✓Chapitre 68

62 4 0
                                    

Shana's POV.

Maaga kaming nakarating sa Batangas kaya sandali kami munang nagpahinga. Hindi pa kasi sinisikat ang araw at bumyahe namin papunta dito. Gusto ko din sana matulog habang nasa byahe ngunit hindi ko magawa dahil sa inis at inggit. Alam kong kasalanan ko kung bakit hindi ako yung taong niyayakap at hinahawakan nila. Ngunit hindi ko maitatanggi iyon. Kung pwede ko lang sanang hilain at itapon yung impostora ko papalabas ng van kanina, ginawa ko na.

Mag-isa akong nakahiga sa sariling kama habang nasa kabilang kama naman natutulog si Cassandra. Ayaw ko siyang abalahin dahil alam kong antok na antok ito. Bahagya akong tumagilid ng higa at kaagad naman lumapit si Max sa'kin para mahiga sa tabi ko. Sinuklay-suklay ko naman ang maputi at malambot niyang balahibo habang natutulog ito. Mayamaya pa ay hindi ko napigilang maalala kung paano ako nagkaroon ng ganitong klaseng aso.


~

Papasok na sana ako ng bigla niya ako pinigilan.

"What?" Inabot niya sa'kin ang kanina pa niyang dalang paper bag kaya nagtaka ako."Di ko birthday ngayon, Flame. And supposed to be, ako dapat ang magbibigay ng regalo sa'yo for coming back home."

"Ano naman ang masama kung bibigayan ko nang regalo ang girlfriend ko?"

Napailing na lang ako saka tinanggap ang regalo niyang may kabigatan. Pagbukas ko ng binigay niya. Ganun na lang din ang gulat ko ng makita kung ano ang laman nito. Hindi ako makapaniwalang isang aso ang dala niya para sa'kin.

"Its a pure blooded maltese. I brought that when we stop by France. It's for you, Ice."

"T-thanks but its too much." nauutal kong wika.

"It's always too much for you, because that's hpw much I love you..." Napangiti naman ako dahilan para mapayakap ako ng mahigpit sa kanya. "Ano nga pala ang ipapangalan mo sa kanya? Di ko binigyan ng pangalan kasi gusto ko ikaw mismo ang magbigay."

Tinitigan ko ang asong hawak na hawak ko. Ngunit kaagad ko rin naman binaling ulit ang paningin ko sa kanya na may ngiti sa mga labi ko.

"Max... I'll name him next to my men I love."

Napangiti naman siya at niyakap ako.

~


Kaya hanggang ngayon dala-dala ko na siya. Nagustuhan ko ng sobra ang asong ito dahil hindi siya malikot kapag dinadala. Mabuti naman at magaling rin pumili ang isa nun. Alam na alam pa naman niyang ayaw na ayaw ko sa mga bagay na maiinis ako.

Mahigit dalawang oras din ang nagawa naming pagpapahinga. Sinimulan ko namang mag-ayos ng mga gamit ko sa cabinet ng nagising na rin si Cassandra at kaagad na lumipat ng higaan.

"Woh! Collidea. Gustong-gusto ko talaga ang iniregalo niya sa'yo." sabay tabi niya kay Max na nakahiga sa kama ko.

"Thanks. Di ko nga rin inaasahan na may iuwi pala siyang ganyan para sa'kin." wika ko habang tinatapos ang pag-aayos.

"Mackzwell, really loves you..."

"Does you need to say that?"

"HAHA! How come that the Queen of all gangsters resist from the love of her King?"

Napaisip naman ako sa sinabi niya. "My value is priceless, my potential is limitless. That's why I'm the Queen."

Bigla niya akong kinuotan ng noo kaya tinawanan ko siya. Maingat kong binuhat si Max sa braso ko at mabilis na iniwan ang pinsan kong nag-iisip pa rin.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon