✓ Chapitre 57

49 3 0
                                    

Maxwell's POV.

Nagmamadali kaming pumasok sa loob ng emergency room at tamang-tama na dumating silang lahat para salubungin kami. Alalang-alala ang lahat sa nangyari ngunit kaagad namin magawang maikwento ang pangyayari dahil kailangan madala si Roanna sa loob ng operating room. Ngunit kung tatanong man, hindi ko rin maiintindihan kung ano ba talaga amg ginawa sa kanya. Basta lumalabas yung mga ugat sa pisngi at kung saang bahagi ng katawan niya.

"Roanna, please hang in there."

"What happened? What did they do?"

"Ma'am. Sir. Dito na lang po kayo." Wala na kaming nagawa ng pinigilan nga kami nung nurse.

Inaalayan naman agad ni Charles ang ina ni Roanna na makaupo sa isang bench. Sandali rin naman akong lumabas para sagutin ang tawag ni Dad. Panigurado akong nililinis at inaayos na nila yung kaso. Pagkaalis kasi namin doon ay nagawa pa naming makasalubong ang mga tauhan niya sa daan. Mukhang mag-iimbestiga na sila at para na rin makakuha ng posibleng detalye upang malalaman kung sino ba talaga ang boss ng mga ito. Pagkatapos kong makausap si Dad ay bumalik din naman kaagad ako sa loob. Kakapasok ko palang at kitang-kita ko ang paglapit ng isang Doctor sa kinaroroonan nilang lahat.

"Miss Studebaker?" 

Bahagyang napakunot ang noo sa narinig at mas lalong minadali ang paglapit. At tuluyan na akong nakalapit ay ganun din ang paglapit ni Shana sa kanya. Punong-puno sa pagtataka ng makitang may inabot ito sa doktor na isang syringe na may laman. Hindi ko pa siya kaagad naitanong hanggang sa makaalis na yung doktor.

"What's that?"

"Antidote for the drug they injected her." Saka niya ako tinalikuran ng pinigilan ko siya sa braso.

"Get a doctor, Ice."

"No, I'm good. Wag kang mag-alala--"

"Sabihin mo nga sa'kin na di ako mag-alala. You just drank that poison and you tell me that you're going to be okey? Stop fooling me!"

"If you are okey then get a doctor to check on you."

"I don't need a doctor to treat me, Maxwell." 

Napansin kong napatingin silang lahat sa'min at napatayo pa yung iba. Aakmang babawiin niya ang ang sariling braso ng mas lalo kong higpitin ko iyon.

"Shan, pwede bang wag ka munang matigas ang ulo! Nakakainis! I'm too worried to lose you. Alam mo ba kung ano ang maging epekto iyon sa'yo. Kung ikaw sa posisyon ko magugustuhan mo rin ba ang gusto ko?" Di ko napigilan magalit. Naghahalo na ang emosyon ko dahil sa kanya kaya hindi ko na alam kung ano pa ang kinalabasan nito.

Mayamaya pa ay may lumapit sa'min  na isang doktora at kinausap kami tungkol sa lagay ni Roanna sa loob. Di pa nangalahati ang usapan namin ng bigla siyang tumakbo papasok sa banyo na hinabol naman kaagad nina Sophie, Carolina, at Vanessa. Napaalerto rin naman ako sa nangyari at kahit alam kong para sa mga babae lang yung banyo na 'yun ay hindi ako nagdalawang isip na pumasok doon.

"Oh, shocks. Shana! Kaya mo pa ba?"

"Can you buy me a soda?"

"H-ha? Bakit?"

"Just buy me one."

"S-sure."

Lumabas muna si Vanessa kaya lumapit na ako sa kanya. Hinawakan ko ang buhok niya para di siya mahirapang magsuka ngunit sa pagtingin ko sa sink kaagad akong nataranta ng mapag-alamang sumusuka siya ng dugo. 

Emperor's JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon