakatapos lang kase ng art exhibition... At saka alam mo na, bakasyon si Hyunhwa...I mean si Jaehwa.. Or kung ano mang name ang tawag mo sa kanya...." Natatawang saad ni Jun.
"Oo nga bakasyon nga siya, pero napapaligiran pa rin siya ng mga taong pinaglilihiman siya..." Hoshi stated and heaved out a deep sigh, which made Gia look a them in confusion.
"Bakit kuya Hoshi at kuya Jun, may tinatago ba kayo kay ate Jaehwa?"
"Ay... Hindi. Wala, wala kaming tinatago..." Agad na pagdedeny ni Hoshi.
"Gia laro ka muna dun sa playground pwede? Mag-uusap lang kami ni kuya Hoshi mo.." - Jun.
Agad namang sumunod si Gia sa sinabi ni Jun at nagtungo ito sa playground at nakipaglaro sa ibang batang nandun.
Nang makalayo, kapwa napabuntong hininga sina Jun at Hoshi, dahil kamuntikan na silang madulas kanina kay Gia. Buti nalang at hindi.
"Wanya, muntik na yun ah..."-Hoshi
"Ikaw kase eh... Ano ba kasing ibig sabihin mo kanina.." - Jun.
"Si Woozi, babalik na. Tatanggapin na niya yung offer ng papa niya na maging kapalit bilang Chairman ng SC group.... At kasabay non, ipepresent niya si Jaehwa bilang fiance niya..." Malungkot na saad ni Hoshi. Ngunit, kabaligtaran ito ng naging expression ni Jun.
" Anong fiance? Di pwede yun?! " naaalarma niyang sabi.
" Hindi naman sa hindi pwede, pero siguradong magagalit si Jaehwa kapag nalaman niyang arranged ang laha—"
" Hindi.... Hindi sila pwede ni Jihoon kase.... Magpinsan sila!" Jun blurt out making Hoshi drop his jaw in shock.
Hoshi was right, Jihoon who is also known as Woozi was the Heir of the SC group and was aware na siya ang magtetake over after his father. But with the thought na baka ipakasal siya ng daddy niya sa babaeng di niya kilala, he ran away with a deal to his dad na babalik siya sa company once nahanap na niya yung taong makakatuwang niya dito. In which he was pertaining to Jaehwa.
While on the other hand, tama din naman ang sinabi ni Jun. Hindi pwede sina Jihoon at Jaehwa dahil mag-pinsan sila. Magkapatid ang mga papa nila. At narinig din niya ang information na ito sa mismong half-brother ni Jaehwa na si Seokmin.
"No... Ano nalang mararamdam ni Jaehwa kapag ganito? Sino pa nakakaalam?"
Mas lalong napabuntong hininga si Jun nang tanungin ito ni Hoshi.
"Wonwoo~ alam din niya..." - Jun.
"Paano yan, gustong-gusto pa naman ni Woozi si Jaehwa... Na talaga namang hinintay niya ito." panghihinayang ni Hoshi.
"Tingin mo Hoshi, kung nagkataong lahat tayo may gusto kay Jaehwa, may pipiliin kaya siya sa atin?"
"Ako aaminin ko na Jun, may gusto ako kay Jaehwa, pero alam ko namang hanggang kaibigan lang kami kaya kinalimutan ko na yun. Kaya kung itatanong mo yan sa akin... Iminus mo na ako sa equation na yan." Hoshi said bitterly.
"kaya please kung gusto mo siya Jun, wag mo siyang hahayaang masaktan nang mga taong nakapaligid sa kanya... Balato mo na sa akin yun." He added at saka tinapik ito sa braso.

BINABASA MO ANG
Kpop Imagines/ Oneshot story
FanfictionEnjoy this book of imagines and Oneshot related / based on Kpop. (concept, songs, and Idols) medium: English/Tagalog/Taglish But mostly taglish😅😅😅😅