✓Chapitre 66

35 3 0
                                    

Shana's POV.

Nagising ako ng may kung anong mainit na lumapat sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat at napagtantong nasa yacht pala ako nakatulog. Gagalaw na sana ako ng naramdaman na may kung anong bigat na nakapatong sa bewang ko.

"Good morning." anas niya.

Humarap ako sa kanya at kaagad na bumungkad sa'kin ang napakagwapo niyang mukha. Bahagya niyang sinuklay ang buhok ko ng umikot ako papaharap sa kanya at ganun din ang paghalik niya sa noo ko. Di ko naman mapigilang napangiti habang yakap na yakap siya. Ngunit kaagad rin akong bumangon ng parang wala na akong may nararamdamang alon. At nang makaupo nakita kong nasa dalampasigan na pala kami.

"I drive while you fell asleep."

"What time is it?"

"Mmm! Wag ka nga masyadong nagmamadali. Marami pa tayong oras." saka niya ako hinila papahiga ulit.

"Anong oras ba ang alis mo?"

"Mamayang 10 pero ihahatid pa kita, bago ako umalis."

Wala akong masyadong tiwala sa lalake na'to pagdating sa oras. Kahit na sabihin niyang mamaya at maraming pa pero 'yun pala. Lagpas na yung nakatakdang oras na dapat sumipot siya. Masyado kasi kampanteng di siya mapapagalitan dahil sa pagkatao niya.

Malamig na tinitigan ko siya habang nakangisi lang ito at yakap na yakap ako. Kinapa ko ang suot niyang coat at may naramdaman akong bagay sa kalawing bahagi nito. Mabilis ko iyon kinuha mula sa inside pocket ng coat niya saka tinignan kung anong oras na ngayon.

"Its almost quarter to 10." paalam ko.

"Ano naman ngayon?"

"Maxwell!"

"Baby Flame?"

Mahinang hinampas ko ang dibdib niya pero tinawanan lang ako nito. "Umayos ka nga! Alam mo bang napakaimportante ng oras?"

"Mas importante ka..."

"Kung sakalin kaya kita diyan!"

"...with love?" asar niya.

"Come on, you need to go." pilit ko ulit at sinubukang kumawala sa hawak niya.

"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Wala pa nga akong good morning kiss eh." pagmamaktol niya.

"Kiss mo mukha mo!"

"Di ko nga mahalikan yung mukha ko. Di ko kasi maabot kaya ikaw na lang."

"Ha! Ang corny mo! Bitawan mo nga ako at makaalis na tayo."

"Kiss muna!"

"No!"

"Kiss muna! Isa lang eh." Ang tigas nang ulo!

Sinamaan ko pa siya muna ng tingin bago ko siya binigyan ng isang mabilis na halik sa labi nito. Parang baliw rin naman siyang napangiti at talagang hinawakan pa ang likod ng ulo ko para pahabain ang halik ko sa kanya. Ngunit agad ko rin naman siya tinulak na kinadismaya niya.

"Isa lang hindi ba? Huwag kang abusado! Kaya tayo na!" Tumayo na ako pero paglingon ko sa kanya hindi pa rin ito tumatayo sa kinahihigaan. "Max, tatayo ka pa ba dyan?"

"Ang daya eh."

"Bahala ka sa buhay mo diyan."

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at tumayo doon. Tinatamad akong pilitin siya sa kagustuhan niyang mananatili pa dito. Kilala niya ako at alam kong alam niya kapag sinabi kong ganito. Kilos kaagad dahil kaaway ko ang mga taong masyadong mabagal. Pero paano ko magiging kaaway ang isang 'to kung nagawa niya akong ikulam sa pag-ibig. Sasaktan ko na lang 'to siguro ng pisikal na pamamaraan.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon