✓Chapitre 39

34 4 0
                                    

Vanessa's POV.

         Kasalukuyang nakahiga at nakaupo kaming lima sa living room ng glass house ni Shana. Isang mura talaga. Sana lahat mayaman at independent. Tek! Ano pa nga ba ang magagawa namin? Prinsesa lang naman siya ng dalawang bansa. Wala kami ibang naisip na gawin pagkatapos ng farewell party namin sa Cali.

Sobrang sarap na yung pagkakahiga ko sa maganda niyang sofa ng bigla akong napaitlag. Magugulat ka talaga dahil kahit sina Roanna napalingon din ng may tumalon mula sa ikalawang palapag.

"Tumayo na kayong lahat dyan. Aalis tayo."

"Collidea, what's the used of your stairs?" inis na inis na anas ng pinsan niyang. "Nangangailangan ko na ba 'yan ipapatagal. Di mo naman ginagamit e."

"Bahay mo, Echethier?"

"Woh! Akala ko kung ano na 'yun e. Papatayin mo ba kami sa gulat? Atsaka nga pala, sa'n punta natin?" singgit ko .

"Wag na kayong umangal pa. Wala akong planong sagutin lahat ng mga tanong niyo."

Minsan napapaisip talaga akong ang bastos nito. Kinakausap ko pa nga siya namin pero nauna na itong lumabas ng bahay. Wala kaming nagawa kundi nagmamadaling tumayo at sumunod sa kanya.

Nauna na siyang pumasok sa kotse niya kaya bago pa man maging demonyo yung isip niya. Pumasok na din kami at walang imik naman niyang binuhay agad ang makina

"Bakit ang tahimik mo naman ngayon, Shana-chan." Basag ko sa katahimikan namin

"Bakit kailan pa ba ako umingay?"

Napahampas na lang ako ng noo sa pagkapilosopo ng driver namin. Walang kwenta talagang kausap 'to. Kailan pa nga ba 'to maayos?

"Kuya Richard, please keep everything in touch. Kung nagugutom po kayo. Wag po kayong mahihiyang pumasok sa loob. Alam niyo naman po ang passcode ko."

"Maraming salamat, Miss Shana. Mag-iingat po kayo."

"Bye, Kuya!" anas namin.

"Sige, mauna na po muna kami. Ito nga pala ang agahan niyo. Pasensya ka na ngayon ko lang inabot."

"Thank you, Miss Shana."

Ang swerte talaga ng mga taong nagtatrabaho sa kanya. Parang di niya talaga tinuturing na trabahador at mas tinatrato niyang pamilya. Kakaiba ang busilak ng puso ng babae na'to. Ibang-iba sa mga matapobreng mayaman o maharlika.

Napalingon ako sa kanya na sobrang kalmadong nagdadrive at mukhang walang planong pansinin kami. Di na din sana ako iimik ng bigla akong  may naalala kaya kailangan ko siyang kausapin.

"Princess Collidea Ar---"

"Subukan mo lang kompletuhin ang pangalan ko, makikita mo na talaga si Satanas."

Sungit!

"Then what should I call you, SHANA!"

Tataray na sana ako ng bigla niyang tinulak ang mukha ko papalayo sa kanya at narinig ko naman nagsitawanan ang mga bruha sa backseat.

"Sakit?"

"Ikaw kaya suntukin ko." Gigil kong saad kay Carolina.

Agad din naman niyang tinaas ang dalawang kamay bilang suko kaya hinarap ko na uli ang masungit na babae sa driver seat.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon