✓Chapitre 22

66 7 1
                                    

Charles POV.

      Di ko alam kung ilang mura ang naimura ko sa isipan pagkatapos kong panuorin kung papaano niya pinasabog yung kotse ng lalakeng kaaway. Tulalang-tulala na din ang iba sa'min habang nakatingin sa umaapoy na kotse  Medyo malayo kami mula sa kotse ni King pero mukhang matindi yung krimin.

"Shit! King, are you okey?!" Pasigaw na may halong pag-alalang wika ni Alex.

Naghintay din akong sumagot ito pero dumaan ng mga ilang segundo wala kaming may narinig mula sa suot na earpiece.

"KING!"

"............."

"KING! KING! MAXWELL! OH SHIT!" 

Napamura na lang si Mark sa inis ng hindi pa rin ito sumasagot. Kinakabahan ako kung ano na ang nangyari kay Max. Hindi pa naman kami makalapit sa kinaroroonan niya.

"Alex, sa tingin ninyo ano kaya ang nangyari kay Max? Maayos lang kaya siya?" nag-alalang wika ko habang nakatingin sa kotse ni Max.

"Kung may mangyari man masama sa kanya. Sigurado akong patay tayo apat kay Daddy niya."

"Lah! Ayaw ko pang mabugbog! Sana wala naman may mangyaring masama."

"Huwag ka ngang OA diyan, Arquiza!"

"Bakit ba? Parang di ka lang natatakot sa Tatay niya."

"Aba! Sino pa nga ba hindi matatakot doon? Sinasabi ko lang na huwag kang mag isip isip ng kung ano-ano diyan at baka tayo yung ipapalit na namang target sheet."

Nanlaki agad ang mga mata ko ng maalala yung nangyari kalaunan. Takte! Sana naman walang may mangyaring masama sa kanya.

"Charles. Alex. Bumaba kayo. Puntahan niyo si Maxwell. Dali! Siguraduhin ninyong walang masamang mangyari sa inyo. Mag-iingat kayo." Striktong wika ni Rain.

Tumango naman kaming dalawa saka kinuha ng tag-isang screwdriver  para pagdipensa lang.  Hinanda pa namin ang mga sarili bago tuluyang lumabas ng kotse.

Dahan-dahan lang kami sa paglalakad patungo sa kotse ni Max. Mas nakakabuti na yung sigurado at baka kami ang mapapahamak dito sa labas. At ng makalapit na kaming dalawa ni Alex. Sumandal ako sa likod ng kotse at sumilip sa kaliwang bahagi ng kotse. Tinignan ko kung may tao doon habang si Alex naman tinitigan yung kabilang gilid.

Mayamaya ng masigurong walang ibang taong nandoon.  Kaagad namin pinuntahan ang driver seat at napahinga naman kami ng maluwag ng makita siyang maayos.

Mukhang nawalan ng malay ito sa sobrang kakainum ng alak. Hai! Naku! Buti naman.

"Guys, what happened?" wika ni Mark.

"He's fine. Mukhang nasobrahan lang sa paginum ng alak kanina." Sagot ni Alex sa kanila.

"Aish! Thank God! He's okey. Drive him to his condo. Used his car. We'll follow you."

Sumangayon lang din kaming dalawa at pinagtulungan buhatin si Max sa back seat para makatulog ito ng maayos. Ang bigat niyang klaseng lalake halos mabali na yung buto ko sa likod. Binigyan ko na lang siya ng isang halik sa pisngi bago pumasok sa driver seat.

Binatukan pa ako ni Alex ng makaupo sa loob . Kasalanan ko bang sweet ako kay Max. Di naman niya iyon maalala kasi paniguradong walang malay talaga ito ngayon.

Habang nasa daan patungo sa condominium ng pinag may-ari ng parents ni Maxwell. Di ko talaga mapigilang sumilip sa side mirror at sa rearview mirror. Alam kong nakasunod sina Rain sa'min pero mas mabuti na yung di ka makampante.

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon