✓Chapitre 6

129 6 4
                                    

Vanessa's POV.

"Shana Studebaker, isa ka talagang pahamak sa buhay ko. Ugh! Ang sarap mong sipain pabalik sa Monte Carlo."

Kakagising ko pa lang pero iyon na agad ang bungkad ng umaga sa'kin. Lintek! Ipinasa pa naman sa'kin yung magiging activity niya dahil di niya nagawa kasi may pinuntahan. Kainis! Kakalbuhin ko na talaga ang isang 'to. Daming ginagawa. Daming inaayos sa buhay.

Pasalamat siya at maaga akong magising ngayon. Malaki pa yung oras ko para magawa at matapos yung activity niya. Humanda lang siya talaga. Umabot lang din naman ng ilang minuto iyon at agad along naghanda para sa eskwela.

Abalang-abala na ako pagluluto ng agahan. Nung biglang na lang nagvibrate ang phone ko. Saglit na nilagay ko muna sa plato ang niluto at binuksan ang cellphone para basahin yung mensaheng natanggap.

"Waaaaaaaaaaah!" Sigaw ko.

"I hate you, Alex Fernandez! Unggoy ka nga talaga!"

Merong isang larawan na naka-tag para sa'kin. At ng i-click ko iyon isang picture na kung saan hinagisan ako ng itlog sa mukha ng mga schoolmates kong mga babae dahil nakita nila kami ng panget na 'yun na magkasama.

Sumabay lang naman siya sakin sa paglalakad at ako pa yung napahamak. Tapos habang hinahagisan ako ng mga schoolmates ko ng pesteng itlog na 'yun. Pinanuod niya lang ako hanggang sa matapos atsaka dun nalang niya pinapagalitan ang mga babae. Ang galing diba?! Hinintay pa naman talagang matapos!

Ugh! Kinuhanan pala niya ako ng litrato nun! Bwisit talaga! Humanda ka lang talaga sakin. May araw ka rin. Maghintay ka.

-

Nagdrive na ako papuntang school at pinipark ang kotse sa malawak na parking lot. Tingin-tingin pa muna ako sa paligid kung may taong nakatingin. Baka kung anong biyaya na naman nakahanda para sa'kin. Nung masigurong wala nga. Sinuot ko ulit ang eye glasses at bumaba.

Habang naglalakad ako papuntang rooftop dahil sabi kasi ni Shana doon ko daw iabot sa kanya yung activity. May sasabihin din daw ang tatlong pulubi kaya pagbigyan.

Sumasakit na yung ulo ko kakaisip sa mga tao kung makatingin sa'kin parang taong-aso akong naglalakad. Anak ng! Ayos na sana yung tingin pero biglang umirap yung isang feelingerang humingi. Oh! Please! Pwede bang paki-ayos muna ng ngipin mo bago kong irapan dito.

"Good morning, nerdy!"

Ang panget niyo...

Hindi ko pinansin yung isang grupo ng mga lalakeng bumati sakin. Akala siguro nila version 0.2 ng the Mob. Iniyuko ko na lang ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ai! Ang sungit naman 'yun mga pre!"

Maya't maya pa'y bigla na lang nagsigawan ang mga babae sa hallway kaya halos mapatalon ako sa gulat. Nakakanerbiyos sila! Tsk! As usual! Dumating na naman kasi ang limang lalakeng kinaadikan nilang lahat. May mukha nga, ewan ko kung may natitirang pwet pa.

Hindi ako isang tanga para makisiksik sa kanila para makita lang ang mga 'to. Anak ng! Araw - araw ko naman nakikita ang pagmumukha nilang lima. Nakakasawa! Nagpapatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa direksyon nila. Ba't ba kasi doon pa yung daan paakyat ng rooftop.

Pasimpleng dumaan ako sa gilid nila at walang kahit anong nilagpasan para makaakyat na sa taas. Ngunit, kung minamalas ka din naman.

"Good morning, baby!"

Mapabigat na napasinghal ako ng talagang napansin at nakita pa ako ni Alex kahit na yumuyuko na'ko.

"Oh, naggogood morning lang 'yung tao. Ang sungit mo naman. Meron ka ba?"

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon